Chapter 4: Carl

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumingin siya saken.

"I dont know. Ayokong masaktan. Ayokong marinig ang totoo baka masaktan lang ako lalo."

Yung ang totoong dahilan kung ba't ayaw niyang pakinggan yung paliwanag ni Ambrose? Na baka masaktan siya lalo? Na baka sabihin ni Ambrose na totoo lahat ang nakita niya? Na may iba nga siya? At ito siya ngayon nag sisisi ganun ba? Gaga pala talaga tong si Jess.

Pero kung ako ang tatanungin, kung magagawa ba ni Ambrose yun sa kanya? Sa tingin ko hindi. Kaya lang nung sinabi ni Jess na nakita niya mismo, parang nakita ko ang sarili ko sa kanya. Nagalit ako kay Ambrose. Pero bilib ako sa effort niya dati. Ang haba ng buhok ni Jess ha. Kulang na lang mag abang siya sa labas ng classroom namin para antayin si Jess.

Nakakapasok siya kasi may sticker ng school yung kotse niya. At my entrance sa gilid ng parking na walang guard kaya kahit wala siyang ID pwede siyang mag ikot sa loob ng school. Kaso malas niya. Inayos ni Jess lahat ng schedule niya. Pinabago niya lahat dahil alam niya na baka antayin siya nito sa loob ng classroom. Tama nga siya. Pero wala nga siyang Jessica na nakita.

 Ilang buwan ding ganun ang drama nila. Hanggang sa sumuko na rin si Ambrose. Pansamantala, kasi heto na naman siya at this time ayaw na niyang tigilang talaga si Jess. Sana magkaayos na sila. Hindi naman sa ayaw ko kay Tyler para kay Jess. Wala lang, parang mas gusto ko si Ambrose para sa kanya.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jess' POV

~~~~~~~~

Nilabas ko ang mga module na kailngan ko sa muling pagdalaw ko kay Alexa. Kahit hindi na niya ito kailngan, at least may magawa ako at hindi ako mabore pag dumalaw ulit ako sa kanya.

Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Naisip ko dati Ambrose was my destiny. Nasa timing ang lahat. Mula sa una naming pagkikita. At sa pagtanggap ko ng alok ni Prof Reyes na tulungan ko siya sa pamangkin niya, kay Alexa.

Alexa suffered from depression nung malaman niya na their parents filed for divorce. Na hindi na babalik ang papa niya. Hindi siya lumalabas sa room at matindi ang mood swings nito. Prof Reyes offered a bargain to me based sa previous research na ginawa namin ni Haley nung second year pa lang kami. Siya ang professor namin noon at natandaan niya ang research namin tungkol sa depression ng mga bata ages 9-14.

Nagsisimula pa lang naman ang depression ni Alexa, nothing serious. Gusto lang ni Prof Reyes na magkaroon ng bagong mukha sa bahay nila na makakusap nito. At makakaunawa sa situasyon niya. And nagpanggap din ako na tutor niya kunwari. At the same time gumagawa ako ng observation at nirereport ko kay Prof Reyes. Worried kasi siya dito. She even considered seeking professional help pero nagalit daw si Ambrose. Hindi daw baliw ang kapatid niya.

Naiintindihan ko si Prof Reyes kung ba't niya naiisip yun. Masyado siyang nag aalala kay Alexa. Lalo na responsibilidad niya ito at wala talaga siyang time. Naiintindihan ko rin si Ambrose. Masakit para sa kanya ang sitwasyon ng kapatid niya. Mahirap ipaliwanag na hindi lang para sa mga baliw ang pagkuha ng professional na advise.

Mailap si Ambrose noong una. Kung paano kami nagkalapit...napapikit ako.

Flashback

Asan kaya si Prof Reyes? Kailangan ko na kasing umuwi. Walang maiiwan kay Alexa. Tulog na ito. Pero ang inaala ko pag nagising. Nag ikot ako sa buong bahay. Kanina lang kasi nakita ko siya sa sala. Sabi niya tawagin ko siya pag aalis na ako.

Napansin ko bukas ang ilaw sa likod ng bahay. Pinuntahan ko ito. Baka sakaling andun siya. Pero walang tao. May pool pala sa gilid ng bahay nila. Pinuntahan ko rin ito kasi bukas din ang ilaw. Walang Prof Reyes. Pero nakita ko si Ambrose. Nakaupo siya sa gilid ng pool. Nakababa yung dalawang paa niya sa tubig.

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon