Finals

26 1 1
                                    

Lumipas ang araw, linggo at buwan. May mga naging kaclose na rin ako. Yung iba di ko trip, maarte, may parich kid ang peg at karamihan feeling sobrang talino.

Malapit na ang finals.

Papasa naman ako. Ako pa! Maning-mani sa akin mga subject ko (evil laugh). Pero teka, nanganganib pala kaming LAHAT sa Algebra dahil dun sa nangyari nung midterm.

*flashback : Midterm exam, as usual may seating arrangement ulit pag exam. Nalate yung isa kong kaklase na lalaki. Nagalit yung prof ko. Bigla daw kasi siya umupo eh nagdidistribute na siya ng test paper. Lalong nagalit kasi nanghihingi yung late kong kaklase ng test paper sa kanya. Hanggang sa nauwi sa argument yung dalawa. Pina-OSA ng prof ko yung kaklase ko. After ng exam namin, maraming pumunta sa OSA at sinuportahan yung kaklase ko against sa prof namin. Dun na nagbanta prof namin sa finals siya babawi.*

Kung totoo man yung banta ng prof ko edi magretake. HAHA Problema ba yan. Wag gawing komplikado ang buhay, maraming paraan.

Finals na! This is it.

English : yakang-yaka! HAHA! Inspired ako. Ganda ng prof ko.

Algebra : yarian na ito. Grabe ang hirap? HAHA Kahit pumasa pa ako dito ibabagsak pa rin niya kami. Edi gawin niya.

Logic : "Ms. Campos, maka-score ka lang ng 19/30 ok na" sabi ng prof ko. Luckily, 21/30 pa nakuha ko. Baboosh! Uwi na kami ng bestfriend kong si Gee.

Theology : Nagpasa lang kami ng reflection paper.

Envi. Sci: Wag lang daw magkopyahan at ipapasa. Okay sa akin yun dahil sa totoo lang wala akong naiintindihan sa mga tinuturo niya.

P.E : practical exam na nakapiring. Ayos na 1.25 binigay ni ma'am.

Lumipas ang isang linggo. Bigayan na ng final grades.

English, Theology, Logic, P.E, Envi. Sci : pede na.

Algebra : Boom bagsak! Hindi lang ako, lahat kami. HAHAHA! Walang loner.

Yari ako nito pag-uwi sa bahay. Yari ako sa nanay ko.

- Sa bahay-

"Eto na grades ko" sabay abot sa nanay ko.

Maigi niyang sinusuri ang papel na binigay ko sa kanya na para bang isang mali yari ka.

Hagis ng bag sa kwarto. Tanggal ng sapatos sa sala. Punta sa cr, naiihi na ako. Punta sa kusina, tingin sa ulam. Di ko nagustuhan. Hilamos ng mukha sabay biglang may nagsalita.

"English at ibang subj, bakit nasa range lang ng 2 papuntang 3? Algebra bagsak. Anong ginagawa mo sa school niyo??" pagtatanong niya na may halong inis at di makapaniwala na ganun ang grades ko.

Hindi ko na pinansin. Inaantok na ako eh. Bahala ka mag-ngawa dyan. Okay nga lang sa tatay ko eh at yan naman ang gusto ko sa kanya, no pressure. :D

Kuya ko naman wagas mang-asar. "enebeyen! Math lang bagsak pa. sayang naman mga tinuro ko sayo" sabay tawa ng malakas yung may halong pang-aasar.

"as if my tinuro, yabang mo ah" sagot ko sa kanya.

"Di ba nga galit sa amin yung prof ko sa algebra, kaya ayun sa grades bumawi" sabi ko sa nanay ko. Nanahimik na rin siya. Sabay talukbong ng kumot ko.

Ano kayang gagawin ko sa failed subject ko?

Damn RegretWhere stories live. Discover now