"Thank you, Nicole. Bye." matapos no'n ay agad pinutol ng dalaga ang linya ng telepono.

Mabilis niyang nilisan ang kanyang silid para harapin si Josh. Dali-dali siyang bumaba ng hagdanan at agad naman niyang nasilayan ang binata na ngayon ay halatang may malalim na iniisip.

Dagli niya itong nilapitan sabay sabing, "Oh anong atin?" pa-cool na bungad niya rito.

Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Josh at kitang-kita ni Nicole ang paghihirap sa itsura nito ngayon. Dala nang matinding pag-aalala'y agad niyang tinabihan ito sa sofa, "Anong nangyari?"

Napatingin naman si Josh sa bukana ng kusina, dahil nakatayo roon si Mama Janet na abala sa kanyang pagluluto ng hapunan.

Nakuha naman agad ni Nicole ang dating ng titig ni Josh. Alam niyang nahihiya ito sa kanyang Ina, kaya't mabilis niyang hinila ang kanang kamay ng binata para dalhin sa garden.

"Spill..." saad ni Nicole nang marating nila ang bench doon na yari sa kahoy. Mabilis na naupo ang dalaga bago pinag-ekis ang kanyang mga hita, na parang naghihintay ng sasabihin ni Josh.

Sandali siyang nilingon ni Josh bago humugot ng malalim na hininga, "Icarus is back." problemadong saad nito bago napasuklay ng kanyang buhok, dahil sa frustration.

Nabigla naman si Nicole sa sinabi ng binata. Naalala niya tuloy ang pinag-usapan nila ni Icarus kanina, kaya't walang sabi-sabing sumagot siya nang, "T-talaga? K-kailan pa?" pakunwaring wika ni Nicole bago nag-iwas ng tingin sa kanhang kaibigan.

Binalingan naman siya ng tingin ni Josh bago tumingala't napapikit ng mariin. Mabilis itong tumabi sa inuupuan ni Nicole, "Raine saw him, kanina noong nasa mall kami." balisang turan nito bago pinagsaklob ang kanyang mga kamay.

Dahan-dahang tiningnan ni Nicole ang binata sabay sabing, "Talaga? Nag-mall kayo?" mapaklang saad ng dalaga rito.


Kunot noong napabaling naman si Josh, nang marinig ang timbre ng pagtatanong na iyon ng dalaga, "Y-yes... Is there something wrong with that?"

"Wala naman, bakit mo naman natanong?" at sa puntong iyon ay si Nicole naman ang napakunot noo sa dating ng pananalita ng binata.

"Nothing... You sounded like a jealous girlfriend, when you said those things." ani Josh bago nagkibit balikat.

"Kapal ahh... Hindi ko pinangarap na maging girlfriend mo noh!" sarkastikong saad ni Nicole bago napairap sa kawalan.

"Hahaha!" halakhak ng binata. "Are you sure about that?" saad ni Josh habang taas baba ang mga kilay na animo'y nang-aasar.

Pinamulahan naman si Nicole dahil doon, "Hala siya! Feel na feel mo naman na gusto kita noon... Uso ang mag-move on Kuya. Tsss..." natatawang sambit ni Nicole rito, ngunit sa loob-loob niya ay gusto na niyang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan.

Mabilis naman siyang hinawakan ni Josh sa magkabilang balikat habang diretso ang tingin sa kanyang mga mata, "Naka-move on ka na nga ba talaga sa akin, Nicnic?" seryosong saad nito, na hindi man lang napuputol ang kanilang mga paningin.

"W-wuy... A-ano bang s-sinasabi mo d'yan?" nauutal na sambit ng dalaga rito.

"Hindi mo na ba talaga ako gusto?" seryosong saad ni Josh, kaya't mas lalong nalilito si Nicole sa mga nangyayari.

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now