Balak na raw ng lolo niya na ibahay sa isang mamahaling condominium unit sa Makati ang babae. Binibilhan din daw ito ng lolo niya ng kung ano-anong mamahaling gamit at alahas. At ayon sa huling narinig ni Lola Dorinda sa lolo niya, tila binabalak na rin ng matanda na alukin ng kasal ang babae. Dahil sa kabila raw ng pagtanggap ng mga regalo ng lolo niya at lantarang panghuhuthot dito ng dalaga, tila hindi pa rin ibinibigay ni Charie Veil ang "oo" nito sa lolo niya. In other words, she was still keeping the old man dangling at the end of her finger. Patunay na tuso at matalino talaga ito.

Malamang ay iniisip nitong kapag bumigay agad ito sa panunuyo ng lolo niya rito ay mawawalan na ng interes dito ang matanda. Kaya nagpapakipot muna ito, umaastang matimtimang birhen.

Anim na buwan pa lang diumano ang nakalilipas mula nang makilala ng lolo niya ang babae; noong kaarawan ng matanda at isa sa mga guest performer si Charie Veil. Hindi siya nakadalo sa pagdiriwang na iyon dahil sadyang itinapat niya sa kaarawan ng matanda ang pagbisita niya sa ibang hotels niya sa Europe.

Kakilala niya ang TV director at producer na si Rosauro Chingson at ang asawa nitong si Violy na siyang manager ni Charie, ngunit hindi naman niya itinuturing na mga kaibigan ang mag-asawa. At kahit madalas sa Hishima Hotel and Casino niya ang mag-asawa na kung umasta ay tila malapit na kaibigan siya, hindi niya gusto ang mga ito. Rosauro was a cheat, not only in gambling but in all his dealings, too. Hindi lang ito makapandaya sa casino niya dahil takot ito sa kanya. Subalit alam niya ang ginagawa nito kapag nagsusugal ito sa ibang lugar.

Underpaid din ang karamihan sa mga tauhan at artista nito tuwing gumagawa ito ng pelikula. Mahilig pa itong magwala kapag nalalasing, kahit pa sa public places. Iyon ang dahilan kaya binalaan agad niya ito noong unang beses pa lang itong tumapak sa teritoryo niya na hindi niya ito-tolerate ang ganoong asta nito. Hindi miminsan ding naireklamo ito ng sexual harassment ng mga babaeng empleyado nito.

Ang asawa nitong si Violy ay kilala naman sa pagiging taklesa, mapanlait, sinungaling, at gastadora. Ilang baguhang artista na ang pinabagsak ng walang prenong bibig nito para lang maisulong ang career ng mga alaga nito. At kadalasan, ang ginagasta nito ay hindi nito pera mismo kundi pera ng mga artistang mina-manage nito.

At ngayon, may dagdag na siyang rason upang kayamutan ang dalawa. May kutob siyang may basbas ni Violy Chingson ang panggagamit ng alaga nito sa lolo niya.

Ayon kay Lola Dorinda, si Violy ang talagang humila sa alaga nitong singer upang ipakilala sa lolo niya pagkatapos niyong umawit noong gabi ng kaarawan ng lolo niya. Ang hula nga ni Lola Dorinda, mismong si Violy ang may ideyang huthutan nang huthutan ni Charie Veil ang lolo niya.

A week after the party, nagsimula ang panunuyo ni Lolo Nemo kay Charie Veil. Noong una, inakala ni Lola Dorinda na natutuwa lang ang lolo niya sa dalaga. Na nakikita rito ng lolo niya ang isa sa mga pinsan niyang babae. Halos kasing-edad kasi si Charie Veil ng ilang pinsan niya.

Subalit hindi nagtagal ay kinakitaan na ni Lola Dorinda ang lolo niya ng pag-iiba sa kilos at pananalita patungkol sa sexy singer. Hanggang sa umamin na mismo si Lolo Nemo na nililigawan nito ang dalaga, bagay na labis na ikinagimbal ni Lola Dorinda kaya agad nitong pinaimbestigahan si Charie Veil.

"That was Charie Veil, huh? Interesting. Very interesting," aniya nang sulyapan ang executive assistant niyang si Antonio.

"Yes, Sir. Siya nga iyon," anito. Binuklat uli nito ang folder na hawak para muling ikompara ang babaeng nakasabay nila sa elevator kanina sa litratong kalakip ng report na ibinigay sa kanya ng imbestigador na inupahan ni Lola Dorinda upang imbestigahan ang babae. "Charie Veil" or "Charivel Maranga" in real life. Twenty-six years old. She never attended college though she finished high school. Wala na siyang pamilya o malapit na kamag-anak. She used to sing in comedy bars and lived in Cavite before Mother Violy discovered her and turned her into Charie Veil, the sensual siren.

ASERON WEDDINGS-IF I DON'T HAVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon