Third Person's POV
Almonte's Manor House.
Everyone is on panic when a horrible news of a sunken yacht near Aklan flashed in the television. They lost contact with the heiress and all the maid servants and butlers of the Almontes' are busy finding informations about the news. The manor is filled with tension because they're still searching for the heiress' yacht amidst the vast ocean just to find the heiress.
All their life, they took good care of her and made her a better person that she can be. They even promised on her deceased father that they'll responsibly take care of her like a princess. If they fail to do so, their beloved princess will be gone forever.
Everyone is doing their work when a stunning teenager suddenly arrived.
"Manang Elisa, may balita na po ba kayo sa kanya?" Napatigil sa pag iisip ang matandang mayordoma at hinarap ang dalaga.
"Wala pa nga hija eh. Kaninang umaga pa namin siya kino-kontak. Sobrang nag-aalala na ako, baka ano na ang nangyari sa batang iyon."
"Alyssa"
"Rafael, hijo."
A man in his fourthies came inside.
"Dad! I'm worried. Baka kung ano na ang nangyari sa pinsan ko!" Hysterikal na saad ng dalaga.
"Don't worry. We'll do anything to find her. For now, call your mom. Tell her we'll stay here and help find Novice."
Alyssa Almonte, cousin of Novice Gaile Almonte and Rafael Almonte, father of Alyssa and uncle of Gaile.
--------------------------------------------------🌴🌴🌴🌴🌴
Gaile's POV
Mahapdi. Yan ang nararamdaman ko. Parang sinusunog ang balay ko at ang lagkit ng pakiramdam ko. Pinakiramdaman ko ang paligid. Malakas ang ihip ng hangin, mga ibong humuhuni habang lumilipad at nakarinig ako ng pag-alon ng tubig.
Napamulat ako at agad na bumungad sakin ang puting buhangin. Bumangon ako mula sa pagkakadapa at umupo. Nakaramdam ako ng sakit nang biglang pumitik ang ulo ko. Pumikit ako ng mariin dahil parang hindi ko kakayanin ang sakit. Ang bigat ng pakiramdam ko at humahapdi na rin ang tyan ko.
Sinubukan kong tumayo para humanap ng makakain pero agad din akong natumba nang naproseso saking utak ang nangyayari.
Nasaan ako? Sino ako?
Napailing ako.
"N-no. This can't be happening." May tumulong luha mula sa aking mga mata habang paulit-ulit na sinasambit ang mga salitang yan.
Tumayo ako at humanap ng bagay na maaaring makapagpaalala sakin pero wala. Tanging ang mga damit ko lang na may mga punit-punit at isang kwintas na may pendant na korona at ang naka-engrave na GAILE doon.
"Gaile.." Sambit ko.
Ito ba ang pangalan ko? Ano ba ang nangyari? Bakit naging ganito ako?
Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na inaalala ang nangyari pero wala akong maalala at sumasakit lang ang ulo ko. Gusto kong umiyak at magwala pero wala na akong magagawa. Ito na siguro ang kapalaran ko. Naging masama ba akong tao para maparusahan ng ganito?
Naglakad na lang ako para humanap ng makakain at ng makakatulong sakin.
"Ang ganda naman ng islang to. Saan bang lupalop ng mundo ako naroroon?" Tanong ko sa sarili.
Maganda itong isla pero ngayon ko lang napansin. Maputi at pinong-pinong buhangin, crystal clear blue water, and tall coconut trees near the shore.
Pumasok ako sa kakahuyan at nagtuloy-tuloy sa paghahanap. Gusto ko sanang kumain ng buko pero hindi ko naman alam kung pano umakyat ng puno at wala akong pangbalat dun. Ayaw ko namang gamitin ang ngipin ko noh! Baka mabungal lang ako.
Juicekoooo~ Sana walang mababangis na hayop dito. Hindi nga ako namatay sa pagkalunod mamamatay naman ako sa kamandag ng ahas o baka may wild boar dito. grrr!
"AAAAHHHHHHHHH!!! ARAYKUPOOOOO!" Shit ang sakit! Napaupo ako sa lupa nang makaapak ako ng matulis na bagay.
Tiningnan ko ang talampakan ko at nakita kong nakaapak ako ng basag na bote ng beer. Feeling ko ang lalim ng sugat. Mahapdi at maraming dugo ang dumadaloy. Napaiyak na ako at nanginig dahil sa sobrang sakit. Namumutla na siguro ako. Dito na ba ako mamamatay? Ito na ba ang katapusan ko? Napasandal ako sa kahoy sa likuran ko at napapikit ng mariin. H-hindi ko na k-kaya.
----------------------------------------------------🌴🌴🌴🌴🌴
Someone's POV
I was playing with my dog outside my beach house when I heard a loud scream from the woody part of this island. I grabbed and pulled my dog's leash and run into that direction immediately.
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Tumahol si Garfield sa isang direksyon at agad na tumakbo kaya natangay ako.
Napatigil ako sa pagtakbo nang nakita kong may babaeng nakasandal sa puno at punong-puno ng dugo ang mga paa at punit-punit ang damit. Lumapit si Garfield sa kanya at tumahol at dumila pero nanatiling hindi gumagalaw ang babae kaya humakbang ako palapit at binuhat ko ang ito at dali-daling tumakbo papunta sa bahay.
Pagkarating sa bahay, agad ko siyang inakyat sa kwarto ko para ihiga. Sinuri ko ang mga paa niya at nakita kong may nakabaon na basag na bote sa kanang paa niya. Pumasok si Garfield sa kwarto ko at humiga sa tabi ng babae.
"Garfield! Bantayan mo muna siya huh? Kukuha lang ako ng mga gamit."
Tumahol naman si Garfield kaya tumakbo na ako sa kabilang kwarto at kinuha ang mga gamit panggamot ko. Pagbalik ko, kumakawag ang buntot ng aso ko kaya umupo ako sa paanan ng babae at tinanggal na ang basag na bote.
"Tsk! Ang kaya pala hinimatay. Ang lalim ng sugat. Kung di maaagapan agad to, baka nagka-infection na to o baka namatay sa tetanus." bulong ko.
Pagkatapos kong gamutin at lagyan ng steriled cloth ay inasikaso ko naman ang damit niya. Kinumutan ko muna siya saka hinubad ang pang dress niya. Mukhang mayaman. Branded ang damit eh. Ano kayang ginagawa niya dito?
Namamawis siya kaya lumapit ako sa kanya at inilapat ang likod ng palad ko sa leeg niya.
NILALAGNAT SIYA!!!
Pinabantayan ko ulit siya kay garfield saka kumuha ng warm water at towelette. Pinunasan ko siya sa mukha, leeg, mga kamay at mga paa niya at pagkatapos ay isinuot ko sa kanya ang puting bathrobe para komportable siya. Hininaan ko narin ang aircon at niligpit ang mga ginamit ko.
Napabuntong hininga ako at napatingin sa mukha niya. Maganda siya. Pero bakit kaya siya napadpad dito? Pribadong isla ito at hindi nagpapapasok ng kahit na sino dito.
Hayyy..
Ang swerte ng babaeng to at hindi ako manyak. Well, slight lang hehehe.
Lumabas na lang ako at nagluto ng meryenda para saming dalawa ni Garfield saka soup para sa babae. Baka sakaling magising siya mamaya.
YOU ARE READING
Wrath of an Heiress
Non-FictionI am nowhere. Lost and amnesic. I feel so hopeless. I don't know where I am, or who I am. All I know is, my name is Gaile, and I woke up feeling scared for being lost, and furious of something I don't know.
