S02, EP05

558 20 1
                                    

Thank u for waiting!!
Happy 200+ reads!!!!

Ken's POV

"Zoey!" ang layo ko na sakanya eh, akala ko maglalaro kami ng habulan pero andon lang siya naglalaro sa buhanginan

Tumakbo na ko papalapit sakanya nang biglang nandilim yung paningin ko..... puñeta?! Sino 'tong kumakausap sa asawa ko?!

"Hi Miss, magisa ka lang?" aba't anaknampot

"Asawa ko? Halika na magswimming na tayo don." sabi ko naman sabay buhat sakanya, huh! Kala mo ha! Akin lang si Zoey q hehe clingy ko na ba masyado??

"A-ahh Ken, kaya ko naman maglakad eh."

"Bakit? Ayaw mo bang buhatin kita? Mas gusto mo magpabuhat don sa lalaking yon?" selos si aq hmp hmp

"Huh? Hindi naman sa ganon, eh kasi andaming nakatingin satin eh." pagkakita ko naman sa paligid namin, oo nga, andami ngang
nakatingin

"Ken, baba mo na ko, baka pagod ka na din eh diba mabigat ako??? Diba?? Dibaaa??"

"Whats mabigat? Ikaw kaya yung lakas ko, pano ako mapapagod?"

1 point for Ken Jiang! Hahahaha

————

Zoey's POV

"Anong gusto mong kainin?" andito na kami ni Ken ngayon sa restaurant ng resort

"Order nalang tayo netong hmmmm soup!! Gusto ko netong bulalo andddd sisig hihi!!" tili ko naman, ako nagtanong pero ako din agad sumagot

"Yun lang?" tanong naman ni Ken habang nagbbrowse pa ng menu

"Hmmm Ken, pwede ba ko mag mango shake?" pagpapacute ko naman, meron kasi akong ubo at sipon, si Doctor Kwak-kwak, este, Dr. Jiang baka hindi pumayag, alam u naman, health first

"Kiss muna." luh tangnanetoah HAHAHAHA

"Kiss mo mukha mo."

"Bat ka namumula ha? Kilig ka nanaman.. Sige na, oorder na kita ng mango shake" Yehusz naman, di naman pala matitiis ka-cutan ko eh

"Uh, waiter." sumenyas naman si Ken sa waiter at lumapit yon agad

"Isang order ng Special Bulalo, regular lang yung size, tapos Sizzling Pork Sisig, Pork barbecue plater at dalawang mango shake."

"Okay po, Sir. Please wait for 10-15 minutes."

"Gusto mo rin ba sa beach ikasal, Zoey?" seryosong tanong ni Ken

"Hmmm hindi eh, maganda sana kung sa simbahan talaga. Bakit? Ikaw san mo ba gusto?"

"Akala ko katulad ng kasal nina Amber at Ryan yung gusto mo, yung sa garden din." ang seryoso naman ng usapan namin na to hahaha

"Hindi, bata palang ako, sa simbahan na yung gusto kong lugar kung san ako ikakasal. Diba diba catholic school kaya tayo nag junior high school!"
(kunyare dito sa ph nangyari lahat, shoutout sa mga graduate and currently studying sa Catholic School!! Hehee!!)

"Ah, oo! Naalala ko yon, yung naguusap kayo nina Isabelle at Mara kung san niyo gusto ikasal."

"Bat alam mo? Ikaw ha, crush mo pala ko since jhs, akala ko naman nung senior high mo ako nagustuhan. May lihim ka palang pagnanasa sakin, sana sinabi mo agad hahahahajoke lang" pagnanasa ampotek hahahah

"Anong pagnanasa? Baka ikaw! Atska sa lakas kaya ng bunganga mo no! Lahat rinig na rinig yang matinis mong boses." aba bat mo ko inaaway??? payt me

"Bat ka nangaaway ha? Edi maghanap ka ng di maingay!"

"Maghanap ako ng di maingay? Eh gusto ko nga yung tulad mo, yung maingay." 2 points na u sa ka-cheeszyhan ha, @//KenJiang hmf hmf!!

Sakto pagkatapos namin mag payting-session, dumating na yung order namin, hmmmmmmmmm ambango mamshie tu be honest!!!

"Ang sarap huhu itsura palang ang appetizing na agaddd!!" masaya kong pagsshare ng thoughts

"Pano mo masasabing appetizing kung hindi mo pa natitikman? Walang panlasa yung mata atska ilong, Zoey." aba't binara nanaman ako neto ni Ken ah

"Whatever with a capital W!" sabi ko sabay irap hehe

Part 6 will be uploaded soon, maybe tomorrow na!!! Pero hindi naman aabot ng weekends! Thankyouu for patiently waiting and for your continuous support guys !!

Vote and comment!!
Comment kayo pls, kahit hate! I would accept just to have better plots and twists

A Love So Beautiful (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon