Pero kase ayokong magpadalus dalos talaga, alam ko sa puso ko na mahal ko talaga yung damulag na yun kaya lang andame ko/ kameng dapat i-consider. Maski ako din, hindi ko alam kung kelan ako magiging ready eh pero mahal ko sya, wala yung duda, mahal ko si beatriz.


"Jho?" tas ilang beses na nag snap ng fingers nya sa harapan ng mukha ko.


Para naman akong natauhan na, napapitlag pa nga ako ng bahagya eh na ikinatawa naman netong katabe ko. Napangiti na lang ako dahil medyo napahiya ang jhosa nyo, umayos ako ng upo at pilit na ibinabalik ang focus sa pinanonood namen. Natapos at lumabas na kame ng cinema ng di ko na enjoy yung movie, nalipad talaga ang utak  ng Jhosa nyo, tsk!


"Ganda no." si marci nung nakalabas na kame.


"Ha? Ah....O-oo....Hehehe...." ako. Naglalakad na kame palayo doon ng masalita itong katabe ko.


"Naintindihan mo ba yung napanood naten?" si marci tas nilingon ako kaya napatingin din ako sa kanya.


"Nakakaintindi po ako ng english no." ako at inirapan ang isang ito.


Natawa naman si marci. "Wala naman akong sinabeng hindi ka nakakaintindi ng english. Ang ibig kong sabihin ay kung na gets mo ba yung story."


Di ako kumibo at nagpatuloy lang sa paglalakad. Totoo naman eh, halos kasisimula pa lang ng pinanonood namen ay wala na dun yung focus ko kaya wala akong masagot sa kanya.


"Okay ka lang ba? Para kang lutang? Ano, kain muna tayo bago kita ihatid sa dorm nyo?"


"Wag na marci." tanggi ko na sa kanya. "Kanina pa tayo, kain ng kain eh." natatawa kong sabe.


Talaga naman eh, kaninang mga 4pm pagkadating namen ay kumain na muna kame bago nag arcade then kain ulit kame bago 
manood ng sine. Tas habang nanonood ay panay ang bili ng foods neto kaya ayun kame yung may pinaka marameng pinakainan sa pwesto namen.


"Mag e-eight pa lang naman eh, dinner na muna tayo." pamimilit ni marci.


"Wag na nga, nukaba?" ako tas pinalo ko sya sa braso. "Busog pa ko."


Nagagawa ko ng lumabas muli kasama si marci simula nung nagkaroon kame ng "space" ni beatriz, hindi naman sa pinipigilan nya akong makipagbonding/date dito sa isa ko pang manliligaw kaya lang umiiwas lang ako na mapagtalunan namen si marci,DATI. Remember, binigyan ko ng karapatan si bea na magselos. So ibig sabihin non ay lumevel up yung "relationship" namen DATI, naging parang mag MU kame nung damulag na yun and the rest is history na....


Pero kahit na may "pa-space" pa kame ngayon ni bea ay nagpapaalamanan pa rin kame non, kung san ang punta namen and kung sino yung kasama namen. Walang lihiman pagdating dun, lalo na si bea, may paselfie pa yan kung asan sya ng time na yun and sa mga kasama nya.


( talagang may ebidensya ang lola mo! hahahaha....😂😂😂 )


Oo nga eh. May paganon na nga si beatriz ngayon, natuto na sa kamalian nya dati eh. 😊 Di ko rin inililihim sa kanya yung mga lakad namen ni marci, pero halata mo sa kanya na nagseselos talaga sya kaya mas pinipili kong wag na lang magkwento sa kanya kase baka lalo ko lang syang masaktan pa. Wawa naman ang behbeh damulag ko.😟


"Kape na lang." ayaw talagang manahimik ng isang ito hanggat di ako napapapayag. "Tara starbucks tayo, jho."


Napabuntong hininga ako, tutal naman parang nag cecrave ako ng kape ngayon....."Sige na nga." payag ko sa kanya.

























Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now