Chapter 5

903 13 0
                                    

Wag po munang i-play ang song sa media hangga't wala pa kayong nababasang go na. hehe =) Enjoy!

(FLASHBACK PARIN)

Someone's POV

Naaksidente ang sinasakyang taxi nila Mika at Ara. Habang papunta sila sa paggaganapan ng surpresa ni Ara, di nila alam na may masasalubong palang truck ang taxing sinasakyan nila. Biglaan ang mga pangyayare.

Dumating na ang mga pulis at inimbestigahan ang mga pangyayari.

-FAST FORWARD-

Habang nasa ospital, dead-on-arrival ang taxi driver dahil hindi ito nakasuot ng seatbelt kaya tumilapon ito palabas at nagkanda-bali bali ang buto. Naging sanhi ang pagkaubos ng dugo ng driver upang bawian ito ng buhay.

Meanwhile kila Mika at Ara, maayos pa naman ang heartbeat nilang dalawa. Mas malala ang lagay ni Mika dahil malakas ang pagkakabagok ng ulo nito sa manibela. Napag-alamang sira pala ang seatbelt ni Mika. Si Ara naman ay naumpog lamang sa Driver's seat kaya hindi masyadong malala ang lagay nito.

Kinontact ng mga pulis ang mga magulang nila Mika at Ara. Ipinaalam narin ng mga magulang nito sa mga kaibigan nila Mika at Ara ang nangyare sa dalawa.

Nagulat naman sila Kim dahil biglaan ang mga pangyayare. Nalulungkot din ito dahil ito dapat ang espesyal na araw ng dalawa. Nalulungkot din ito dahil ito na dapat yung araw na magkakaaminan sila.

Nung nalaman naman nila Cienne, Camille, Carol, Cyd, at iba pang Lady Spikers ang plano ni Ara at mga pangyayare, di nila maiwasang malungkot dahil sa sinapit ng dalawa. Nalulungkot din ang mga ito dahil nga sa nasayang na pagkakataon ng dalawa.

-FAST FORWARD-

After 2 days, naging maayos na ang lagay ni Ara. Hanggang ngayon, hindi paren nagigising si Mika dahil nga sa lakas ng pagkakabagok ng ulo nito sa manibela. Malaki ang bukol ng ulo nito. Hindi pangkaraniwan ang bukol at sugat sa ulo nya. Malalalim ang mga sugat nito. Ang bukol naman ay sobrang namamaga at malaki.

Si Ara naman, hindi masyado pang makalakad dahil nga sa pamamanhid ng mga paa nito. Naipit kase ang paa ni Ara dahil sa pagkakabangga ng truck at dahil na din sa posisyon nito.

Hinihintay ni Ara na magising si Mika. Hindi sya mapakali at makakain ng maayos dahil nag-aalala sa lagay nito.

Napagdesisyunan muna nyang dalawin si Mika sa kwarto nya. Sinamahan naman sya ng Mama nya ngunit lumabas muna ang ina nito upang mabigyan ng privacy ang dalawa.

Hinawakan ni Ara ang kamay ni Mika.

(I-play ang song sa media, para with feelings c:)

Ara: Hanggang ngayon, Ang ganda mo parin Daks. (Naluluha na) Kahit may bukol ka pa at sugat sugat, hindi mapagkakailang maganda ka parin. (Umiyak na at hinalikan ang kamay ni Mika) Gumising ka na please? Diba may pupuntahan pa tayo? Paano na tayo nyan? May sasabihin pa ko sayo eh. (Umiiyak paren) Gusto mo bang sabihin ko na sayo ngayon, Daks? Na mahal na mahal kita at una palang, ikaw na yung gusto ko. Nung nakita kita, kakaiba yung naramdaman ko...Nung nakilala kita, sobrang saya ko...Nung nahawakan ko ang kamay mo, kakaibang kuryente ang dumaloy sa katawan ko...Una palang, Mika. Una palang...Alam kong ikaw na ang tinitibok nito (Tinuro ang dibdib nya) Kaya please, gumising ka na at sabihin mo rin saking mahal mo ako? gusto mo ako? Mika, sana nga pareho tayo ng nararamdaman. Hindi mo man masabi saken ng diretsuhan, nararamdaman ko, Mika. Pero ngayon, gusto ko sayo mismo manggaling. (Di maiwasang mapahagulgol)

Ara: Mika, please gumising ka. Lumaban ka. Kung ako nga lumaban para sayo, para sa atin. Kase gusto ko pang marinig mula sayo na mahal mo ako...Kaya please, magpalakas ka, Daks. Lumaban ka. Andito lang ako para sayo. (Umiiyak parin)

Nakatanaw lang sa labas si Kim at di narin nya maiwasang maiyak dahil nalulungkot sya para sa dalawang kaibigan.

Hinalikan ni Ara sa kamay, noo, at pisngi si Mika bago tinawag si Kim at itulak ang wheelchair nito pabalik sa kwarto nya.

Nasa kwarto nya ang mga magulang nya, sila Kim, Cienne, Camille, Carol, Cyd, Aby, Kianna, Majoy, at Justine. Bumisita lamang sila Aby, Kianna, Majoy, at Justine. Sila Kim, Cienne, Camille, Carol, at Cyd naman ang ang nagbabantay sa dalawa. Kakagaling lang nila sa room ni Mika kanina kaya nagpasya silang dumalaw lang saglit kay Ara bago umalis ang mga ito.

Nang makaalis na sila Aby, Kianna, Majoy, at Justine, Bumalik na sina Camille at Carol sa kwarto ni Mika dahil sila ang kasama ng mga magulang ni Mika sa pagbabantay dito.

Naiwan naman sa kwarto ni Ara sila Kim, Cienne, at Cyd upang tulungan ang mga magulang ni Ara na mag-asikaso at magbantay dito.

Pagsapit ng 1:30, umalis na sila Kim, Cienne, at Camille upang pumasok. Umalis naman sila Carol at Cyd ng 2:00 upang pumasok din.

Naging ganito ang schedule nang lima araw-araw:

1:30-2:00 pm, pasok sa school.

8:00-8:30 pm, dismissal/uwi sa bahay.

8:30 pm-10:00 am, pupunta ng hospital.

At hanggang sa maulit.

Ganyan lagi ang schedule na sinusunod ng lima. Since sila naman ang magkakasama sa dorm, sila sila na lang rin ang nagtutulungan at nag-adjust for Mika and Ara. Kung minsan naman, nakikipagpalitan sila Kim kila Carol sa pagbabantay sa dalawa.

Nasa kwarto lamang ang mga magulang ni Mika at sila Camille at Carol dahil binabantayan nila si Mika.

Habang kumakain sila ng tanghalian, biglang nag flat line si Mika.

Tumakbo naman si Camille at tumawag ng doctor upang ipaalam ang nangyayari kay Mika.

Ni-revive nila si Mika at nabunutan ng tinik ng makitang bumalik sa normal ang heartbeat ni Mika.

Kinausap sila ng doctor at halos mapako sa kinatatayuan nilang lahat ng marinig ang sinabi ng doctor.

"She's in coma."

--

Hayyy! So ayan, hehe. Baka maglagay ako ng chapter bukas or mamaya nang may present na event, para po alam nyo yung nangyayare :) So ayun, support lang po guys :) Thanks :)  (Sorry for short updates)

It Was Always You (Mika Reyes and Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon