And I realized I really looked like a panicking fish. Bakit ang pangit ko sa angle na 'to?!

Nagsimula naman kaming kumain at hindi na rin namin hinintay 'yong dalawa. For sure ay busy ang mga Campus Prince at Princess ng batch namin dahil malapit na ang qualifying exams, which is, last day of classes just before the Christmas break. Ide-determine kasi no'n kung pwede kang kumuha ng advanced courses pagtungtong namin ng third year. Knowing those two, malamang nasa library na ang mga 'yon at punung-puno na ng libro ang lamesa nila.

Tiningnan ko naman ang phone ko kung may message ba galing kay Kevin pero wala. Mukhang busy rin siya sa pag-aaral.

Come to think of it, parang hindi ko pa siya nakitang nag-aaral. I started to wonder what kind of expression would be seen on his face when studying. Serious? Solemn? Serene? Hala, gusto kong malaman.

Itatanong ko sana sa dalawa kung may idea sila kung nasaan si Kevin pero naabutan ko silang parehong nagpipindot sa phone nila at may kakaibang expression sa mukha.

"Sino—"

"Sorry, I need to go. See you later," biglang sabi ni Yna at bigla na lang siyang umalis habang dala-dala ang mga libro niya.

Medyo gulat pa ako sa nangyari nang magpaalam na rin si Karla dahil may klase na raw siya kaya wala na rin akong nagawa kundi umalis. Pumunta na lang ako sa dance studio since wala na rin naman akong klase ngayong araw.

Halos isang linggo rin akong hindi nakapunta rito dahil sa dami ng mga nangyari at pagpasok na pagpasok ko ay ramdam ko na agad na may kakaiba. Dancers were staring at me with curiosity, and some, with spite. They might have already read the articles posted on the portal in addition to the rumors about me and Kevin. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil pareho kaming pumupunta rito.

Nilagay ko ang mga gamit ko sa locker at didiretso na sana ako sa dance room dahil hindi ko na kinakaya ang pagsulyap nila sa akin nang biglang may mukha na sa tabi ko pagkatapos kong isara ang locker ko.

"Oh my—!"

"Follow me."

I flinched and almost yelled when I saw Ate Divine beside me. Pagkasabi niya no'n ay agad siyang naglakad palayo kaya sumunod na rin ako. Naririnig ko pa rin ang mga bulungan nila at kung papaano nila ako tingnan na parang may ginawang masama kaya naman binilisan ko ang paglalakad ko. Pumasok kami sa room na tanging officers lang ang pwede at namangha naman ako sa nakita ko.

There were several trophies and medals displayed in a glassed cabinet. Framed photos filled the wall beside it. The achievements of this organization welcomed me and seeing the smiles on the photos kind of melted the worries I felt earlier.

"Have a sit."

Umupo naman ako sa couch at pumwesto siya sa tapat ko. It was awkward since I never really had a chance to be with her alone before.

"So, are the rumors true?" tanong niya at totoo ngang nakaka-intimidate ang presence niya.

"U-uhm . . ."

"Don't be too nervous. 'Di naman ako nangangain ng tao," she joked and I think that was the first time I saw her smiling like that.

Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig lang sa kanya pero dahil sa sinabi niya ay medyo kumalma na ako.

"Uhm, this may sound funny and unbelievable but . . ." I had to breathe deeply to utter the next words. "Kevin is . . . is uhm . . . courting me."

We were both silent for a few minutes and I could feel the blood rushing to my cheeks. That was embarrassing and I was starting to regret saying those words.

Crowned Princess (Kingdom University, #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang