Wizard's Tale 1: Chapter 44

Start from the beginning
                                    


-CUT SCENE-


Tahimik na lang kami ni Master Lorcan na umuwi pabalik. Mahirap tanggapin na ang nag-iisang pag-asa na muli naming buhayin si Yana, imposible nang mangyari.

Oras na lang ang binibilang at sisikat na ang araw. Ilang oras na lang at nalalapit na ang katapusan.

Hindi kami sa mansyon bumalik dahil inutusan na kanina ni Master Lorcan sina Vander at mga kasamang Nature Spirits na ilipat ang katawan ni Yana sa isang mas nararapat na himlayan. Sa gitna ng kagubatan ang pinagdalhan nila sa kanya.

Pagdating namin doon, napalilibutan na ng mga puting bulaklak ang higaan ni Yana. Iba't ibang nilalang rin ang kasama naming nagluluksa sa kamatayan ng prinsesa.

Sinalubong kami nina Elysse at Dustin at umaasa sila ng magandang balita mula saamin. Pero hindi yun ang naibigan namin.

"Baka naman may iba pang paraan Brylle! Let's not give up, please!" Pagwawala ni Elysse.


-CUT SCENE-


Sa mabilis na pagpatak ng oras, unti-unti rin kaming nawawalan ng pag-asa. Lalong bumibigat sa pakiramdam at hindi ko matanggap na hanggang dito na lang. Kapag sumikat ang araw at hindi pa rin nagising si Yana, ibabalik namin siya sa Otherworld na wala nang buhay.

Pasikat na nga ang araw ngunit mukhang nakikiramay din ang langit dahil parang nagbabadya pa ang pagbuhos din ng ulan. Lumapit na ako kay Yana na kanina pa din binabantayan ni Vander. "Vander, maari bang iwan mo muna kami?"

Namumugto na ang mga mata ng Elemental Guardian ko. Napalapit na siya ng sobra kay Yana. "Masusunod po, Master Brylle."

Nang ako na lang mag-isa ang nasa tabi ngayon ni Yana, humawak ako sa malamig niyang mukha at tumulo na naman ang mga luha ko.

"Yana—Yana si Brylle 'to." Sunod kong hinawakan ang mga kamay niya at lumapit pa ako sa kanya para bulungan siya. "Patawarin mo ako—patawarin mo ako dahil hindi kita nailigtas."


-CUT SCENE-


Ngunit sa pag-aabang namin, iba ang dumating.

Nahawi ang lahat sa pagsulpot ng mga hindi inaasahang bisita.

Pero hindi kami nagpadaig sa kanilang biglaang pagdating at sa halip ay nagmadali kaming tumayo para humarang sa katawan ng Mahal na Prinsesa.

"Clerion! Anong ginagawa mo dito?" Anong gulo na naman kaya ang dala ng Snow Vetter na 'to?

He looked at us with expressionless eyes and didn't say anything. Yumuko na lang ito, biglang tumabi sa gilid upang bigyang daan ang isa pa niyang kasama.

Marahil siya na ang lalaking kanyang pinagsisilbihan. Ang Lux Prince.

"My name is Prince Rouel."


-CUT SCENE-


"Wala na saamin ang Lux Amulet!"

Ramdam sa buong paligid ang matinding tensyon nang hindi pakinggan ni Clerion ang sinabi ko at tangkain pa ring lumapit kay Yana.

"Hindi ko hahayaang lumapit ka sa kanya! Lumayo ka!" At itinutok ko na sa kanya ang wand ko.

"Tumabi ka dyan, Wizard." Ang walang takot naman na isinagot ni Clerion.

Handa akong pumatay ngayon, wag lang nilang magalaw si Yana. Pumorma na rin si Master Lorcan at naghanda sa kahit na anong gulo na nagbabadya. "Prince Rouel, hindi ako magda-dalawang isip na saktan kayo kapag ginalaw niyo ang Prinsesa! Wala na saamin ang Lux Amulet!"

At hindi lang kami ni Master Lorcan ang handang lumaban ngayon. Kasama si Vander at ibang Otherworlders, ganun din ang mga ordinaryong mortal na sina Elysse at Dustin ay walang takot na humarang kay Clerion.


-CUT SCENE-


Clerion remained still. Tumingin uli siya kay Prince Rouel at nagbigay uli ito ng panibagong senyas.

When the Snow Vetter looked back at us again, may dinukot siya sa kanyang bulsa kaya nag-isip na ako agad ng pinakamalakas na spell na pwede kong itira sa kanya. I swear in the name of my love, I will kill this Dark Sorcerer!

But beyond expectation, inilabas ni Clerion ang isang bagay na kailangan namin.

Sa kamay niya ay ang...

Lux Amulet.

"Hindi ang Lux Amulet ang tinutukoy naming sacred treasure kundi ang Lux Princess mismo." Ang sabi ni Prince Rouel.


-CUT SCENE-


Nagsitabi ang lahat at binigyan ako ng daan para makalapit agad kay Yana. Isinukbit ko agad sa leeg niya ang kwintas at binulungan ko siya uli. "Don't die. Yana. Come back to us."

We waited for the amulet to do its work.

"Yana, please..."

I know—wish she can hear me.

"Yana..."

I cupped her face with my hands. We're waiting for a miracle to happen. And for maybe the last time, "Yana, come back to me please."

I kissed her on her lips. Iniisip ko na baka katulad nang sa mga fairytale, the princess shall wake up because of true love's kiss.

But the sun is already out. And Princess Yana is still dead.







Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Where stories live. Discover now