Tumawa ako nang malakas nang makita kong nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Halata namang hindi siya sanay sa pinagsasabi ko. Typical straight siya kaya anong magagawa ko.

"You're free to judge me, anyway. I have experienced a lot of judging kahit hindi naman sila kasama sa mga reality talent contest." Sabi ko pa sa kanya.

"I am not doing that. Nagugulat lang ako sa pinagsasabi mo kasi." Wika niya pa sa akin. "Hindi ka ba natatakot mapunta sa impyerno? Diba kasi iyong sa simbahan..." Mahinang wika niya. Natawa na naman ako.

"If men and women are going to heaven, masaya na akong mapunta sa rainbow mag-slide -slide doon." I smiled. Sanay na ako sa pangungutya and frankly it doesn't sound like she's mocking me, para siyang innocent baby na namulat sa makamundong pagnanasa.

She's too fragile I guess.

"Ilan taon ka noong kinasal?" Tanong ko naman.

"24. Pero nineteen pa lang ako nagsasama na kami. Okay sa parents namin iyon. Sobrang bata ko pa. Natakot kasi ako nab aka hindi ako makapag-asawa dahil sa career ko."

"Anong career mo?"


"Vet ako. Sobrang busy noon sa acads, wala akong time to date so –"

'You married the first asshole that came by. Too bad." Napapalatak pa ako.

"Yes, parang ganoon nga."

"Minsan hindi rin totoo iyong first love no?" Wika ko pa. Bigla kong naalala si Mikee. She was my first love and I really thought that we'd make it until we're both gray and fat. But she left me. Fuck her.

"Pero may forever." Sabi naman niya sa akin. Natawa ako.


"Yeah? Well see. Nandito na tayo." Sabi ko habang nipa-park ang kotse sa harap ng coffee shop na iyon. Sabay kaming bumaba at sabay rin kaming pumasok.

Berry is very pretty pero halata sa kanyang hindi siya comfortable sa pagdadala ng sarili niya. She has long wavy hair, mas matangkad ako sa kanya, maybe she's only five three or five two. Five – five kasi ako tapos five-seven kapag naka-heels.

Maganda siya, maybe she doesn't know that yet.

"What's your order?" I asked her after we picked a place to settle.

"I have no money. Naiwan ko yata iyong wallet ko sa bar."

"It's on me. Anong gusto mo?"

"Black coffee."

"With sugar?"

"No, just black coffee."

"Wow. You drink coffee like my cousin." Natawa na naman ako at naalala ko si ate Hyan. Nag-order na ako. I waited for our coffee and bread. Kami lang dalawa sa loob. Sabagay, gabi na rin naman kasi. I bet people are inside their homes, resting, iyong iba siguro nag-se-sex or whatever. Maybe others have something important to do.

Ako... umiiwas lang ako sa amin dahil hindi ko makayanan iyong nagtatanong na mga mata ni Papa o iyong pagpilit sa akin ni Mama na makipag-date.

Pamilya ko pa lang iyon – paano pa kapag iyong buong angkan ko?

Hindi ko muna iisipin.

I took the coffee and went back to our table. Tahimik siyang nakatingin sa bintana. Instead of sitting on the other side of the table. I sat beside her. I slowly put the coffee down on the table. Hindi pa rin niya ako napansin. I grinned.

Nilapit ko iyong bibig ko sa tainga niya.

"Hey..." Wika ko. It was more of a whisper. Bigla siyang bumaling sa akin. I brushed my lips on her. Hindi naman agad siya nakagalaw. But when she realized what happened nanlaki na naman ang mata niya.

Barely NakedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon