Sabi pa niya sa akin. I rolled my eyes.

"Wow, maka-predict ha? Well, what if I tell you, Alejandros that you'll end up with let's say... Elisha – Pan's bff!"

"Like Yuck!" Alele said.

"See! Hindi natin alam iyon."

"Are you saying they won't end up? But they're in love!" Pan insisted.

"Maybe. But I have a feeling..." Pang – iinis ko. "Kairos won't end up with Cachi... he'll end up with someone else... like a calm presence, iyong composed, kasi ang intense ng buhay ni Kairos and I feel like he needs someone pulling him down to a big blue sea of tranquility."

"Oh no! Let's make pusta!" Sigaw ni Pan.

"I don't have to do that, Pan! That's so high school!"

Nagkatawanan kaming lahat. Nagkwentuhan pa kami ni Alejandros. I was asking him if it was too hard for him when he came out. He came out while he was pretty young kaya siguro hindi na masyadong nagulat si Uncle Zeus, hindi na siya nag-expect ng kahit na ano sa kanya, unlike sa mga magulang ko na sobrang naloka sa ginawa ko.

Pinipilit kong isipin na wala namang masama sa ginawa ko and that I am only like this dahil hindi pa ako tanggap ng mga magulang ko. I know that my sister and Yael is okay with whatever it is, kung si Rael naman, wala akong pakialam sa kanya talaga. Magsama sila ni Mikee, I hope they both find whatever they've been looking for in each other's ams.

Doon na rin naman ako naghapunan sa bahay. Natutuwa ako dahil napakasaya ng pamilya ni Uncle Zeus at Tita Gianna, they ask everyone about their days. Ganoon rin naman sa amin. Iyong dinner time talaga ang oras kung saan nagtatanong si Papa at Mama sa kung anong na-experience naming lahat nang araw na iyon. And then, after dinner, uupo kaming lahat sa gazebo at mag-uusap – usap.

I sighed I wished that I had told him earlier, maybe this will never be like this.

Bandang alas ocho nang gabi nang ihatid ako ni Kairos sa bahay namin. Medyo natagalan pa nga kami dahil natrapik kami sa may Edsa. As usual. Palagi namang traffic sa may Edsa. Habang naroon ay napatingin ako sa billboard ng Vejae Airlines na nasa harapan lang namin.

"Gwapo mo diyan ah!" Sinuntok ko ang balikat niya.


"Thanks..." Nakangiwi siya. Napatingin ulit ako.


"At ang ganda noong kasama mo. Model?"

He shook his head. "Beauty Queen. Miss Universe."

"Ah iyong kapapanalo? Ganda niya." Ngumisi ulit ako. "Bagay kayo."

"Please, Ica. That propostorous."

"Whatever..." I made a face.

A little while later, bumilis na ang daloy ng sasakyan. Hindi naman na kamo gaanong nagtagal na sa daan, mayamaya ay inihinto na ni Kairos ang kotse niya sa tapat ng bahay namin.

"Bye, Kai. Salamat!"

"Yes. Ingat, Nautica. If you need something, just call me, okay?"

Napangisi ako.

"I need the number of the beauty queen in the billboard. Type ko siya."

"Goodnight, Ica." Wika niya sa akin.

"Damot!"

Napapailing na pumasok na ako sa bahay namin. Gusto ko na lang umakyat sa kwarto ko at matulog but then when I got inside, Papa was on the stairs, sitting. Maybe he's waiting for me.

I bit my lower lip.

"Where have you been?" He asked.

"Uncle Zeus'." Matipid na sagot ko.

Barely NakedWhere stories live. Discover now