Part 15

749 21 6
                                    

Part 15: Pwede nga ba?

Awarding na noon at kabado lang ako dahil ang daring nga ng ginawa naming flick. Gay-themed. Parang self-center​​ed. Medyo silent. Pero ipupush naman ang content ng flick namin. Well, hindi naman ako umaasang mananalo ng award that time. But I did.

Nanalo ako ng best actor at supporting naman si Rock. Best love team pa nga ang napanalunan namin. Well, nakatatlong awards kami that time dahil best picture din kami.

Sa announcement pa lang, kabado na ako nang sobra!

And the best actor goes to … Kedd Casas of III-Aquamarine!”

Nayanig na lang ako dahil nakakaloca lang ang ganitong recognition ng mga teachers. My classmates were applauded when they heard my name. Ibig sabihin lang talaga magaling ang production namin at acting skills namin.

Umakyat na ako sa stage para tanggapin ang award.

“Grabe! I can't believe this! I got this award? Anyway, salamat sa pagbibigay ng ganitong award sa 'kin, mga butihing guro. Salamat dahil nakita ninyo na magaling din pala akong umakting.” Tapos natawa lang ako saglit. “Pero, mas nagpapasalamat ako sa mga co-actors ko, Rock, April, sa lahat, maraming salamat talaga sa inyo. Thanks, thanks, thanks!

At bumaba na ako sa stage.

Matapos 'yon, nag-uwian na ang lahat. Kami rin naman ay gano'n din. Humiwalay si Frances sa grupo nina Paul John. Sabi niya may pupuntahan daw siya. Tapos nakita kong parang malungkot itong si Paul John nang humiwalay nga si Frances sa kanila.

Well, right now, kasama ko na naman ang tatlong pugong ito. Nasa bahay kami ngayon ni Roderick. Kumakain kami ng pancake na gawa nilang tatlo. Nagpapasikat kasi ang dalawa sa 'kin. Ewan ko ba kung bakit sa 'kin pa. Parang sumobra naman yata ang ganda ko niya'n.

“Kedd, kain lang ng kain. Masamang tumanggi sa grasya!” Paalala ni Rock na ikinatuwa ko. Ang cute lang kasi ng hinayupak na 'to.

“Masarap ba, Kedd?” Tanong naman ni Rod na nakaakbay na naman sa 'kin. Ang hilig niya lang gawing sampayan ang balikat ko. Laki pa naman ng braso niya.

“Yes, masarap naman ang luto ninyo.” Pero sa totoo lang, medyo kulang lang sa tamis. Kaya binabaran ko na lang ng asukal ang ibabaw nito.

Si Asser naman ay kumakain lang din. At saka, may kasama siya ngayon. Beki din. Nililigawan niya yata. Sanjo ang pangalan.

Sa ngayon, masaya naman ako dahil nakakaloca lang ang mga kaganapan sa buhay ko ngayon. May tatlong pugo akong mga kaibigan. At hindi ko naman maiiwasan 'yon, ang mga kakulitan nila at mga antics na nakakainis. Pero mahal ko 'yang mga 'yan.

“Kedd, nag-decide na kaming dalawa ni Rod na kung sino ang magugustuhan mo sa 'ming dalawa, OK na ang isa. Wala nang galit-galit.” Sabi bigla ng mayabang na si Rockefeller na nakapamewang pa.

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon