"Promish Mohmi?" paninigurado ni Ali at tumango ako.

"Promise, Baby..."

"Then we'll help." si JJ. "Anything becoz we want you and Mama to be okey, Mowmi. We mizz you." sabi niya sabay yakap at yumakap na din si Ali.

"I miss you too, my babies, so terribly." habang mahigpit ko silang yakap. It's been three days since they left our house and I feel so desperate to have my family back to me.

- - -

"At sa tingin mo papayag ako?!" mataas na boses ni Lolo.

"Lo, naman."

"Imbes na suyuin mo ang asawa mo kikidnapin mo?"

"Ayaw niya nga pong pasuyo eh. Ni ayaw niya nga akong kausapin. Tatlong araw nang parang hangin lang po ako sa kanya." katwiran ko.

"Tatlong araw lang nagkakaganyan ka na? Sa negosyo mo kahit abutin ng isang taon ang desisyon nagagawa mong maghintay..."

"Hindi po negosyo si Jade, Lo. Asawa ko siya."

"Kulang pa ang panunuyo mo...Magtiyaga ka. Aba hindi mo na nga siya niligawan tapos ngayon gagawa ka ng kalokohan hindi ka marunong manuyo."

"Wala po akong ginawang kalokohan, Lo. Malisyo lang nagpahamak sa amin ni Aly."

"Pareho na rin yon. Kung hindi kayo gumawa ng eksena walang malisya."

"Lo, I just came here to inform you about my plan...and to borrow one of your yachts."

"Ano? Ang tigas talaga ng ulo mo bata ka. Isasama mo pa ako sa kalokohan mo. Bakit kailangan mo ang yate ko hindi ba may sarili kang yate?" halos manlaki na ang mga mata ni Lolo.

"I need it for Alyssa." maikling sagot ko.

"Lin.tek na bata to. May kakutsaba ka pa. Sinama mo pa sa kalokohan mo si Alyssa..." halos hindi na niya alam saan maglalakad. "At saan kayo pupunta aber?" pamaywang na niya.

"In your private resort, Lo..."

"Ano?!" halos luwa ng mga mata ni Lolo Pablo, he has a private island resort he bought for Lola. It is their little paradise, and I used to go there when I feel like running away but could not stay long away from work. Matagal na akong hindi nakakabalik doon mula ng kinasal kami ni Jade.

"Lo, gusto ko lang po masolo at makausap ang asawa ko. Si Alyssa naman po ay sa kabilang side ng island." sabi ko pero nakatingin lang siya sa akin.

"At sa resort pa talaga ng Lola mo dadalhin ang kikidnapin mo."

"Lo, asawa ko naman po ang kikidnapin ko...tulad ng ginawa niyo kay Lola." wala sa loob kong nasabi at natigilan si Lolo Pablo. Huli na para mabawi ko ang sinabi ko.

"Anong sinabi mo, Althea?"seryoso niyang tanong "Sinong nagsabi sa'yo niyan? Kaya ba ganyan ang gagawin mo dahil nalaman mo ng ginawa ko?" sunod sunod na niyang tanong.

"No. Hindi po Lo..." saglit akong natigil at humugot ng malalim na hininga. "I told Yaya Caring about my plan and she got mad at me. Sabi niya matigas daw talaga ang ulo ko tulad niyo. Maiksi ang pasensiya at gagawin ang gusto. Then she told me about what you did when you and Lola had a misunderstanding..." sabi ko patungkol sa ginawa ni Lolo kay Lola ng hindi ito kinakausap ay dinala niya sa isang maliit na isla na kalaunan ay binili niya.

Life With YouWhere stories live. Discover now