Aray ko naman, pinandilatan ko siya ng mata sa aking isipan, ang sama talaga ng ugali. Hmmp!

"Don't worry I won't let them hurt you again." Dagdag niya.

Napakalayo ng pagmumukha niya sa kanyang sinasabi. Paano ako machecheer up nito kong blanko ang ekspresyon ng kanyang mukha habang sinasabi ang mga katagang 'yon.

Pero huhuhu ang haba naman ng sinabi niya, nakakakilig promise!

Tumango tango nalang ako bilang sagot sa mga sinasabi niya. Mga ilang minuto din kami sa gano'ng posisyon, habang nanatili kaming tahimik dalawa.

"How do you feel? Do you want to eat something?" Tanong nito sa akin.

Himala! Naiba ata pakikitungo ni babae sa akin. Palihim akong napangiti. May nakain atang matamis si babae ngayon at hindi ampalaya.

Hindi ko naman maiwasang titigan ang mukha niya. Ang ganda niya pala, hindi ko akalaing magiging ganito ang pagtrato niya sa akin. Hindi ako sanay, kasi ang hirap ng wala kang maalala feeling mo may kulang. 

Hindi ko namalayang kanina na pala ako nakatulala sa kanya, kung hindi pa siya sumigaw baka nasuntok nako nito. Kunot noo naman itong naka tingin sa akin at naiinis sa paghihintay ng magiging sagot ko. Palihim akong napatawa sa reaksyon ni babae.  Ang kyot niya, mukha na akong baliw dito kakatitig sa kanya. 

Hindi naman maipinta ang mukha nitong nakatingin sakin.

"Tsk. Idiot." Mabigat na pagbitaw niya sa salita saka marahas na inalis ang pagkakayakap sa akin. Napakunot naman ang noo kong sinusundan siya ng tingin. Tumalikod siya at saka naglakad paalis.

Walang imik itong lumabas ng kwarto, mukhang nagalit atah. Huhuhu, ikaw naman kasi zack. Eh, ayan galit na si babae kasi naman. Inihaba ko ang aking nguso. Napakababa talaga ng pasensya ni babae. Hindi ko mapigilan ang magpakawala ulit ng malalim na buntong hininga.

Nag ayos muna ako sa sarili bago lumabas para hanapin si babae, gusto ko lang mag sorry sa kanya mukhang galit atah.

Napahawak ako sa aking tiyan, ng bigla itong gumawa ng ingay. 

Pati tiyan ko ayaw makisama, na alala ko na hindi pa pala ako kumakain, simula kasi ng mangyari ang trahedyang 'yon para akong nawawalan ng gana kumain, at isa pa sobrang sakit ng tiyan ko kahit maglakad ako ay minsan napapangiwi ako sa sakit, ikaw ba naman suntukin ng paulit-ulit mamaya ko nalang siguro hahanapin si babae.

Pagkarating ko sa kusina, napakunot ang noo ko nang walang makita kahit isang tao, ay teka bakit walang mga katulong. Ha? Saan naman kaya naglalagi ang mga 'yon. 

Napakamot nalang ako sa ulo, paano nato huhuhu gutom nako . Napanguso ako. Hindi naman ako marunong magluto, pero 'di naman masamang subukan diba. Napahagikhik ako sa ideyang tumatakbo sa aking isipan.

Maigi kong sinuri lahat ng sulok nitong kusina habang iniisip ang pwede kong lutuin sa mga bagay na nakikita ko. Ahhmm. Ano ba? Dapat siguro 'yong madali lang gawin, tama! 

Bumalik mo na ako sa taas para kunin ang phone ko sa aking kwarto. Gagamitin ko to para manood ng mga cooking tutorial. Feel ko kasi makakaya ko naman kahit anong putahe basta may guide lang. Suuss! Magluto, nako easy na easy lang sa akin 'yan. Ako pa!

Masaya akong kumakanta habang kinukuha sa mga cabinet at nitong sobrang laking fridge ni babae lahat ng kakailanganin kong ingredients. Pinanganak akong independent kaya peteks lang to sa akin.

Pagkaraan ng ilang minuto ay hindi ko mapigilan ang mapaupo sa sahig. Para tuloy akong isang halaman na hindi nabilad sa araw ng isang linggo.

Waahhh! huhuhu ang hirap naman nito, kanina pa ako paulit ulit pero waley parin. Kahit ilang ulit kung pinapanood tong tutorial sa youtube, mali parin. Ba't ba walang maid kahit isa ngayon, tsaka bakit hindi manlang ako hinanap ni babae. Mamatay ako sa gutom nito. 

I GOT A CHILDISH HUSBANDWhere stories live. Discover now