"Nagsasayang ng oras? Di naman ako nagsasayang ng oras sa totoo nga niyan gustong kong makipag-kaibigan sayo" nakangiti siyang lumingon sakin. Napakagaan sa pakiramdam ng ngiti niya! 

"Eh bakit sakin pa? andaming pa namang iba dito sa Campus natin ang pwedeng mong maging kaibigan ah"

"Eh ikaw yung napili ko eh, ayaw mo ba?"

"uy hindi- hindi gusto ko lang makasiguro pero kung ayun ang gusto mo, okay" di ko napansin nandito na pala ako sa tapat ng room ko at alam niya talaga kung saan yung room ko? "Salamat! sa pagbitbit"

"See you!" sabi niya sakin sabay kindat? Aba aba kinindatan ako nun? WALANGYA! Pagpasok ko sa classroom wala pa si Pau dapat nandito na yun laging nauuna sakin yun eh. chineck ko yung phone ko nagtext siya sakin na hindi daw pala siya makakapasok ngayon kasi nagkasakit siya.

"Good Morning!" bati sakin ni Max.

"Good Morning! Hindi nga pala makakapasok si Pauline ngayon" sabi ko naman. At tumango lang sila

Pumasok na si Sir Ken. Ang gwapo talaga niya! Gusto ko ang subject niya sadyang hindi ko lang trip ang way ng paglelesson niya kaya nakatingin lang ako sa kanya at natango-tango na kunwari nakikinig pero wala talagang napasok sa utak ko. GRRRR

"Thats all for today, goodbye class" Yes! Tapos na rin! 

Unknown number:

Kaya pa ba? Mukhang ayaw mo yung subject ngayon ahh

Sino nanaman ba 'to at ibang number naman?! Tumingin tingin ako sa paligid, tinignan ko rin si Clyde nagbabakasakali na baka siya yun kaso hindi nagbabasa lang siya ng libro... biglang bukas yung pinto.

"ANG BILIS NA-" nabigla kong sabi

"Ms. Velasco, I need to talk to you now, in my office" WHAT? WHY?? Hala kinakabahan ako bakit kaya? Hala baka napansin niya na hindi ako nakikinig sa kanya HALLLAAA kinakabahan na ako! huhu AYOKO NAAA! Tahimik ko lang sinusundan yung teacher ko. Hanggang sa nakapasok na kami sa office

"Ms. Velasco" Kinakabahan na akoooo "tutal best friend ka ni Ms. Tan na absent ngayon ikaw na rin ang magsabi sa kanya, simula ngayon sa susunod niyong subject" kinakabahan na talaga ako anong meron sa susunod na subject namin?

"iba na ang magiging room niyo at iba na ang section niyo-"

"Bakit sir? Bumaba po ba kami? ano na pong section namin ngayon?"

"Di kayo bumaba kung tutuusin nga ay tumaas kayo, simula ngayon section 1 na kayo"

"Seryoso sir? totoo yun sir? Hindi naman April 1 ngayon diba? Oh my God! thanks lord! Thank you Sir!" sa sobrang saya ko nayakap ko bigla si sir. kinilig ako bigla nung maalala ko shi shir khen palah yown hehehehe

"Congratulations" nakangiting sabi niya. Nakangiti akong lumabas ng office niya. I kennat bilib it! 

Kinuha ko na lahat ng mga gamit ko dun sa Classroom namin. Wow ang galing kaso kinakabahan ako sino kaya ang magiging classmate ko magiging mabait kaya sila samin?

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Clyde sakin na biglang napatingin yung iba saamin.

Napangiti ako. Maiiwasan ko na rin si Clyde!! Ang sama ko diba?HAHAHHAHA Dahil lilipat na ako 50/50 pa ako kung kaya ko ba or hindi na iwan sila Bianca dito "Nalipat kami ni Pauline sa section 1" masaya kong sabi

"Ha?" sigaw nilang lima saakin

"Well, Congrats sainyo" Sabi ni Mica na halatang masaya para saamin.

WHYWhere stories live. Discover now