S02, EP15

450 14 2
                                    

6:29 am, nakasakay ako sa tricycle and nagssulat... its my first day of school and late nako guys HAHAHHA

Btw, last 06-06-18 ko pa sinulat yan and 06-09-18 na today haha

Zoey's POV

Pagkatapos ng kasal, nagkaron pa nang kaunting after-wedding pictorial around the area.. Sobrang ganda dito sa Calaruega and hindi lang 'to basta simbahan, it's also a picnic place for familes and it even has a space for retreats.

UST usually holds their retreats for the college students dito as well as other famous schools in the Philippines

After naman ng pictorial ay derecho na kami dito sa reception which is located at Tagaytay. It's a garden themed reception and napakaganda dito plus the night view of city lights around taal volcano

"Congratulations, Zoey at Ken." bati samin ng mga bisita, hindi naman ganon kadami yung mga inimbita namin, wala pang 50 persons

Walang katapusang 'congratulations' at 'thank you' naman ang naganap bago magsimula ang mismong event

Nagsabi na ko kay Ken na mauuna na kong umupo sa table namin dahil ang sakit na talaga nang paa ko. Naka-5-inches heels ba naman ako ngayon, sinong di mangangawit at magkakasugat ang paa diba?

"Zoey, Ken, Happy Wedding sainyo." nagulat ako biglang may kumalabit sakin

"M-Mae?" Nagsend kami sakanya ng wedding invitation kahit sabi niyang ayaw niya dati, nakakahiya naman kasi

At sa pagkakaalam ko, nasa America siya dahil doon siya nagtatrabaho

"Hi Zoey, hehe" nahihiyang bati niya ulit

"Buti nalang nakarating ka ngayon! Kelan ka pa umuwi galing America? Ay, upo ka muna." Umupo naman siya sa tabi ko

"Uh sige, hehe.. Nakauwi na ko last week pa, sorry hindi ako nakaabot sa simbahan kasi may tinapos pa kong trabaho sa office kanina." pagkukwento niya

"Dito ka na mag ta-trabaho ulit sa Pilipinas?"

"Ah oo, nagtayo na ako ng saril kong firm sa may Laguna."

"Wow, bigtime ka na ah! Hahaha by the way, hmmm wala ka bang love life as of now?" sabi ko sabay ngiti ng nakakaasar hehe

"Hahaha ahhm—" naputol naman yung sasabihin ni Mae ng biglang may tumawag sakanya

"Mae! Andito ka lang pala eh!" Huh? Si Liam? Kelan pa sila naging close?

"Uy Liam, sorry ah. Dumerecho kasi agad ako dito kay Zoey para bumati. Di kita napansin kanina doon sa entrance eh." tumayo naman siya para kausapin si Liam

"T-teka nga, kelan pa kayo naging close?" naguguluhang tanong ko

"Matagal tagal na rin, hehe siya yung sinasabi ko sainyong nililigawan ko." proud na sagot ni Liam

"Hindi mo ba sinabi sa kanila?" medyo nagtatampong tanong ni Mae, halata mo sa boses eh hahahaha

"Surprise ko kasi sa barkada na ngayon kita ipapakilala" sagot naman ni Liam

Saktong 9:30 pm natapos ang reception namin, sobrang saya nga eh! Idagdag mo pa yung bagong member ng barkada, sana sila na yung magkatuluyan.

Alam naman naming mabait si Mae dati pa noong high school kami, kaso nga lang naging magkaribal kami sa puso ni Ken diba u know naman??
Kaya ayun, enemies tuloy kami before!

A Love So Beautiful (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon