Three

26 4 0
                                    

Hi sa mga kakasimula palang ng klase ngayon! 👋👋🤣😍

+=+=+=+=+=+=+=

"Ayy hala, nakatulugan ko pala 'tong mga 'to" Nagmadali na akong bumangon at naligo. Buti nalang natapos ko na yung assignments ko bago nakatulog. Paglabas ko may nakita nanaman akong text sa cellphone ko

Unknown Number:

Good Morning ^_^

Sino ba kasi to! Hayys bahala ka dyan wala akong load! Nagbihis na ako at bumaba na para kumain

"Good Morning, Mama. Good Morning Papa!"

"Good Morning, anak!" sabi ni papa. Tuwing umaga ko lang nakikita si papa, pero lagi akong hinahatid ni papa sa school at si mama naman ay sa office niya dahil dun may time para sakin sila mama at papa kaya lagi akong masaya tuwing umaga.

"Tara na?" tanong ni mama pagkatapos namin kumain.

"Let's go"

"Manang Berna, kayo na ho bahala dito ah, kumain na kayo kasama yung ibang katulong at si Mang Ben, aalis na kami"

"Ahh sige po ma'am, ingat po kayo" sabi ni manang Berna at bago ako umalis niyakap ko muna siya. Siya ang nagalaga sakin simula nung bata ako kaya malapit ang puso ko sa kanya.

"Baby, nandito na tayo sa school mo uwi agad ah ipapasundo kita kay Mang Ben mamaya. Ingat ka" sabi ni papa at bumaba na ako ng sasakyan

"I love you, darling" sabi ni mama

"I love you too" sabi ko. Sana makasama ko sila kahit isang araw lang na walang iniisip na trabaho. :(

"Mahal na mahal ka nila 'no?" nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko isang lalaki.

"Ikaw nanaman?" malamya kong sabi. Pano ba naman kasi kakasabi ko lang kagabi na ayaw kong makita 'tong lalaki tapos ngayon siya pa yung una kong nakita.

"uy wag ka na sumimangot, sorry na" sabi niya sakin at pumunta sa harap ko.

"Oo na! umalis ka na sa daanan ko" sabi ko na naka yuko.

"Hello Xander" bati nung isang pabebeng babae sa kanya. Famous pala siya eh

"Hi" bati niya pero bumalik agad sakin yung atenston niya "Ngitian mo naman ako kahit isang beses lang" tumingin ako sa kanya, sa mata niya, mukha naman mabait siya kaya ngumiti na ako sa kanya.

"AYOWN! Okay na tayo, Alex ah"

"alam mo na pangalan ko? Pano mo nalaman pangalan ko?"

"Nagtanong-tanong sa ibang estudyante, by the way ako nga pala si Sam Alexander Buenaventura, you?" Wait Sam? parang nakita ko na yun! Oo nga yung friend request kagabi!

"May Alex din pangalan mo? akalain mo nga naman! Ako naman si Alexandra Velasco" nagshake-hands kami. "So anong pwedeng itawag sayo?"

"Kahit ano basta wag lang Alex kasi iyo na yon"

Hmmm Sam kaya?

"Hmmm okay? Sam? Xander nalang"

"Yun! Hindi rin kasi ako sanay sa Sam eh. Akin na tulungan na kita sa dala mo" wow! Ganun? Gentleman pala ih

"May tanong ako sayo.... Bakit ka nga pala nagsasayang ng oras sa isang katulad ko?" ewan ko bakit ba lumabas bigla yun sa bibig ko?

WHYWhere stories live. Discover now