Chapter 6:

2.3K 59 0
                                    

UNPREDICTABLE LOVE
Written By: Lorgee Rhy



Bumalik sa opisina nya si Finn na magulo ang isip,

"Ahhh, anu ba ang nagawa ko, nagalit tuloy si Jhazmine sa akin di bale papalamigin ko lang ulo nun at pupuntahan ko sa kanila!," ani Finn sa sarili.

"Kaasar ng Finn na iyon, ngayon nya lang ako trinato ng ganun sa harap pa ng babae nya, makikita nya hindi ko sya papansinin," ani Jhazmine sa sarili.

Nakahiga sya sa kama nya at matamlay sya dahil sa pag tatalo nila ng binata, wala rin syang ganang mag basa.

Hindi nag tagal tumunog ang phone nya.

Krinnng,, krinnnnnngg,, krinnnng,,,

Napangiti naman sya ng makita si James ang tumatawag.

"Hello," ani Jhazmine.

"Oh James napatawag ka?,, tanung ni Jhazmine.

"Ah, oo guzto ko sana mag paalam sa iyo kung pwedi ba akong pumunta dyan mayang gabi?," ani James.

"Sure,, bakit hindi", tugon naman ni Jhazmine.

Samantalang si Finn naman nag iisip ng paraan para mag kaayos sila ng dalaga.


"Mapuntahan na nga lang mayang gabi ng mag kaayus na kami." ani Finn sa sarili.

»»»»»»»»»»»»»

dinnnnndonnnnnnnng,, tunog ng doorbel nila Jhazmine.

"ma'am Jhazmine, may bisita po kayo, James daw po," anang katulong.

"ok sige, papasukin mo," ani Jhazmine at bumaba sa may sala nila.

"Hi Jhazmine," ani James sabay ng pag abot ng bulaklak at chocolate.

"Hellow, ikaw naman nag abala ka pa, maupo ka", ani Jhazmine na kinikilig.

Masayang nag kukwentuhan ang dalawa ng may mag doorbel ulit, lumabas ang katulong at nakita nya ang isang truck na bulaklak,, marahil binili na lahat ng bulaklak sa mga flower shop sa sobrang dami.

"Ito ba ang bahay ni Jhazmine De lara?," tanung ng lalaki.

"Oo dito nga, sabi nsman ng katulong.

"Andyan po ba sya?,," tanung ulit nito.

"Oo sandali lang at tatawagin ko," ika ng katulong at pumasok sa loob at tinawag si jhazmine.

"Maam Jhazmine may tao sa labas hinahanap ka,"..ani Jhazmine.

Lumabas naman si Jhazmine.

"Bakit po anung kailangan nyo?," tanung ng dalaga.

"Maam lahat po ng bulaklak na ito para sa iyo," anang lalaki.

"Anu lahat yan, wala naman akong inorder ah, saka wala akong flowershop para pag lagyan nyan." ani Jhazmine na nag tataka.

"May nag papabigay po sa inyo maam,paki pirmahan na lang po ito," anang lalaki sabay utos sa mga kasamahan na ibaba na ang mga bulaklak,

Para namang ewan lang si Jhazmine na ipasok sa loob nila ang mga bulaklak, napuno ang sala nila Jhazmine sa mga bulaklak na iyon.

"Sinu kayang baliw ang nagpadala nito, ni wala manlang card, my God anung gagawin ko sa mga bulaklak na iyan, kung ibenta ko kaya?,,, hmmmp tama ibebenta ko yan hahanap ako ng contak ng mga may ari ng flowershop dito,," aniya sa isip.

"Nagustuhan mo ba mga bulaklak na bigay ko?,," tanung ni Finn na syang dahilan ng pag lingon ni Jhazmine.

"Ikaw nag padala nyan,, at saka bakit andito ka, ayaw kitang makita kaya umalis kana,," ani Jhazmine na pumasok sa loob.

Sumunod naman si Finn, hindi nya napansin si James dahil sa dami ng bulaklak na naroon.

"Sorry na ok, hindi ko sinasadya na siagawan ka, at saka hindi ko tinataggap ang resignation mo, bagkos dadagdagan ko pa sahod mo",, ani Finn.

Namilog naman ang mata ni Jhazmine.

"Talaga mag kanu idadagdag mo?,, ani Jhazmine na nskalimutan na galit sya sa binata dahil naksngiti na ito.

""Kalahati ng sahod mo, hows that?," ani Finn.

"Talaga, sige papasok na ako bukas," ani Jazmine na masaya na.

ehemmmm, tikhim naman ni James nun lang napansin ni Finn na may bisita si Jhazmine, at nuon lang naalala ni Jhazmine si James.

"Oh, nandito may bisita ka pla Jhazmine?," ani Finn.

"Oo bossing, maiwan ko muna kayong dalawa at mag papatimpla lang ako ng juice." ani Jhazmine.

"Ayaw ko ng salt flavor ha,, pahabol naman ni Finn.

Natawa naman si Jhazmine.

Tahimik naman ang dalawa na nag hihintay sa pag babalik ng dalaga.

Kapag dakay dumating ito at dala na ang meryenda nila.

"Baka may bayad to?," biro ni Finn.

"Sa ngayon bossing libre na muna," sagot naman ni Jhazmine.

"Anyway, maiba ako, Jhaz pwedi ka bang maimbitahan mag outing sa linggo?," tanung ni James.

"Ah, bussy si Jhazmine sa linggo may gagawin kami," sagot naman ni Finn.

"How about Saturday?,' ika ulit ni James.

"May pupuntahan kami ni Jhazmine sa sabado", singit ulit ni Finn, pinandidilatan naman ng mata ni Jhazmine ang kaibigan.

"Some other time na lang siguro James, tawagan na lang kita pag free na ako",, ani Jhazmin kay James.

Napangiti naman ng lihim si Finn sa pag tanggi ng dalaga.

UNPREDICTABLE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon