"Hindi pa. Walang ganon."

Sumandal siya ulit sa may upuan. "Eh ano pala? Paano naging malapit?"

"Na-fee-feel ko lang."

"Yaaaaan. Ganyan tayo eh. Mag-a-assume, aasa, masasaktan, tapos sisisihin mo si kuyang walang kamalay-malay."

"Aba, te, after all those sweet words, paanong di ako aasa? Okay lang naman sa akin na ako lang ma-fall eh. Ang problema, pinaparating niya na ganon din siya."

"Pinaparating niya, o iniisip mo?"

"Promise, baks. Kung ikaw 'yong nasa pwesto ko, ganon rin masasabi mo."

"Exempted ako. Halaman ako eh."

Nagbuntonghininga na naman ako. "Kung hindi kasi sumulpot 'yong Cat na 'yon, mas makulay pa sa sinabawang gulay ang buhay ko."

"Parang orange at green lang naman ang sinabawang gulay."

"Ugh! Nakakainis talaga!"

"So linawin natin, ano," sabi niya habang binababa 'yong kutsara at tinidor. "Bakit mo ko nililibre ngayon?"

Ngumiti ako na parang may binabalak na masama. "Well, since kaklase mo si—"

"No."

"Di mo pa nga naririnig eh!"

"Ano ba 'yon?"

"Itatanong mo lang naman kung ano sila ni Theo eh."

"Ano bang nangyari?"

Kwinento ko na ilang beses ko na sila nakikitang magkasama tuwing umaga. Tipong kinakarga pa ni Theo 'yong bag niya hanggang gate, pero maghihiwalay din sila sa may gate. Kwinento ko na may katext siya habang nag-uusap kami, at tingin ko si Cat 'yon.

"Wow, teka, teka. Ano ba kayo?"

Natahimik ako. "Friends."

"Nasagot mo na 'yang tanong na nasa utak mo."

"Please, Tanya! Please, please! Kahit ako na sagot ng lunch mo every day . . . at 'yong book report sa English—"

"Hoy, Ma. Natasha! Ano bang nangyari sa 'yo?"

"Anong nangyari sa 'kin? Love happened. Theo happened!"

"Then let it happen, and let it go!"

Minsan, ito 'yong nakakainis sa mga halaman na katulad ni Tanya. Tipong walang patawad at awa nilang ipalalandakan sa 'yo 'yong katotohanan na kailangan mo tanggapin. Alam kong dapat ganon naman talaga, pero pwedeng dahan-dahan? Haha.

"Pwedeng stop making sense muna at hayaan mo ko magpaka-crazy girlfriend dito?"

"Crazy friend-acting-like-a-girlfriend kamo," sarcastic na sabi ni Tanya.

"You're so road."

Tumawa kaming pareho.

"Di pa tayo nagdedebut, te. Marami pang taon para masaktan at magmahal. Marami pang tao na pwede mong mahalin . . . well, at saktan na rin."

"Kung halaman ka, lumot ka eh no? Eh paano kung mamatay na ako bukas? Eh di hindi ko na naranasan magmahal."

"And so be it."

"Please, Tanya?"

"Una, papayag sana ako sa bribe mo, pero naisip ko, di ako ganon kasamang tao. Isa pa, kung gusto ko mag senador, di dapat ako papatinag sa bribe."

"So . . ."

"Sige, itatanong lang naman, 'di ba?"

Halos yakapin ko na si Tanya nang sinabi niya 'yon. Plinano naming kung paano niya tatanungin. Kunwari, nakita niya na sabay sila sa umaga tapos itatanong. Sasabihin niya na concerned siya sa "friend" niya, which is ako, kasi parang meron kaming thing pero wala naman.

Lost and FoundWhere stories live. Discover now