Chapter 15:

2.5K 51 2
                                    

UNPREDICTABLE LOVE

Written By: Lorgee Rhy

Lalong nagalit si Jhazmine ng dalhin sya ng mga pulis.

Ngunit ganun na lang ang kaba nya dahil hindi sa prisinto ang daan na tinatahak nila.

"Mamang pulis, hindi naman po ito ang daan papunta sa prisinto, saan nyo po ba talaga ako dadalhin." kinakabahang tanung ni Jhazmine.

"Miss Jhazmine, pwedi po ba tumahimik muna kayo,?,saka pasensya na napag utusan lang pi kami," hinging paumanhin ng pulis.

"Alam nyo ba kung anu itong ginagawa nyo sa akin pwedi ko kayong idemanda, at ipatanggal sa serbisyo," ani Jhazmine.

"Pag nagkataon po ma'am Jhazmine hindi naman pi siguro kani papabayaan ni sir Finn." sagot naman ng pulis.

Napabusangot naman si Jhazmine ng marinig ang pangalan ni Finn.

"Lagot ka sa akin mamaya, hambog ka makikita mo,' ani Jhazmine sa isip.

Maka ilan pang sandali, nakarating na sila sa isang rest house, at sa tabi nuon ay may treehouse.

Halos lumuwa ang mata ni Jhazmine sa ganda ng paligid niyon.

May naririnig syang lagaslas ng tubig, hindi sya maaaring mag kamali may talon sa likod ng rest house na iyon.

Binaliwala muna ni Jhazmine ang ganda ng paligid dahil hindi iyon ang dahilan kung bakit sya naruon.

Labis labis ang pang hihinayang nya na hindi manlang sya makakaligo kung totoo ngang tama ang jinala nya na may talon sa ikod na iyon sahil dinig na dinig nya ang lagaslas ng tubig.

Hindi nag tagal lumabas si Finn ng nakangiti sa kanya at bumaling sa mga pulis.

"Chief maraming salamat po at dinala nyo dito ang reyna ko," ani Finn sabay kindat kay Jhazmine.

"Hoy Mr Del gado anu ba ang kailangan mo at kailangan mo pang gamitin ang mga pulis na iyan sa kalokohan mo?, galit na tanung ni Jgazmine.

"Ah, chief maaari na po nyong iwan dito si Jhazmine ako na ang bahala sa kanya," ani Finn.

"Sandali, anung iiwan, wag kayong umalis mag uusap lang kami ng konehong ito," tutol naman ni Jhazmine.

Ngunit parang wala namang nadinig ang mga pulis dahil ngumiti lang ang mga ito at umalis na rin.

Ngumisi naman si Finn sa kanya.

"Alam mo bang sabik na sabik na akong makita at makasama ka,, natutuwa ako at may bonus pa pala, ang ating anak." panimula ni Finn na biglang nag seryoso.

"Wala ako paki alam sa iyo, sa tingin mo maniniwala ako sa iyo, alam ko naman eh, na may kailangan ka nanaman kaya ka lumalapit sa amin ng anak ko, pwes sinasabi ko sa iyo di ka mag tatagumpay." pabalang na sabi ni.Jhazmine.

Napa tiim bagang naman si Finn.

"Alam ko galit ka sa akin, oo inaamin ko may kelangan ako kaya ako lumalapit sa inyo, kailangan ko kayo sa buhay ko, ikaw at ang anak ko, please Jhaz, bigyan mo naman ako ng pag kakataon na patunayan na mahalaga kayo sa akin,," nag susumamong wika ni Finn.

Pero pinipigilan parin ni Jhaz ang sarili kahit gusto na nyang yakapin si Finn, andun parin ang takot na baka iwan nanaman sya nito.

"No,! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo,aalis na ako at wag mo na kaming gagambalain ng anak ko," lumuluhang sabi ni Jhazmine.

"Sige umalis ka, kung makakalabas ka dito sa kagubatang ito, malayo ito sa highway, at maraming rapist ngayon na nag lipana sa paligid, siguro naman nakita mo kanina ang daan papunta dito," ani Finn.

UNPREDICTABLE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon