Chapter 4 (Finally! Ngumiti na ang Tadhana)

Start from the beginning
                                    

Itinaas ni Devin ang crystal whisky glass na hawak niya at nginitian si Agatha bilang pagbati.

Pigil na pigil ang pagtili ng puso ni Agatha sa kilig na bumbalot sa kaniyang katawan. Oh my Gosh! Ibig bang sabihin nito, ay type niya ako?

"Thank you.", sambit niya at nginitian si Devin.

Ginawang abala ni Agatha ang sarili sa pag-iinternet gamit ang cellphone. Ayaw niyang ipakita dito ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi. Buti nalang ay malamlam ang ilaw sa loob ng bar, hindi masyadong makikita ni Devin ang pagpula ng kaniyang mga pisngi. Baka kasi isipin ni Devin ay kilig na kilig siya rito at patay na patay.

Kahit iyon naman talaga ang totoo.

"Hi!" Biglang napaangat ang mukha ni Agatha sa pagkagulat nang marinig ang nagmamay-ari ng boses. Nasa harapan na niya si Devin at dala nito ang inumin niya.

Those gorgeous eyes, mas maganda iyon sa malapitan. At kahit may kadiliman ang paligid, maliwanag pa rin ang iyong kagwapuhan.

Katulad noong una nilang pagkikita ay napatulala lamang si Agatha dito, nakangiti siya, ngunit napipi.

Huminga siya ng malalim.

Inhale, exhale., wika niya sa sarili and she made herself composed. Hindi na siya makapapayag na maghiwalay ang mga landas nila nang hindi na naman siya nakakapagsalita.

"Mayroon bang magagalit if I join you here?"

"May nakikita ka bang, hindi ko nakikita?" luminga-linga siya sa paligid at nagkunwaring hinahanap ang taong tinutukoy.

Devin laughed.

Napatawa ko si Devin. Oh my God! Anong gagawin ko? Hihimatayin yata ako. Juicekolord!

Tuwang-tuwa ang puso ni Agatha. Sa wakas ay unti-unti nang nagkakatotoo ang noon ay pangarap lamang niyang makita at makausap ang lalaking minamahal. Heto sila ngayon, magkasama.

"You're funny. Anyway, siguro naman sasabihin mo na ang dahilan kung bakit picture ko ang naka-set as wallpaper mo?", nanunuksong tanong nito at tumabi sa inuupuan niya.

Sa halip na sumagot ay isang pag-irap ng mata ang ibinigay niya dito at nag-iwas na din siya ng tingin.

"Buburahin ko nalang!", kunwari ay naiinis niyang sabi at akmang pipindutin na ang delete button ng kaniyang cellphone, ngunit maagap namang pinigilan siya ni Devin.

"No! I like it." Hawak nito ang kaniyang mga kamay. Muling naramdaman ni Agatha ang pamilyar na kuryenteng hatid ng binata, ngunit parang mas matindi ang pagdaloy nito ngayon. Ramdam niya ang init ng katawan ni Devin na nakadikit sa kaniya.

"Okay lang sa akin na crush mo ako.", dugtong nito at ngumiti sa kaniya nang nakakaloko. Dama ni Agatha ang ibig nitong sabihin, his eyes say a lot.

Binawi ni Agatha ang kamay na hawak ni Devin. "Deleted." Plano din naman niya itong i-retrive pag-uwi niya ng bahay. Palusot lamang niya iyon kay Devin upang huwag naman masyadong isipin nito na talagang patay na patay siya rito, kahit na iyon naman talaga ang totoo.

"Galit ka ba?", nag-aalalang tanong ni Devin sa kaniya, hindi kasi siya nagpapakita ng kahit anong reaksiyon.

Inilabas nito ang kaniyang cellphone.

Aga namang lovers' quarrel nito. Agatha huwag ka ngang umarte! Teka! Ano ang gagawin niya sa cellphone? Bakit binuksan niya ang camera?

"Hey stop!" Itinakip ni Agatha ang mga kamay sa kaniyang mukha. Ngunit huli na ang lahat dahil napicture-an na siya ni Devin.

In My Arms Again (BFF Series #1)Where stories live. Discover now