22 - Truth and Lie

Começar do início
                                    

"I'm sure, Den..." I'm sure because she's proposing to you, dugtong ng isip ko. Hindi ko magawang masabi. "Just trust her, please." pakiusap ko.

"Anuman ang pinasok niya tanggap ko, Thea. Pero kung maninira siya ng pamilya that I can't accept. It's too much..."

"Wala siyang sinira, Denise. At alam ko wala siyang sinisira o sisiraing pamilya. Alam kong alam mo yan. You know her that much Den." paalala ko sa kanya, she just shook her head and let out a sigh. "I have to go, we'll talk again. Ok?" paalam ko na. Humalik lang ako sa kanya saka tumalikod na.

"What if Jade finds out?" habol niya at bigla akong napabalik ng harap sa kanya.

"What do you mean?"

"What if Jade finds out?" ulit niya.

"Find out what?" balik tanong ko.

"Find out about the picture..."

"What picture?" mabilis kong tanong pero agad siyang natahimik.

"Nothing..."halos pabulong niyang sagot at isasara na niya ang pinto ng pinigilan ko.

"Den..." habol ko sabay harang ng kamay sa pinto. "Whatever picture you saw has nothing to do with me and Aly. Malisyoso ang kumuha non at gustong sirain ang policy ng kumpanya. Gusto ng taong gumawa non na bitawan ni Aly ang latest project na binigay ng kumpanya sa kanya."

"I want to believe...."

"You need to believe...because that's the truth, Den." putol ko sa kanya pero matama niya lang akong tiningnan. Hindi ko mabasa ang isip niya pero natatakot ako sa pananahimik niya.

"Bye, Thea." Ngiting paalam niya pero kita ang lungkot sa mga mata niya. Wala na akong nagawa.

"Bye, Den." sagot ko na lang at mabigat ang mga paa kong humakbang pabalik ng sasakyan ko.

- - -

"It is a closed door meeting, Tsong. Hindi kailangan si Andrea doon." sabi ni Batchi ng pinasunod ko si Andrea sa akin habang naglalakad kami papuntang conference room.

"I don't care, Batch. I want every detail recorded. They asked for this meeting then kailangan ko ring protektahan ang mga walang kasalanan." sabi ko at tuloy tuloy sa paglalakad.

Pagbukas ko ng pinto ay lahat ng mata nasa akin sunod kay Andrea.

"I asked her to be with me, It must be very important that you asked this meeting in a short notice..."sagot ko sa tingin nilang nagtatanong. Bago pa makapag salita ang iba ay may nagsalita na.

"As your eldest member of the board I called this meeting to clarify issues..." bungad ni Tito Ramon Santos, pinakamatandang miyembro ng Board at matalik na kaibigan ni Lolo Pablo. Nakita ko ang alala sa mga mata niya at ganon din kay Dada. Sa kabilang dulo ng conference table nakaupo si Tito Ramon at katabi niya si Dada. Pagdating ko kanina ay ang upuan ko na lang ang bakante, nakaupo sa kabilang gilid ni Tito Ramon si Alyssa na nakatungo at halatang mugto ang mata.

"If the purpose of this meeting is to clarify issue involving me, Mr. Santos, let me speak first before you need to ask me and Ms. Valdez." pauna kong sabi.

"We have time for that, Ms. Guevarra. You will be asked and will have enough time to answer...." harang ni Mr. Cruz. I know him and I know eversince that he's one of the few who were against my position in the company.

"Mr. Cruz, I already know the purpose of this meeting. Gossips has no place in this room. If you won't allow me to speak now then I will leave and see to it that the person who accused me of having an affair with Ms. Valdez will pay severely...I will spend up to my last penny just to be sure he or she will face the consequences of destroying a family, friendship and future of innocent people...." sabi kong may paninindigan. Tiningnan ko ang lahat ng nakaupo karamihan ay gulat sa tinuran ko. Nanatili silang tahimik.

Life With YouOnde histórias criam vida. Descubra agora