Nine: Deadly Weapons: Chains and Frisbee

Start from the beginning
                                    

            At nag-apir ang dalawang babae sa ere.

            Napailing-iling na lang siya at pinaikot ang mga mata. Ang dami nang babae na nakatakas mula sa mental, bakit hindi pinapahuli? Dapat ang mga ito ang ikinukulong dahil delikado ang male population sa mga ito.

            “Kayong dalawa d’yan ay umalis.” Narinig niyang sabi ni Jigger sa pagitan ng pagnguya. “Nakaharang kayo sa daan.”

            “Oo nga.” Pagsang-ayon ng dalawang babae rito.

            “Hindi namin makikita ang kung sino mang hinahabol ng mga alagad ko kung haharang kayong dalawa d’yan ni Haru.” Sabi ni Tini.

            “That’s right. Kapag may hindi kami nahuli magiging kasalanan niyong dalawa iyon at kayong dalawa ang ibebenta namin sa marriage booth. Mawawalan kayo ng pahinga at hahalikan niyo ang mga babae, at in between, na gutso kayong pakasalan.” Ngumisi na naman si Diana at pinigilan ni Kell na kilabutan. “Sa lips.”

            Tumawa si Jigger. “Dito ka sa tabi ko, Tristan. Hindi ka pwedeng makulong dahil itu-tour mo pa ako sa buong campus niyo.”

            “Oh, 'yan, listen to your girl, Tristan.”

            Napabuntong-hininga na lang siya saka naupo sa tabi ni Jigger. Si Haru naman ay tumabi kay Tini ngunit nanatili itong nakatayo, sumandal na lang sa pader.

            “Anong ginagawa mo rito?” bulong niya kay Jigger.

            “Naghihintay ng huhulihin, duh?”

            “Kung makapagsalita ka, parang manghuhuli lang kayo ng isda.” Nagbuga siya ng nakukunsuming hangin. “What I mean is dito? Ang sabi mo ay magpapasundo ka sa akin?”

            “Oo nga. Magpapasundo ako sa 'yo. Dito. Sa may gate ng school niyo. Anong akala mo magpapasundo ako sa 'yo mula sa bahay?”

            Boom. Iyon nga kasi talaga ang akala niya. Na sobrang kinukulit niya si Haru para lang ipahiram nito sa kanya ang motor nito.

            “Hay naku, Tristan, manahimik ka na lang d’yan.” Pinaikot nito ang mga mata saka hinarap si Diana at siya ay initsapwera. “So tell me, sino ang huhulihin niyo?”

            He saw Diana shrugged. “Kahit sino na matyempuhan ng mga Criminology student na nakatoka para manghuli. Nagsanib pwersa ang department ko, which is Accountancy by the way, at Criminology para sa jail booth and marriage booth. Ang hinuhuli lang naman namin ay ang mga kasali sa SMU Hotties and Sweeties.”

            “Hotties and sweeties?”

            “Yep. That is a yearly pageant held during the Foundation Week.” Pagpapaliwanag ni Tini. “At ang mga kasali sa pageant na iyon ay pinagbobotohan ng mga estudyante. Kumbaga, the students had the freedom to vote whoever they want to join the pageant.”

            “At walang kakayanang tumanggi ang mga, sa kasamaang palad, naiboto. I pity them.”

            Haru scoffed.

            Tumawa si Tini. She jabbed her thumb towards Haru. “And this guy, Haru Edison was one of the candidates last year.”

            Matamis na ngumiti si Diana saka itinaas ang hawak na kadena. “At sa ganitong paraan namin siya hinuli.”

            “Woah. 'Astig.”

            Siniko niya si Jigger. “Anong astig doon?”

Jigger HortalezaWhere stories live. Discover now