Sembreak in the air, Boring in the house.

28 1 2
                                    

Hay! Sa wakas sembreak na rin. Next sem bday na ni Gee. Taray 17 yrs old na. HAHA tumatanda na kami pero mukha pa rin kaming mga bata. :)

Ano kayang ireregalo ko dun? Wala akong maisip. Saka na pag nakaisip na ako. Maitext nga un, bored ako dito sa bahay.

"ui!" text ko sa kanya.

"bkit??" reply niya.

"wla lng. boring sa bhay. tara sm. treat ko :)" reply ko sa kanya.

"cge.cge. kita tau 711 kabihasnan." reply naman niya sa akin.

Naligo na ako, nag-ayos ng sarili at pumunta sa meeting place namin dalawa.

Kahit malabo ang mata ni Gee, alam niya pag parating na ako. Nararadar niya ako. Ang lupit ng kaibigan ko!

Inaasar ko siya, " ui! Birthday mo na sa start ng second sem. So what's the plan dear?? "

" Wala pa. Hindi ko pa alam. Baka nga hindi ako mag-handa eh " sagot niya sa akin.

" Ano naman kung wala kang handa? Edi papasayahin ka na lang namin sa birthday mo. Gala tayo. Kain tayo kahit saan mo gusto. Malay mo ilibre kita sa araw na yun " sabi ko sa kanya ng may ngiting pangdemonyo.

" Ikaw na may pera" sabay tawa ni kumag.

" Ano ba gagawin natin sa sm? " pag-uusisa niya.

" wala, lakad lakad lang. kain pag may natripan " sagot ko sa kanya.

" Ang pangit ng trip mo, nagpapagod lang tayo dito " sabi niya.

" treat ko to. Sasama ka na lang dami mo pang reklamo " sabay turo sa ice cream cake.

" Gusto ko tikman to. Tara tikman natin. " Bumili ako ng dalawa, tig-isa kami. Sarap!

Kumain kami ng pizza, ice cream, pasta, selfie dito selfie doon. Saya lang. Maraming nagtatanong kung boyfriend ko daw si Gee kasi we look like more than friends in their eyes. HAHA!

Hindi namin namalayan ang oras, gabi na pala. Oras na pala umuwi at malamang hinahanap na ako ng tatay ko at si Gee naman ng lola niya. Busog na busog kaming dalawa sa mga pinagkakain at pinaggagawa naming dalawa.

Pero yung failed subject ko, kelan ko kukunin?

Damn RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon