Chapter 3.1: I'm dead?

Magsimula sa umpisa
                                    

Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Shit! Nasa langit talaga ako?

"Why?" takang tanong niya sa akin.

"Don't tell me ay nasa langit tayo?"

Masaya siyang ngumiti. "Nope. Actually doon ang punta natin ngayon sa gates of heaven."

"Saan?!" Ano'ng gates of heaven? 

"Sa gates of heaven, Sakura. Nakikita mo ba iyong dalawang angel guard na nakabantay sa gate? Doon ang punta natin," nakangiting paliwanag niya. "Hinihintay lang kita para sabay na tayo."

Tinignan ko ang itinuturo niya. Fuck! Gates of Heaven? No way!

Inis na tinignan ko siya. "Are you crazy?!" bulyaw ko sa kanya. Hindi lang palang tanga ito, baliw din pala siya. "Huwag na huwag mo akong idamay sa kalokohan mo! Hindi pa ako patay at hinding hindi ako sasama sa iyo!"

Tinignan niya lang ako at wala akong mabasang expression sa kanyang mga mata. Sa inis ko ay hinablot ko ang kanyang kamay at naglakad palayo. "Halika na at umuwi na tayo!"

Nagulat na lamang ako na nagpupumilit siya makawala sa akin. 

"Ayoko Sakura! Hinding hindi na ako babalik doon! Ayaw ko nang masaktan!" umiiyak na sabi niya.

Naaawa na tinignan ko siya. 

"Sorry Sakura pero hindi ko na kaya," malungkot na wika niya.

"Ganoon na lang iyon? Susuko ka na agad?"

Ngumiti siya sa akin. "Oo gusto ko nang sumuko. Gusto ko nang matapos ang lahat ng sakit. Sakura... tama na... pagod na ako," pinalis niya ang kanyang mga luha at tumingin sa akin. "Hihintayin kita, Sakura."

"What----" 

Napatingin ako sa buong paligid ko na unti-unting naglalaho ang lahat. Shit!

Nagising na lamang ako at hindi ko makalimutan ang panaginip kong iyon. Pagmulat ko ay sumalubong sa akin ang puting kisame. Pagbaling ko sa kanan ko nakita ko ang matandang babae na natutulog sa gilid ng kama ko. Napataas ang tingin ko na makita ko ang sarili ko sa salamin. 

Fuck!

Hindi nga panaginip ang lahat dahil ang taglay ko pa rin ang mukha ni Stupid.

Bakit?

Ano ba ang nangyayari? Naguguluhan na talaga ako.

Alam kong masakit ang buong katawan ko pero pinilit ko pa ring bumangon dahil kailangan kong makaalis dito.

Napangiwi ako nang tanggalin ko ang needle ng dextrose. Shit! Dahan-dahan akong bumaba sa kama at napapikit na lamang nang makaramdam ako ng hilo kaya naman napatigil ako sa paglalakad. Nang maging okay na ako ay nagpatuloy na ako. Tinungo ko ang bag ng matandang babae. Maingat na binuksan ko ang bag nito at napangiti na makita ko ang wallet niya. 

Hindi na ako nagulat na mabuksan ko ito na makitang puno ng pera. Kumuha ako ng kaunti at ibinalik na ang wallet sa loob ng bag. Pagkatapos ay dali-dali akong lumabas. Napasandig pa ako sa dingding dahil sa naramdaman kong pagod. 

Nang magmulat ako nagtataka na napatingin sa akin ang nurse na dumaan. Pilit na ngumiti ako sa kanya para hindi siya makahalata. At agad na naglakad akong palayo, binilisan ko pa kahit pagod na pagod ako. Nang lumingon ako sa likuran ko mukhang natunugan na ng nurse ang nangyayari. Shit!

Malaki ang pasasalamat ko na malapit na ako sa exit ng hospital. Hindi na ako nag atubili at tumakbo na ako ng mabilis. Tamang-tama na may taxi na humito sa tapat ko. Pagkababa ng pasahero ay sumakay ako agad.

"Ma'am saan po kayo?"

"Sa Bagong Pag-asa, Manong"

"Naku Ma'am, masyado na pong malayo iyon."

 "Wala akong pakielam!" inis na sambit ko sa kanya.

"Eh Ma'am----"

Sa inis ko hinablot ko ang kamay niya at inilagay doon ang perang nakuha ko. "Okay na?"

"Yes Ma'am," nakangising sabi niya.

Umirap ako sa kanya dahil sa nangyari. Basta kapag pera ang involve asahan na maging selfish ang mga tao. 

Napansin ko na may nahulog at pinulot ko ito agad. 

Ang bracelet na binigay ni Karol.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang nangyari. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ko gamit ang katawan ni stupid at ang malaking tanong ay nasaan na ang katawan ko?

Tinignan ko muli ang bracelet na hawak ko. Bago ako mawalan ng malay, isang liwanag ang bumalot sa amin ni stupid at nagmula iyon sa bracelet na ito.

Malaki ang kinalaman nito sa nangyayari at kailangan kong gawin ay puntahan si Karol para masagot ang mga tanong na umiikot sa ulo ko.

Napansin ko na ang taxi na sinasakyan ko ay papasok na sa Brgy. Pag-asa. 

"Manong driver, diretso lang po tapos kanan po sa may kanto."

Sinunod naman agad ni manong ang mga sinabi ko. Mga ilang saglit lang ay tanaw ko na ang eskuwelahan na aking pinapasukan. 

Nang huminto ang taxi ay agad na umibis ako roon. Tamang-tama ang dating ko dahil pagbaba ko mula sa taxi ay nahagip na ng mga mata ko si Karol na naglalakad papasok.

Malalaki ang aking hakbang patungo sa kanya. "Karol," tawag ko sa kanya.

Gulat na gulat siya na napatingin sa akin. "Who are you?"

Hindi na ako nagdalawang isip sa tanong niya at sinagot ko ito agad. "I am Sakura."

"Ah? Are you crazy?" tila na naiiyak na tanong niya.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. "Of course not. Ako nga ito Karol, si Sakura."

Nagulat na lamang ako na makita kong umiiyak siya. What the---- Bakit siya umiiyak?

"Puwede ba huwag na huwag mo gamitin ang pangalan ng kaibigan ko sa kabaliwan mo! Irespeto mo naman siya!" sabay tulak niya sa akin na dahilan para maupo ako sa kalsada.

Ah? Ano ang ibig niyang sabihin?

"Ano ba ang pinagsasabi mo?" inis na tanong ko.

Inis na tinignan niya ako na nakapagpataas ng kilay ko. 

"Ang ibig kong sabihin ay irespeto mo ang pangalan ng kaibigan ko na namatay," at humagulgol siya ng malakas. 

Sa sinabi niyang iyon ay natulala na lamang ako. 

I am dead?

Shit!

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon