Part 6

1.1K 30 4
                                    

Part 6: Ang tatlong pugo! (BOW!)

Nagpunta ako sa library ngayon. Gusto ko lang magbasa ng bago kong nabili na libro. Nag-log in muna at nilagay ang bag sa counter. Then naghanap na ako ng seats.

Anyway, uwian na rin kasi namin. Wala kasing TLE ngayon. Nasa Mindanao ang teacher namin ngayon dahil kinuha siyang judge para sa isang cooking contest doon. Sa Davao yata.

I started reading. Nasisiyahan lang ako sa pagbabasa dahil ang ganda nitong libro. Marley and Me. I watched the movie before I found this book. And I find this interesting at mas maganda pa rin talaga ang story na nasa libro kaysa sa movie adaptation nito.

I noticed that I'm the only person here right now. Wala ang mga members ng Speech Arts Society ngayon dito. Kadalasan kasi dito ang meeting place nila. Ano naman kaya ang dahilan at wala silang meeting now.

Still, I'm reading the book at nakakailang pages na rin ako.

Natutuwa lang kasi ako sa contents ng librong ito. Marami akong natutunan.

I checked the clock. 2:30 na rin pala ng hapon. So I decided to go home. May na-receive akong text galing kay Asserjan. Tinatanong niya kung nasaan ako ngayon. I answered na nasa school pa ako.

Lumabas na ako sa library. Then nag-ring lang ang phone ko. Tumatawag si Roderick.

Sinagot ko naman agad.

“Oy! Hello!” ako.

“Nasaan ka ba ngayon?”

“Nasa school pa ako. Pauwi pa lang ako ngayon. At bakit naman?” sabi ko sa kanya.

“Hintayin mo na lang kami ni Asserjan sa labas ng school huh?”

“OK. Sige.”

Then I offed the call. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at nakalabas na ako sa school. Muntikan pang hindi ako makalabas dahil akala nila magka-cutting ako. Well, hindi ko naman gawain 'yon.

Naghihintay na ako dito sa tapat ng facade ng school. Tapos mula dito, natanaw ko na sina Asserjan at Roderick kasama si Rockefeller. Shocked lang ako dahil kasama siya. It's like 'what the heck is this?'. Iniisip ko ngayon kung kamalasan na naman ba ito o swerte? Kung malas, naku, aalis na lang ako. Kung swerte, push! Besides, nand'yan naman si Rod for me!

Tapos nandito na agad sila sa harap ko. Naka-uniform pa rin silang tatlo. Saan kaya sila galing?

“O? Naka-uniform pa rin kayo?”

“Nag-dota lang kasi kami. Hindi rin kami agad umuwi.” sabi ni Asserjan.

“Anyway, bakit mo nga pala ako tinawagan kanina?”

PhilophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon