Kabanata 4: Maririnig

Start from the beginning
                                    

     Nung natapos kasing kumanta ang lalaking 'yon, tinanong ko 'yung mga kasama ko kung kilala nila. Nagalingan kako ako sa pagkanta kaya ako curious. Si Edward ang sumagot na Chase nga ang pangalan no'n at kilala nila dahil sa ilang performances ng banda no'n. Sila lang din ang nag-conclude na crush ko 'yon. Pero humahanga naman talaga 'ko.

     "Teka teka don't tell me 'yan 'yung kuya ni Jun?" Si Era.

     "Ano'ng mayro'n kay Kuya?"

     Napatingin kaming lahat sa nagsalita sa may pintuan. Si Jun.

     "Wala naman," sagot ko agad at pinaalis na si Edward na nakaharang sa gilid namin ni Era.

     Bigla namang pumasok si Jun at may kasunod siyang isang matangkad na lalaki.

     "Mga repa, si Kelvin. Kuya kong loko-loko," pagpapakilala niya sa kapatid. Halos pabulong lang 'yung huling linya.

     "Okay sa 'kin tawaging Kuya Kelvin o Kelvin. Nandito 'ko para bantayan 'tong mahal kong kapatid," nakangisi niyang sabi at tinapik ang balikat ni Jun.

     Ipinakilala naman kami ni Jun isa-isa. Pagkatapos, nag-usap-usap ang mga lalaki habang siniko naman ako ni Era. "'Yan ba Crisel? Kala ko ba Chase?" sabay nguso do'n sa kapatid ni Jun.

     "Hindi. Hindi 'yan 'yon."

     "May kasama nga pala 'ko. May binili lang saglit. Ayos lang ba papasukin din sa room niyo?" tanong ni Kuya Kelvin.

     Tumango lang sina Jun at ang iba.

     Mga ilang minutes pagkatapos, may pumasok sa room at bago ko pa makita kung sino, dinig ko na 'yung sabay-sabay na pag "uyyy" nina Edward at Fernando.

     "Chase pare, mga kaibigan ni Jun 'yan."

     "Crush ni Crisel!" hirit bigla ng kung sino sa kanila. 'Di ko na naisip kung sino dahil sa gulat.

     "Sino? Si Chase? 'Di nga?" Titig na titig pa si Jun sa 'kin habang sinasabi 'yon. Sinamaan ko agad siya ng tingin.

     "Uy tinignan ka nung Chase," bulong ni Era.

     "Akalain mong umabot sa eskwelahang 'to 'yang kamandag mo," natatawang sabi ng kapatid ni Jun kay Chase. "Sa'n mo nakilala si Chase?"

     Medyo nahiya ako pero mas nakakahiya kung hindi ako magsasalita.

     "Sa battle of the bands sa San Roque, nung Sabado po."

     Tumango-tango sina Jun at Era. Sila lang yata ang hindi nakakaalam. Hindi kasi sila nakapunta nung Sabado.

     "Dumadami ang fans mo Chase. Sunod nito, may mga die hard fans ka na. Be careful pare."

     "'Di ko iniisip 'yan."

     Hindi ko na sinabing una ko siyang nakita sa computer shop kasi baka akalain nila na stalker o die hard fan talaga 'ko. Mukhang siya pa naman 'yung tipo na ayaw sa gano'n.

     "Chase si Criselina nga pala, tropa 'yan," pagpapakilala sa 'kin ni Jun.

     "Chase," simpleng sabi niya at tumango.

Just TodayWhere stories live. Discover now