Kaylem's loss

29 0 0
                                    

Condolence, Kaylem.

Nakakalungkot naman ng mabalitaan namin na ang tita ni Kaylem ay namatay. Yung tita niya na full support sa kanya sa kahit na anong gusto niya sa buhay niya. Sakto naman bakasyon kaya makakapunta kami sa burol ng tita niya. Siyempre, kasama ko na naman ang tropang ICET1A1 . Sabog na naman ang usapan.

Tagal ng bestfriend ko mag-out, medyo masama ang panahon.

"Ui bhezie!!" sigaw ni Chris.

Nak ng tokwa! Si Gee inaantay ko hindi si Chris, siya pa talaga bumungad.

"oh?" sagot ko sa kanya.

"Mamaya pa daw lalabas si Gee kasi may tinatapos pa sila sa lab namin, kailangan ipasa eh. Samahan daw muna kita." sabi ni Chris.

"Aba matindi! Inihabilin pa ko. Lupit talaga." patawa kong sagot.

"Saka nagsabi ako sa kanya na gusto kita kausapin ng tayong dalawa lang kaya pumayag siya." seryosong sagot niya.

I swear! I sense something!! Sana wag yung iniisip ko!!!! *crossfingers*

At naglakad na kami papuntang SM Manila,  nagstay muna kami sa WOF. Naglaro siya ng paborito niyang tekken at ako naman pinapanood ko lang siya. Saya lang -_-

At habang pinapatay namin ang oras, nagsimula na siyang magsalita tungkol sa nais niya sabihin. Nakita kami ng mga kaklase nila, kanchaw dito, kanchaw doon. Ngumiti na lang ako. :)

Sabi niya gusto niya ako ligawan. Sa totoo lang di ko alam irereact ko nun, di ko alam kung matutuwa ako o dedeadmahin ko na lang yun. Hindi ko siya masagot ng "Oo,sige manligaw ka" kasi nagdadalawang isip ako..

At dahil nakakagulat si Chris kahit hindi naman, tinanong ko ang BFF ko on our way to Kalem's house. So, naliwanagan na ako kaya pumayag ako, ligaw lang naman. If you dont like, edi wag mo sagutin. Lupit talàga sumagot ng bff ko, sarap ihagis sa balon. *laugh*


Damn RegretWhere stories live. Discover now