Chapter 14:

2.3K 52 4
                                    

UNPREDICTABLE LOVE

Written By:Lorgee Rhy

"Ikaw?, ikaw ang boss ni Ana?" naiinis na tanung ni Jhazmine.

"Oo ako nga," sagot ni Finn.

"So ikaw pala ang mayabang at hambog na nanlait sa mga tao ko, pwes ito lang masasabi ko sa iyo mister, bibitawan ko na ang kumpanya mo, mag hanap kayo ng mahuhusay na photograper dito sa pilipinas, tignan ko lang kung may tumagal sa ugali mo mapanlait," ani Jhazmine.

"Jhazmine, please mag usap naman tayo, hindi kita pinapunta dito upang mag away tayo, gusto ko lang na makinig ka naman sa paliwanag ko," pag susumamo ni Finn.

"Wala akong naman akong dapat marinig sa iyo, dahil diba nga binayaran mo ako,,;kaya wag ka mag alala mister, patas lang.," sarkadtikong sagot ni Jhazmine.

"Please Jhaz, kahit para na lang sa bata kausapin mo naman ako ng maayus, gusto ko ring makasama ang anak ko.," pakiusap ni Finn.

"Anak?,, kekan ka nag karoon ng anak?,, anak ko lang si Jhon, wag na wag mong lalapitan ang anak ko, dahil kahit kelan wala kang karapatan na tawagin syang anak, dahil sa ginawa mo, marami ka namang babae diba,, gumawa ka ng anak sa kanila kung gusto mo, si Jhon ay akin lang, anak ko lang sya," mataray na sabi ni Jhazmine.

Parang hindi na kilala ni Finn si Jhaz na nag sasalita ngayon sa harap nya, naging matigas na ito,, .

"Wag na wag ka ng mag papakita pa sa amin ng anak ko Finn, wag mo ng guluhin ang buhay namin," ani Jhazmine at umalis na sa opisina ni Finn.

Lumong lumo naman ang pakiramdam ni Finn ng mga oras na iyon.

Iniisip nya, wala ring kwentang nabuhay sya kung wala rin sa kanya ang mag ina nya.

Uminum ng uminum si Finn ng mga sandaling iyon, nakalimutan natin nya na mahigpit na ipinag babawal ng doktor ang pag inum dahil maaaring bumalik ang cancer nya lalo nat hindi pa talaga na sure kung tuluyan ng nawala lahat ang senyales na tutubo pa ito.

"Ahhhj, ayaw ko ng mabuhay, nuon lumaban ako para sa iyo, mas masakit pala ang buhay ka nga nakikita kita, ngunit napakalayo mo naman sa akin,," pag hihinagpis ni Finn.

"Anak, tama na yan, makakasama sa iyo yang pag lalasing mo, diba kabilin bilinan ng doktor na hindi ka pweding uminum," nag aalalang sani ng mama nya.

"Ma ansakit, ngayon nakita ko na ang mag ina ko, ni hindi ko naman sila mahawakan, mas nanaisin ko pang mamatay." ani Finn.

"Mag pakatatag ka anak, ngayon ka pa ba susuko, ngayong may apo na pala ako,, isa pa kung ako si Jhazmine magagalit din ako sa iyo, dahil lumayo ka ng di nag paalam sa kanya, kaya dapat mo syang intindihin, dahil hindi rin madali ang pinag daanan nya sa bigla mong pag alis ng walang paalam." ika ng mama nya.

Napaisip naman si Finn kung anu ba talaga ang dapat nyang gawin.

Kinabukasan,,,

"Ma'am Jhazmine hindi po pumayag si sir Finn na bitawan nyo ang kumpanya nila, idedemanda daw po nya kayo lalo nat may pinirmahan daw po kayong kontrata." ani Ana kay Jhazmine.

"Sabihin mo sa boss mo,wala akong pakialam, gawin nya ang gusto nyang gawin," galit na sabi ni Jhazmine.

Sa opisina naman ni Finn.

"Sir,;nakausap ko po si Maam Jhaz, gawin mo daw po ang gusto mo gawin, wala daw po syang pakialam." ani Ana

Inaasahan na ni Finn na mag mamatigas si Jhazmine, kaya nag punta sya sa bahay nila Jhazmine upang makausap ang mga magulang ng dalaga.

"Anung ginagawa mo dito Finn, walang hiya ka matapos kong ipag katiwala sa iyo ang anak ko, matapos mong makuha ang gusto mo iiwan mo na lang sya ng parang basahan," ika ng ama ni Jhazmine sabay ng pag suntok nitobsa binata.

"Anung nangyayari dito, anung ginagawa mo dito lalaki ka?,, galit din tanung ng mama ng dalaga.

"Hindian sabihin ng anak ko na ikaw ang ama ng apo ko,.alam ko na ikaw iyon dahil dyan sa mukha mo at sa ugali mong namana ng apo ko,,ngayon mo sabihin Finn bakit nagawa mo iyon sa anak ko," galit na galit na sabi ng mama ng dalaga.

"Tito, tita, hayaan po muna nyo akong mag oaliwanag pakiusap," pag mamakaawa ni Finn.

"Sige umpisahan mo ng mag paliwanag atvsiguraduhin mo lang na makukumbinsi mo kami," wika ni Don Erick ama ni Jhaz.

Nag paliwanag nsman si Finn simula sa umpisa hanggang sa wakas.

Kinilabutan naman ang mag asawa sa kwento ng binata.

"Diyos ko, alam ba ito ng anak ko?,, tanung ni Claris, ina ni Jhaz.

"Hindi po, hindi ko sinabi sa kanya dahil ayaw ko po syang mag alala; di ko rin po kadi alam nuon kung mabubuhay pa ako." ani Finn na napaluha na pala, maging ang ginang ay kanina pa lumuluha.

"Wag ka mag alala iho,, tutulungan ka namin upang mapatawad at mag kaayis na kayo ng anak ko," anu ba ang balak mo na dapat gawin upang matulungan ka namin, " tanung ng ni don Erick.

Sinabi naman ng binata ang balak nya.

Pumayag naman ang mga ito sa balak ni Finn.

"Sige, ikaw ang bahala iho, gawin mo ang gusto mong gawin at susoportahan ka namin ng tita mo," pag papalakas ng loob ni Don Erick dahil boto sya kay Finn nuon pa man.

Samantala sa opisina naman ni Jhazmine may dumating na mga pulis.

"Miss ikaw ba si Jhazmine?", tanung ng pulis.

"opo ako nga," sagot ni Jhazmine na kinakabahan.

"May warrant of arest po kami sa inyo sa pag break nyo ng kontrata kay Mr Finn Del Gado, mas mabuti pong sa prisinto na po kayo mag paliwanag, dahil anduon na po si Mr Delgado baka pwrdi pa pong aregluhin ang kaso na isinampa nya sa iyo Miss Jhazmine.",, ika ng pulis.

Shock naman si Jhazmine sa narinig, hindi nya sukat akalain na kaya syang ipakulong ni Finn.

UNPREDICTABLE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon