"Patingin nga, asan ang masakit?" pinakita nya naman sakin yung medyo namumulang part ng braso niya, tsk! Sinabihan ko na kasi eh

"Sabi ko kasi umupo ka na dito" sermon ko habang nilalagyan ng toothpaste yung mga talsik ng mantika

"Eh gusto ko sa tabi mo ehh.." pag-papacute niyang sabi

"Edi ayan nasaktan ka tuloy, pupunta naman ako agad sa tabi mo eh."

"Eh kasi, bukas may trabaho ka na agad, mamimiss kita agad." kaya naman pala

"Sorry, Zoey. Pero promise ko naman babawi ako kada paguwi ko at weekends diba?"

"Eh pagod ka na pag-uwi mo. Hayaan mo na, mabilis lang naman lagi yung araw eh, mabilis din mag weekend hehe.." umupo naman siya ng maayos para kumuha na ng kanin at ulam

Tinignan ko naman siya habang tuwang tuwa na kumukuha ng sinangag atska hotdogs... bigla naman akong nalungkot..

Sorry Zoey. Hindi ko naman gustong mawalan ng oras sayo, na hindi ka mapagsilbihan, hindi maging asawa sayo most of the time. Hindi rin naman sa wala pero nababawasan yung oras ko na dapat para sayo lang. Pero wag ka mag-alala kasi hinding hindi na mauulit yung nangyari dati.

"Hmm?? Kumain ka nah" medyo namumuhulan pa yung bibig niya habang nagsasalita

"I love you, Zoey." medyo nagulat ata siya kasi nag-iloveyou ako hahaha

"Huh? Hmm i love you too, Ken!" and then she smiled sweetly, ang ganda talaga ng asawa ko.

Zoey's POV

Kakatapos ko lang maghugas ng pinagkainan namin, hindi kasi kami nagtake ng may buffet dito kasi gusto ni Ken, ewan ko ba dito eh mas masaya nga yung maraming pagkaing pagpipilian eh! Libre pa atska madami atska unlimited! Hehe medyo patay guts

"Zoey pagkatapos mo dyan ayusin mo na 'tong maleta mo." 2:30 pm na kasi at ang check-out time namin ay 4:00 pm

"Okay eto tapos na ko!!" sabi ko naman atska nagpunta sa kwarto

"Ligpitin mo naman yang maleta mo, ang kalat kalat ng loob oh.." hindi kasi organized atska maraming hindi nakatuping damit at nakakalat na mga gamit sa loob ng maleta ko

"Hmpp oo eto na!" nilabas ko naman lahat ng gamit sa maleta ko atska nilagay yon sa lapag

Tinulungan naman ako ni Ken magayos, tinupi niya yung ibang mga damit na nagamit ko na atska yon nilagay sa isang paper bag....

"Zoey?!" nagulat naman ako ng medyo sumigaw siya

"Ano bat ka nasiga—" yung paper bag na hawak niya!

"Akin na nga yan kase!" inagaw ko naman sakanya yung itim na paper bag, eto yung regalo sakin ki Amber eh!

"Bakit ka may ganyan ha? Kanino yan galing?!"

"K-kay Amber." nahihiya kong bulong

"Bakit dala-dala mo? Ikaw ah, may balak ka yatang akitin ako eh.."

"Tse! H-hindi no! Binigay nya to nung bago ako umalis sa hotel kahapon! Asa ka naman bakit ako bibili ng ganito?" naramdaman kong umiinit na yung pisngi ko sa sobrang pula

"Bat ka namumula? Yiee gusto mo bang makita kitang suot yan, Zoey?" pang-aasar naman ni Ken sakin

"Ayaw ko, di ko naman susuotin to eh, neveeeer.." binalik ko na yung paper bag sa loob ng maleta atska nagsiksik pa ng mga gamit doon

"Kahit hindi mo naman yan isuot, Sexy ka pa rin sakin.." Medyo husky naman yung boses ni Ken

"H-hoy anong ginagawa mo sa tabi ko ah? D-dun ka sa kama!" nakaupo kasi ako dito sa may carpet tapos siya nandon kanina sa gilid ng kama nakaupo, medyo malapit lang naman yon pero ngayon andito na siya sa harap ko nakaupo rin

"Zoey, seryoso ako." tumingin naman ako sa mukha niya.... and confirmed, seryoso nga siya dahil naka serious face siya sakin, anaknampot

"Oo naa sige na seryoso ka na, tara na magayos na tayo.." sagot ko naman atska tumayo, pero hinawakan niya yung kamay ko, putakte wag ganyan, Ken, marupok ako!

Umupo naman ako ulit sa harap niya atska siya hinalikan, medyo nagulat pa siya kasi biglang lumaki yung mata niya ng kaunti.. baka dahil ako yung naunang humalik hahaha

"K-ken, di ba tayo malalate ng l-labas?"

"Kaya kong magbayad ng extra para sayo." sagot niya atska ako hinalikan ulit atska binuhat papunta sa kama, and once again, we made love.

—————
Aaaaaaaaaa spg beri beri light jsqqq!!!
Vote and Comment!!
❤️❤️❤️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Love So Beautiful (Season 2)Where stories live. Discover now