"Sasama tayo sa beach house nila this weekend, okay?"

"Huh? Hindi puwede. May work ako." With Ty around? Hindi talaga.

"You need to come, Jordan. Trust me. Something good might happen there."

"Lubayan mo na nga ako, Chance. Puro kaimpossiblehan naman kasi ang naiisip mo." Umiling-iling ako at nahihirapan pa rin akong kumbinsihin ang aking sarili.

"You'll thank me after this, Jorge. I'm pretty sure about it."

"May trabaho nga ako!" Ang kulit!

"Ako na bahalang magbayad sa araw mo kung iyon ang inaalala mo."

"Hindi na, 'no! Sige na! Sasama na matigil ka lang!" napilitang sagot ko na lang sabay sumimangot. Hindi rin naman ako mananalo sa kanya.

"That's my girl. C'mon! Inaantok na ako. Maaga din ang pasok ko bukas."

"Okay."

At inihatid na nga niya ako sa condo unit ni Insan.

Like the usual ay mabilis lang din kaming nakarating sa condo since madaling araw na. For sure, malulukring sa akin ang bading kong pinsan dahil hindi naman niya ine-expect na rito ako matutulog. Pero bago ko pa man ma-swipe ang card na gamit ko ay may kung sino na lang ang biglang humablot sa aking kamay ko. Si Ty!

"A-ano bang ginagawa mo?!" Shit, eto na naman ang puso ko! Bakit ba nagugulo ang buong sistema ko sa simpleng paghawak ni Tyrone?

"We're going home," simpleng sagot niya habang mahigpit pa ring hawak ang kamay ko at hinihila na ako palapit sa elevator.

"Dito ako kay Cary matutulog!" Pilit pa akong kumakawala sa hawak niya pero ni hindi ko man lang siya matinag.

Napaihip lang siya sa buhok niyang humaharang sa kanyang mga mata at nananatiling nakatingin sa binababaang floor ng elevator.

"Bitiwan mo nga ako!"

"'Wag ka na kasing umarte d'yan," nakaismid pang sabi niya.

"Hindi ako umaarte, okay?!" Umirap ako at ngumuso. Siya kaya itong maarte! Hmp!

"Just shut up," masungit pang sabi niya at pinagsalikop ang aming mga daliri. Oh my, para lang kaming mag-jowa nito!

Nang magbukas na ang elevator ay hinila niya ako papasok at agad na rin niyang pinindot iyon para magsara. Bibitiw na sana ako sa kanya, pero hindi pa rin niya hinayaang makawala ang kamay ko.

"Bitiwan mo nga ako!"

"One word and I'll kiss you."

"Sabi ko—" Hindi ko na nagawang makapagsalita dahil agad na dumapo ang labi niya sa labi ko! Susmaryosep! Hinalikan nga ako!

Napangiti lang siya sa labi ko at kagat labing tumitig sa akin.

"You don't listen, Jordan." Nakangiti pa siyang umiling-iling bago muling itinuon ang atensyon sa bilang ng floor na bababaan namin. "You have anything to say?" nakakaloko pang tanong ng gago! Paano pa ako magsasalita, e, mukhang hahalikan na naman niya ako!

Sinamaan ko siya nang tingin at napahalakhak naman siya.

"Now, that's paying attention, babe."

CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum