I love you liza pero ayokong umasa sa walang kasiguraduhang may pag-asa ako sayo.

Hanz Jennry Ferrer..

06/04/2008

Pag kabasa ko sa sulat niya ay napahagulgol nalang ako sa nalaman ko, hindi ko aakalaing parehas kami ng nararamdaman ni hanz dahil ang buong akala ko ay wala lang ako sakanya. Kung alam ko lang edi sana hindi to nangyayari pa at hindi ako nasaktan sa wala noong panahong yun. Mali nanaman ako ng desisyon, palagi nalang! Pakiramdam ko napakawalang kwenta ko!

"Nung araw na umalis ka, nagwala si hanz sa condo niya at sa hindi inaasahang pangyayari nasunog ang condo niya saktong nandun ako sa condo ko nung nangyari yun since mag kaharap lang kami ng condo ay nakapunta agad ako sakanya, kahit malakas na ang usok ay pinilit kong lumapit sakanya para ilabas siya kaya lang he's too broken to move, to save himself kaya lang hindi ako sumuko hanggang sa malapit na kami sa pintuan pero nakita kong may matutumbang kahoy papunta saamin kaya tinulak ko siya para makalabas na siya ng tuluyan kaya ako ang natamaan hanggang sa nawalan ako ng malay. Nung nag text ako sayo nung time na konti nalang ay masusunog na rin ang condo ko kaya humingi ako ng tulong sayo kaya lang wala kang ginawa." kwento niya saakin kahit nahihirapan na siya.

Patuloy lang akong umiiyak dahil hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko, baka kung mag salita pa ako ay mas lalo ko lang siyang masaktan.

"Nagtataka ka siguro kung bakit ganun ko nalang siya iligtas nung oras na yun. Yunay dahil gusto ko siya. Gustong gusto, pero napagtanto ko nalang na hanggang fling lang pala ako para sakanya. Noon palagi kaming nakatambay sa garden ng school niyo, dun kami nagsimula at dun din kami nag tapos. Doon niya sinabi lahat na may iba siyang gusto at pampalipas lang ako ng oras para sakanya. ALAM MO BA KUNG GAANO YUN KASAKIT? PARA AKONG SINASAKSAK NG ILANG LIBONG BESES DIRETSO SA PUSO KO! Sayo na siya eh! Sayong sayo kaya lang iniwan mo nalang siya ng ganun ganun lang. Kaya nung mga panahong wala ka ayos na kami ang tahimik na ng buhay namin hanggang sa dumating ka nanaman, kaya sisiguraduhin kong hindi ka magsasaya ngayong naka balik kana!" sumbat niya saakin habang nanggigigil na hawak niya sa mag kabilang braso ko.

Hindi ko aakalaing ang babaeng kasama niya sa garden noon ay si Andrea. Si Andrea na bestfriend ko noon, hindi ko alam kung paano at bakit ito nangyayari saamin. Bakit pa? Para saan pa?

"Please. Pakawalan mo na ako, pag usapan natin to ng maayos, huwag namang ganito oh kasi baka nag aalala na sila daddy" umiiyak na sambit ko sakanya habang naka yuko

"Huh! Akala mo madali lang yun? Pwes hindi! ... Just to remind you that I will make you suffer first before I kill you!" sigaw niya bago sampal saakin ng dalawang beses.

Simula pa noon wala pang nakakasampal saakin, dahil alagang alaga ako ni daddy at lola. Pero ngayon hindi ko naisip na masasampal ako ng ibang tao lalo na't best friend ko pa noon.

"Please! Huwag mo na akong pahirapan pa! Dahil ngayon palang hirap na hirap na ako. Kaya please just kill me now, I don't want suffer anymore!"

Wala na. Hindi ko na iniisip sina daddy ang nasa isip ko nalang ngayon ay ang sarili ko, dahil akondin mismo ay naaawa na sa sarili ko.

"Oh sweetie, dadating din tayo dyan but first I'll let you starve first" huling sabi niya bago humahalakhak ng mala demonyong tawa bago tuluyang lumabas.

Isa lang ang masasabi ko sakanya, nababaliw na siya. Hindi sapat na rason yung mga naranasan niya para patayin ako. Oo nga at nasaktan din siya at mas malala pa sa pinagdaanan ko pero grabe namang kapalit yung kamatayan para saakin. Wala siyang puso! Walang pakiramdam! Manhid!

Just The Way You Are (ON GOING)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz