Hello College!

39 3 0
                                    

Hello college! Be good to me, to us!

First day of school!

Late! Aba matindi! Late nagising eh. The F!!! Nagmamadali tuloy ako papuntang Baclaran LRT Station. Sige bilisan ang paglalakad. May pumulupot sa paa. Nadapa! Boom! Butas pantalon! Tayo, kunyari walang nakakita. Lakad ulit. Kelangan ko bumili ng bagong pants para magmuka akong presentable sa klase mamaya. Badtrip na buhay to! Buti na lang dala ko pera ko, naisalba nito ang worst first day ko. Hays! Salamat po Lord! :)

Nakasakay na rin sa train. Aircon much. Lameeeeg! Ayan na, umaandar na!

Ano ang feeling ng first day of being a college student? Ako, di ko alam kung masaya ako, naeexcite or normal lang. U.N station ako bababa baka lumampas pa ako nito. Malas na talaga ako pag nangyari yun. Ilang minuto na lang malapit na mag alas-siyete, late na talaga ako. First impression, punctuality=failed.

Eto na nga ang Manila! Unang pag-apak sa Manila! Manila, big world!

Nandito na ako sa Adamson. Taray! Kailangan pang dumaan sa so called "walkway." Kasabay ko ang mga old and new students along the way. May mga gwapo, may magaganda, may cute at meron din naman na sakto lang.

Ilabas ang assessment! Hanapin ang room. ST 203, san ka ba? Hala yari! May prof na nakatayo sa labas. Bingo! Late talaga ako. tsk.tsk

"Goodmorning, ma'am" bati ko sa middle-aged woman na nakatayo sa labas ng room.

Ngumiti naman siya sa akin. Pumasok na ako sa room at naghanap ng mauupuan. (Reminder: Mag-ingat sa tatabihan at baka sila na ang makasama mo sa loob ng college life mo.)

So there I go, bakante sa right side, walang katabi si emo girl. Emo girl codename ko sa kanya kasi mukha siyang emo at nakatakip kasi yung buhok sa mukha niya eh. Mukha naman mabait eh.

Wala pa kaming professor. Matignan nga schedule ko. Pangit ng schedule ko ata? Every monday hanggang 3pm ako. The rest hanggang 12pm lang. Pag-uwi bored sa bahay. Tulog lang naman ang kakabagsakan ko. Sabay kaya kami uwi ni Gee?

*Biglang may pumasok sa room*

"Goodmorning class, I will be your professor for your subject English 1. You can call me Ms. Yamar." sabi ng prof.ko.

Ang ganda ng prof ko. Nakakatibo lang. Kung ganito ba naman ang makikita mo tuwing umaga ewan ko lang kung magpapalate ka pa. Bata siya tignan pero maganda talaga.

Introduce yourself na. The boring thing.

"Hi, I'm Julia Campos from the Land of the South - Paranaque City. A writer wannabe. A doctor in my dreams. A traveller in my own way. Food addict. Internet savvy. And everything that's nice" sabay ngiti, upo, titig ulit sa prof. :)

Sunod na subject : Algebra. Maganda din siya pero hindi ko bet. Parang komplikado siya mag-isip at magbigay ng equations.

Makalipas ang isang oras.

Theology - hindi ko rin bet prof ko. Matandang lalaki. Banal-banalan. Nga-nga ako dito. Hindi ko kabisado ang bibliya.

Logic - hindi ko rin bet prof ko dito pero mabait siya pero nambabagsak siya. Logic? Para san ka naman? Hmm. Maiintindihan ko rin ang silbi mo balang araw.

Envi. Sci - mataba prof ko dito. As in BIG. Sayang subject. Interesting pero sa maling prof napunta.

Lunchbreak na!

Okay! Loner ako, first day eh. Akala ko talaga professor namin yung nasa labas kanina ng room. Tanga much. Kakamadali kasi. HAHA Okay lang first day eh.

After 1 hour : Lunch break over! P.E na namin at wag ka tanghaling tapat. Iitim ako nito eh. Magiging magkakulay na kami ni Gee. Duh!

Akalain mo yun! Wala pa kaming room!!! Doon kami sa quad!! Inaayos pa daw yung

room!! Tsk.Tsk. Pag ganitong pasukan dapat maayos na lahat. Hay naku!! Tiyagain ang quad. Piste!

Ang pangit ng prof namin sa p.e pero laughtrip siya.

"Para saan ang P.E?" tanong niya sa amin isa-isa. "Nga pala, ako si Mrs. Bello prof niyo sa subject na ito" pagpapakilala niya.

"Ang p.e ay ginagamit sa lahat ng bagay. Kahit magulang niyo ginagawa yan, alam niyo ba yun?" sabay tawanan ng mga kaklase ko. Matindi mag-isip mga to ah. HAHA!

" Kayo ang bunga ng p.e nila" dugtong pa ng prof ko. Halakhakan silang lahat. Nakikisabay na lang ako. Di ko kasi nagets nung una. Pero kung joke yun, havey. HAHAHA!

-end of first day. Pagod ako. Pagod laitin sa isip ko mga prof ko na parang mga abnormal . HAHAHA!

Naisip ko lang, ano kayang mangyayari sa akin ngayong college na ako?

Damn RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon