"Ahh... Ayos lang po ako Mama, magkikita na lang po kami nila Raine at Aaron doon sa party." nakangiting saad ni Nicole habang patuloy sa pagsipat ng kanyang repleksyon sa salamin.

"Hala sige... Ihahatid na kita sa school niyo, isasama ko na rin 'yung dalawang makulit mong kapatid para mag-take out sa drive thru..." ani Mama Janet bago tinungo ang kanyang sariling silid.

Hindi na naman nagprotesta pa si Nicole at masayang pinagmasdan ang kanyang sarili sa salamin, "Ang ganda ko." kinikilig na turan nito sa hangin.


*****


"Sige po Mama, thank you po." pamamaalam ni Nicole sa kanyang Ina.

"Anak tawagan mo ako kung magpapasundo ka, okay? Naglagay na ako ng extra'ng pera sa quilted bag mo, para kung sakali may pang-taxi ka."

"Okay po Mamey, babye!" ani Nicole bago kinawayan ang sasakyan ng kanyang Ina, na ngayon ay papalayo na sa kanyang kinatatayuan.

Humugot muna ng isang malalim na hininga si Nicole sabay sabing, "Aja! Kaya mo 'yan, Nicnic." aniya bago taas noong naglakad papasok sa gymnasium.

Sumalubong sa dalaga ang isang malakas na tugtugin, na siyang dahilan para kumabog ng husto ang kanyang dibdib. Sinipat niya ang kabuuan ng nasabing bulwagan at kitang-kita niya ang dami ng mga taong nagsasayawan sa gitna ng gym.

"Bff!" napabaling naman sa kanyang kaliwa si Nicole nang marinig ang pamilyar na boses.

"Aaron!" masiglang saad ng dalaga bago nagyakapan ang dalawang magkaibigan.

"Correction! ARAH na ang name ko ngayon, ibinaon ko na sa hukay ang pangalang Aaron." nakangiwing usal nito sa dalaga.

"Ang tarush... Grabe! Babaeng-babae ka na ngayon bff." hindi makapaniwalang wika ni Nicole nang sipatin niya ang binata.

"Syemps! Girlash na ang image ko ngayon. Wag ka luma-lovelife na itey, bff." maarteng sambit nito bago iwinagayway ang kanyang mahabang buhok.

"Tinalo mo pa ako, bruha ka!" natatawang saad ng dalaga rito.

"Namern!" saka nag-apir ang dalawa. "Wait! Di ba si Raine 'yon?" biglang wika Arah bago inginuso ang gawi ng kanilang kaibigan.

Mabilis namang binalingan ni Nicole ang kanyang matalik na kaibigan at walang sabi-sabing tumakbo siya papalapit dito, "Bessshhhhiiiieee!" sigaw ng dalaga at agad nagyakapan ang magkaibigan.

"Nicnic..."

"Beshieee," sigaw ni Nicole. "Grabe... Namiss kita!" maingay na bulalas nito sa dalaga.

"Ang OA 'te ahh, palagi naman tayong magka-text kahit hindi tayo nagkikita." natatawang sambit ni Raine habang kayakap ang kanyang kaibigan.

"H'wag ka ng ano d'yan, basta namiss kita." pabirong pagtataray nito sa dalaga.

Nasa ganoong posisyon ang dalawang dalaga, nang biglang umeksena si Josh sa kanilang pagyayakapan.

"Bakit siya lang 'yung namiss mo, paano naman ako Nicnic?" mapagbirong usal ng binata saka iniumang palabas ang kanyang mga braso na parang naghihintay ng yakap mula kay Nicole.

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now