chapter 4: hashiyah

36 12 0
                                    

Oluap's pov

Nasa hallway palang ako nakita kona si hashiyah...si hashiyah sya ang ex ko.. Simula grade 6 crush ko na sya kaya niligawan ko...naging kami naman pero 1 week nga lang kasi bawal kami..alam nyo kung bakit? Mag pinsan kami ni hashiyah kaya ganun...

Pero hanggang ngayon sya parin ang laman ng puso ko wala nang papalit sa kanya dito..alam kong bawal pero wala ehh mahal ko sya

Pag pasok ko sa room ay naupo agad ako..kaya napatingin ako sa unahan ko..wala pa si yanash.. Masaya ka chat at kasama si yanash..sobrang kulit nya pero topakin talaga minsan...

Dumating na ang teacher namin sa tle pero wala parin si yanash..absent siguro...ichachat ko nalang mamaya

........

Ewan ko pero may parte saakin na hindi ako masaya...ayysstt ewan ko ba?

"oluap!" napalingon ako sa likod ko at nakita ko si hashiyah na may dalang payong.. Umuulan kasi kaya may dala syang payong..at ito din ang dahilan kaya hindi ako makapuntang guard house para umuwi...paano dadaan pa ako sa ground para lang maka puntang guard house

" sabay kana saakin" nakangiting pag aya nito..nginitian ko sya at kinuha ang payong na dala nya.. Kaya ngayon ako na ang nag papayong sa kanya..kasing tangkad ko lang sya, si yanash kasi maliit hanggang balikat ko lang

" alam mo bang may outing sa sabado ang mga kamag anak natin?" masayang kwento nito...ito si hashiyah madaldal talaga tong babae na ito..ewan ko nga kung bakit ko sya nagustuhan pero isa lang ang alam ko..un ay ung mahal ko sya

" sasama ka ba oluap?" napalingon naman ako sa tanong nya

" try ko" nakangiting sagot ko... Sabay na kaming umuwi dahil malapit lang naman ang kanila saamin...sumakay lang kami ng taxi then uwi na

*bahay*

Nahiga ako sa kama ko at nag online..tinignan ko kung online si yanash pero hindi..si hashiyah naman hindi rin online...ano kayang ginagawa ni yanash ngayon? Hindi rin sya pumasok kanina...kapag naiisip ko si yanash kinakabahan ako ewan ko hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito

Hashiyah > active now

Hashiyah : hey

Ako: hey

Hashiyah : sama ka nalang sa sabado

Ako: bakit?

Hashiyah : sige na namimiss na kita

May part saakin na gusto ko nang sumama sa sabado...ang sarap basahin ng paulit ulit itong sinend nya saakin

Ako: oo sasama na ako

Nag tuloy tuloy lang ang chat naming dalawa..ramdam ko na mahal pa nya ako at same lang talaga kami ng nararamdaman

Siguro nga... Gagawa ang tadhana para maging kami..bata pa naman kami at alam kong hindi pa ito ang tamang oras para saaming dalawa... Basta ang alam ko lang mahal ko talaga sya .. Mahal na mahal...

Hayanash's pov

" princess yuko!!!" napayuko naman ako sa sigaw ni aniraz.. Hindi ko inaasahan na may tatama saakin fireball . Mabuti nalang at nasigawan ako ni aniraz kung hindi tusta na sana ako....

Agad naman akong nag thumbs up sa kanya at ngumiti... Nag pasugod ang nerroc clan ng mga dark animals dito pa mismo sa academia... Tsk! Eto ang dahilan kung bakit hindi ako nakapasok kanina...marami na ang nasawi dahil sobrang dami na nang mga hayop...tsk...nakakaasar na!!!

Nilabas ko ang pakpak ko at sinimulang ipagaspas at tinignan kung ano ang dami ng mga hayop? Tila ba hindi ito nauubos na kahit anong gawin naming pagpatay ay dumadami parin sila...napamura nalang ako sa isip ko at sumugod na sa ilan

" raaaaawwwwrrrr" napalingon ako sa likod ko .. May dark bear na ngayon ay nag wawala na..tsk...inilabas ko ang scythe ko at pinaltan ito ng anyo..ginawa ko itong espada na nag liliyab at tinapon doon sa nag wawalang bear....

Busy parin ang lahat sa pag lalaban ng biglang tumigil ang mga hayop na ipinagtaka namin...naramdaman ko naman na tumabi saakin si nosgen,eca at aniraz.. Na kapit parin nila ang kanilang mga sandata...

" pasimula palang yan!" sabay sabay na sigaw ng mga hayop at biglang nag laho... Napabuntong hininga nalang ako at tinignan ang kapaligiran

" madami ang nasira" malungkot na paalam ni aniraz saakin

" madami ang bilang ng mga nasawi" pag bibigay alam ni eca saakin pero halata sa tono nya na malungkot sya sa nangyari

"simulan na nating ayusin ang academia'' pag papaalala ni nosgen kaya nag sikilos na kami

" prinsesa!" sigaw nang principal ng academia kaya lumapit ako...

"princess? Aayusin ba natin ang paaralan?" malungkot na tugon nito.. Napatingin ulit ako sa wasak wasak na parte ng mga bahaging pader... Marami rin nasirang classroom at buti nalang hindi naapektuhan ang mga dorms...

" kung sama sama tayo..kaya natin to lahat..maayos natin to" pag bibigay lakas ko sa principal..lahat kami ay nag tulungan at inayos muli ang paaralan..pero alam kong aabot ito ng tatlong araw para lang maayos...

Oluap's pov

Maaga akong gumising ngayon.. Malamang kailangan kong pumasok.. Nag online muna ako..wala trip ko lang...

School

"oluap!" napalingon ako sa isang babaeng tumawag saakin..sya ung palaging kasama ni yanash

" nakita mo ba si hayanash?" nag aalalang tanong nito

" kahapon ko pa sya hindi nakakausap eh" napasimangot naman ang mukha nito at mukhang hindi nagustuhan ang sagot ko

" ah sige salamat nalang'' nag mamadaling umalis ito. Ano na kayang nangyare kay yanash? Baka mamaya papasok rin un..baka late lang.. Lagi naman kasing late un..

" class... Get your notebook in english and copy this" utos ng teacher namin sa english..pangatlong subject na namin to pero walang yanash na nakaupo sa unahan ko..teka nga? Bat ko ba kasi sya iniisip?

" oluap ayos ka lang?" napatingin ako kay yehn at mabilis na tumango

" kanina ka pa kasi tulala at tango ng tango tapos mamaya iiling iling ka" nataWa nalang ako .. Tsk ano ba naman tong pinag iisip ko? Siguro nasanay lang talaga ako na nakikita si yanash at nakakausap........

The Power Between Dark And White [COMPLETED]Where stories live. Discover now