√ONE√

14K 323 12
                                    

CLEO’s POV

Kaagad na napunta sa gilid ang tingin ko dahil sa malakas na sampal na tumama sa pisngi ko.

Iyan kaagad ang sumalubong sa akin pagkauwi ko ng bahay. Isang malakas na sampal na nanggaling sa mahigpit kong ama. Ganiyan siya kapag nakagagawa ako ng hindi maganda sa paningin niya at ang sakit-sakit para sa akin. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing iniisip kong sinasaktan ako ng sarili kong tatay. Kahit sino naman siguro ang nasa kalagayan ko ay gano’n din ang mararamdaman.

“Saan ka nanggaling? Bakit hindi ka umuwi kagabi? Saan ka natulog? At kailan ka pa natotong hindi magpaalam sa amin?” sunod-sunod na tanong sa akin ni papa.

Tila namanhid ang sarili kong dila. Hindi ko mahagilap ang tamang sagot sa mga tanong niya.

“P-pa, sa—”

“Sumagot ka nang maayos!” Napapitlag ako sa pagsigaw niya. Paano ako makasasagot nang maayos, eh, tinatakot niya ako.

“Reny, ano ka ba. Tama na iyan!” pag-aawat ni mama kay papa. Mabuti pa si mama ang bait-bait sa akin. Hindi siya katulad ni papa na puro na lang mali ang nakikita sa akin.

“O-okay ka lang ba, anak?” nag-aalalang tanong sa akin ni mama at saka lumapit sa akin. Hinaplos niya ang pisngi kong dinapuan ng palad ni papa.

“O-okay lang, Mama,” sagot ko kahit ang totoo’y hindi. Para na nga akong maiiyak. Pinipigilan ko lang na pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko dahil ayaw kong mas lalong magmukhang kawawa sa paningin nila.

Gano’n ako, kunwari ayos lang. Pero ang totoo ay hindi. Hindi ako okay lalo na’t mahigpit sa akin ang mga taong nakapaligid sa akin.

“Bakit mo ba siya sinampal? Sana pinakinggan mo muna ang paliwanag niya bago ka magalit sa anak natin!” galit na ring sabi ni mama kay papa.

“Manahimik ka riyan! Ngayon ay ipaliwanag mo sa amin. Saan ka nanggaling?”

Parang tinatambol ang dibdib ko. Paktay! Ang puso ko lalabas na ’ata sa sobrang kaba.

Alam n’yo ang pakiramdam na ganito? Nakamamatay!

Paano ko ba ipaliliwanag na nanggaling ako sa condo ng isang lalaki, na do’n ako natulog, na isinuko ko na ang Bataan!

Waah! Pesteng lalaking iyon! Walang awa! Walang puso ang Mendez na iyon. OA pa! Pagbintangan ba naman ako na ni-r*pe siya! Wow! Feeling hot naman! Saka kahit na guwapo siya hindi ko siya pagnanasaan!

Akala mo naman siya ang nawalan! Pa-virgin effect. At babae na pala ang nangre-r*pe ngayon? Bumuntonghininga muna ako bago sumagot kay papa.

“Sa kaklase ko po,” pagsisinungaling ko dahil natatakot akong sabihin ang totoo. Alam ko kasing kapag sinabi ko ay hindi lang sampal ang aabutin ko. Sigurado akong higit pa roon.

“May . . . tinapos lang po kaming proyekto. Wala kayo kahapon kaya hindi na ako nakapagpaalam nang maayos sa inyo,” dagdag ko sa aking mga sinabi.

“Saan ka natulog?” kalmado na ring tanong ni papa.

“Sa bahay rin po ng kaklase ko. Gabi na kasi natapos ang ginagawa namin kaya sa kanila na lang ako natulog. Delikado na raw po kapag umuwi pa ako,” pagsisinungaling ko ulit.

Sana naman maniwala siya. Sorry, Papa kung nagsinungaling ako.

“Wala naman po akong cellphone para tawagan kayo.”

Totoo iyon. Kawawa naman ako kahit keypad wala. Ayaw kasi akong bilhan. ’Di afford ng budget. Gano’n kami kahirap ultimo keypad ’di kaya ng bulsa.

Pregnant By Heartless Gangster(UNDER MAJOR  REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon