K•I•N•A•B•U•K•A•S•A•N
Karl's POV
Maaga akong gumising para pumasok.Nag-ayos na ko saka lumabas ng dorm.
Nang makasalubong ko si ms.sulpet.Nakita niya din ako kaya lumapit siya sakin.
"Good Morning,sabay na tayo"nakangiting bati niya sakin aaka sumabay nga sa akin papasok.Pero nagkunwari akong hindi siya pinansin at inunahan siya sa paglalakad.
"HOY!MAGHINTAY KA NAMAN!NAGMAMADALI?!"reklamong sigaw pa nito kaya huminto ako at hinintay siya.Nang maabutan niya na ko sabay na ulit kaming naglakad papasok.
"Alam mo mabait ka naman pala eh"nakangiting puri nito sakin pero hindi ko siya pinansin kaya tinarayan niya ko.HAHAHA CUTE.
Nang makarating na kami sa room umupo na ko sa upuan ko ganon din naman siya ng biglang may pumasok na isang lalake.Ah si Deib!
Tumabi siya kay Max saka kinulit ito.
Grabe hindi ko akalaing makakasama ko yung mga taong cast lang naman sa mga story.
Nasa ganon kaming sitwasyon ng biglang dumating si Sir.
"Good Morning Students"bati nito samin kaya binati rin namin siya.
"Good Morning Sir"sabi naming lahat sa kanya.
LECTURE
DISCUSS
DISCUSS
"Bukas may test tayo kaya study your notes"sabi nito samin saka lumabas.
Ano daw?may test?wala nga kong naintindihan?!
"Tara na"yaya sakin ni ms.sulpet kaya sumonod na ko sa kanya.
May kailangan pa daw gawin yung mga dapat kasabay namin kaya kaming dalawa lang tuloy nagsabay.
Tahimik kaming kumakain ng bigla siyang magsalita.
"Alam mo,nag-eenjoy ako dito kaya lang mas gusto ko parin sa mundo natin kasi nandoon yung talagang pamilya ko eh.Miss ko na sila"sabi nito saka patuloy sa pagkain,nakita ko namang nalulungkot siya.
"Huwag kang mag-alala,makakabalik din tayo"sabi ko dito saka kumain nakita ko namang ngumiti siya sakin saka tumango-tango.
"Tama ka"sagot pa nito sakin saka kumain.Dahil sa sobrang seryoso niya ngayon nanibago ako,siguro sobrang miss niya na yung pamilya niya..naalala ko tuloy si lolo.Kamusta na kaya siya?.
Nang mapansin ko ang pananahimik niya naisip kong asarin siya kasi nakakapanibago talaga eh.
Dali-dali kong tinapos yung pagkain ko saka siya hinila palabas ng canteen.Kabastusan man kasi kumakain pa siya,hindi ko na inintindi yon..
Hinatak ko siya hanggang sa makarating kami sa garden.
"Alam mo napaka bastos mo rin pala,kumakain pa ko doon eh"reklamo nito kaya nangiti nalang ako kasi ganyan talaga siya...mas gusto ko ng mataray siya kase naman madrama.
"Ang tagal mo kasing kumain.Nabobored na ko kakahintay sayo,hindi ko na napigilan kaya hinatak na kita"natatawang sambit ko pa sa kanya saka umupo sa damuhan umupo rin naman siya sa tabi ko saka nilaro yung damo..isip-bata talaga.
"Aano ba tayo dito?"tanong niya sakin kaya nilingon ko siya nakita ko namang busy parin siya sa paglalaro ng damo.
"Wala,magkukwentuhan"sabi ko sa kanya kaya nilingon niya ko.Nag-iwas naman ako ng tingin.
"Ahm...mr.bangit bakit hindi ko alam na pinsan ka ni ate Cess?"tanong niya sakin taka naman akong nilingon ito.
"Sinong ate Cess?"takang tanong ko sa kanya..
"Ah,si ate Marjory"sagot niya.
"Bakit ate Cess?"takang tanong ko dito.
"Kasi sabi ni kuya princess niya daw si ate Cess kaya ayun daw itawag ko kay ate"sagot niya saka nakangiti...ngumiti naman ako dito saka tumango.
"Bakit,lahat ba ng pinsan niya kilala mo?"pang-aasar ko sa kanya.
"Hindi,pero yung close na pinsan niya...kilala ko.Eh mukang close kayo pero nagtaka ako kasi hindi kita kilala"sabi niya sakin kaya sinagot ko na siya."sa States ako nakatira,umuwi lang ako dito...unang-una para makalayo sa daddy ko,pangalawa para may kasama yung lolo ko"seryosong sgaot ko dito.
"Lumayo sa daddy mo?bakit?"takang tanong niya sakin.
"Kasi galit ako sa kanya,kung hindi kasi dahil sa kanya sana buhay pa yung mommy ko"sagot ko naman sa kanya.
"Bakit?ano bang nangyari?"curious na tanong naman niya.
"Nahuli kasi siya ni Mommy na nangbababae"seryosong dagdag niya pa dito.
"Ah tapos?"seryosong tanong niya din na parang curious na curious talaga.Kaya natawa ako.
"Wag mo kong tawanan,magkwento ka nalang"seryosong dagdag niya naman kaya nagpatuloy ako sa pagkwento.
"Nang makita ni Mommy si Daddy saka yung babae niya kaagad daw siyang tumakbo,hinabol naman daw siya ni daddy non...malapit na daw sana siya kay mommy ng biglang..."pinutol ko yung kwento kaya taka siyang tumingin sakin.
"Biglang..ano?!"kuno't-noong tanong niya sakin.
"Bigla siya...nabundol ng kotse"dagdag ko saka yumuko saka dali-daling pinunasan yung namumuong luha sa mata ko.
Naramdaman ko namang hinaplos niya ko sa likod kaya nag-angat ako ng tingin saka ngumiti.
"Pasensya na"sabi ko sa kanya.Tumingin siya sakin ng may pag-alala.
"No...ako dapat humingi ng pasensya sayo kasi tinanong pa kita tungkol don.I'm Sorry"dagdag niya sakin kaya ngumiti ako saka umiling sakanya.
"Wag kang magsorry,ako nagsabi na magkukwentuhan tayo eh.Ayos lang yon.Tara na"yaya ko sa kanya saka naunang tumayo saka inilahad ang kamay ko sa kanya.
"Aano tayo?"takang tanong niya sakin saka inabot ang kamay ko.
"Ede papasok,nagdrama lang ako nawala na sa isip mo na may pasok pa tayo.Nag-cutting na nga tayo niyan eh,anong oras na"biro ko sa kanya kaya tumawa siya saka kami sabay na pumasok sa room.
YOU ARE READING
UNEXPECTED (Under Editing)
FantasyTwo people who loves reading a book. Forgetting the more important things that they needed to do because of having an attraction to a novels. Don't know how to manage their time and how to prioritize things. How about someone give them a chance to t...
