Chapter 44

371 13 1
                                    

HI GUYZ! FAST FORWARD NA SA LAST DAY NI ARA SA LA PATI SA TURNOVER CEREMONY. SALAMUCHY.

------

Ara's POV

Huling araw ko na sa Los Angeles ngayon. Wala akong ibang ginawa kundi gumala sa LA.

Kung san-san na 'ko napadpad dito. Halos kabisado ko na nga eh. Dejok.

Dito ako nagsstay sa bahay ng relatives namen sa Father side. Syempre, sila nga ang ipinunta ko dito eh. Sa one week na pagstay ko dito, ay talagang binigay ko sa kanila yung natitirang mga oras ko dito sa LA.

Masyado akong nahot seat. Tinatanong nila kung kelan daw ba 'ko magpapakasal. Haha. Syempre sabi ko malapit na, wag sila mag-alala.

Ganon parin kami ni Mika. Usap-usap parin bago matulog saka paggising.

Medyo mas madami yung time naming makapag-usap noong napunta ko dito sa LA kasi wala naman ako masyadong inaasikaso. Pero may onting pagaadjust parin since hindi biro yung gap ng time namin.

Kakatawag ko lang sa kanya kanina bago sya matulog. Maganda naman daw ang naging araw nya ngayon, at as usual, pashopping-shopping nalang ang babaeng yon kaya panigurado andami nanamang tambak nun sa kwarto nya. Tas di naman gagamitin. Ganun yun eh.

1pm na ng tanghali dito sa LA ngayon. Busy ang lahat para sa paghahanda sa turnover ceremony na magaganap mamaya. Kakarating lang din nila Kuya Djun at ng mag-ina nya kanina pang umaga. Kaya maaga kaming gumising ay para salubungin sila. Sakto pang kausap ko si Mika sa phone noong nakarating sila kaya kinamusta rin sya nila Kuya.

Andito ako sa kwarto ko. 5pm pa naman ng hapon ang simula kaya magpapahinga muna ako.

--------------

Saktong alas-tres ng hapon nang magising ako dahil may kumatok sa kwarto ko.

"Victonara, alas-tres na! Maghanda ka na dahil maaga tayong pupunta doon."

"Opo, Tita."


Bumangon na ako at naligo.


Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako.


I wore a black coat with white longsleeves sa loob, at red bow. Para maibi. I also wore my black shoes at naghanda na para sa magaganap na ceremony.

Diz iz it pansit. Kinakabahan ako, syempre andun lahat ng stockholders at investors ng company namin mamaya. Andun din buong family namin na nagsstay dito sa States. Kahit sila Mama at Papa.

4:30 ng hapon ay umalis na kami at nagbyahe papunta sa kompanya.


Gaganapin ang nasabing seremonya sa garden ng S-G Company, which is sa likod lang naman ng building mismo.

Namangha ako sa aking nakita, talagang pinaghandaan ng husto ang event na ito.

Pagpasok ko'y maayos ang pagkakasalansan ng mga upuan at lamesa. Nasa ayos rin ang mga waiter at caterers. May mga fairy lights na nagpapaliwanag sa buong garden. Mayroon ding nakakaginhawang musika na nagmumula si biyolin.

Talagang nakakarelax ang paligid. Idagdag mo pa ang preskong ihip ng hangin at yung langit na medyo kumukulimlim na. Ang ganda lang ng epekto ng fairy lights sa buong paligid kahit medyo maliwanag pa.


Binati ko isa-isa ang mga investors at stockholders ng company.

Magiliw kaming nagkakamustahan. Halos lahat ng kasama namin ay mga Pilipino, pero karamihan din sa kanila ay mga Amerikano. Lalo na yung mga Pilipinong investor na nakapag-asawa ng Kano at nagkaroon ng pamilya, andito rin.

It Was Always You (Mika Reyes and Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon