Chapter 11

508 14 0
                                    


Zack's POV

Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ang nangyari sa kitchen kanina, hindi ko nalang mona siya kinausap dahil sa labis na hiya. Iniiwasan ko si babae dahil nakokonsensya ako sa sinapit ng kanyang kusina.

Eh, ba't naman kasi ayaw makisama ng mga gamit do'n, sinubukan ko naman lahat ng makakaya ko. Hindi ko mapigilan ang mapanguso sa lahat ng nangyari.

Kaya heto ako ngayon nakaupo sa sala habang nakatunganga, walang magawa. Umalis na naman po si babae dahil may kailangan daw na gawin sa kompanya. Eh, ba't hindi nalang kasi niya dalhin ang kompanya dito.

Nagpresenta pa sana akong sumama kaso hindi naman siya pumayag. Eh, kesyo daw bibigyan ko lang siya ng sakit sa ulo. Waaaaahhhh! Napanguso ako at ipinagpapadyak ang mga paa sa sahig. Kainis!

Ano bang pwedeng gawin. Ah! Kung pasabugin ko ulit yung kitchen. Hmm.. Hindi pa nga na ayos 'yon. Umiling ako saka humilata sa malambot na sofa. Sa huli ay napag isip-isip kong aliwin na lang ang sarili dito sa loob ng mansyon ni babae, tutal hindi ko pa naman nakita kada sulok nitong bahay niya.

Halos malibot ko na itong buong mansyon pero waley parin, kaya bumalik ako sa sala at umupo sa sofa. Hmm...Ah! Alam ko na.

Tumakbo ako papuntang kusina, sa panibagong kusina. Oo, ibang kusina dahil inayos pa 'yong naaksidente ko kanina. Sobrang laki nitong bahay ni babae, may dalawa pa atang kitchen na hindi ginagamit.

Lumapit ako sa cabinet at kinuha ang isang supot. Nagluto ako ngayon ng popcorn syempre easy lang naman to kaya pwede na. Hindi naman sasabog itong buong kusina diba. Nag init ako sa kalan ng medyo may kalakihan na kaldero, pagkatapos nilunod ko ang butter kasama nadin ng kunting asin at hilaw na corns.

Napasigaw pa ako ng biglang tumalsik sa mukha ko ang ibang piraso ng lutong corn, ang tanga ko kasi dahil bigla kung binuksan ang takip para sana silipin ang loob, huhuhu. Aray ko!

Panghuli ay binudburan ko ang lutong popcorn ng powdered cheese. Buti na lang meron sila nito.

Nagtaka ako bakit walang mga katulong, puro men in black lang nakikita ko na nasa labas. Sosyal hindi siguro nila nilalabhan yang mga suot nilang damit, eww.

Tsaka sabi ni babae darating daw bukas ang lolo niya siguro pareho silang dalawa na seryoso tapos yung parang terror na teacher sa school. Iniisip ko pa lang magsama silang dalawa, mapapalunok ka nalang ng laway sa kaba.

Aish! Makapanood na nga lang ng movie, ano bang maganda. Bumalik ako sa sala, dala ang isang mangkok na may laman ng niluto kong popcorn.

Inilagay ko mo na ang mangkok sa mesa at saka bumalik sa kusina para kumuha ng maiinom. Ok na siguro tong pineapple juice. Gusto kong maiyak ng wala kong makita kahit isang softdrinks. Ngayon ko lang din na pansin pati mga chichirya ay wala. Grabe!

Umupo ako sa sofa at binuksan ang napakalaking tv ni babae. Tv pa ba 'to o dingding? Ang laki kasi, halos sakop na nito ang buong area ng wall.

Netflix and Chill mo na ako ngayon!

Bakit nga ba babae ang tawag ko kay Mekari, kasi hindi ko feel tawagin siya sa pangalan niya, kasi kahit pangalan pa lang nito ang talim na nang dating. Mas ok na ako sa babae.

Kailan ba 'yon uuwi, ubos na popcorn ko tsaka ang boring naman ng mga palabas. Napanguso ako.

Gusto ko sanang pumunta sa park baka kasi may mga paro paro do'n. Yeey! Kaso nakakatamad. Baka kong sino na namang tao ang kikidnap sa akin. Wag na lang siguro.

Lumipat na lang ako at pumunta sa youtube. Syempre ang pinanood ko ay mga documentary tungkol sa paro-paro. Matapos kong tingnan ang isang video ay biglang nag pop up sa reccomendations ang isang parang music video.

I GOT A CHILDISH HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon