CHAPTER 2

7.9K 127 32
                                    


CHAPTER TWO

MULA sa VIP area ng parking lot ng Hishima Hotel and Casino kung saan nakaparada ang sasakyan ni Hisoka ay matamang sinundan niya ng tingin ang papalayong taxi na sinakyan ni Charie Veil. Naglabas siya ng sigarilyo mula sa inner pocket ng suot niyang coat. Sinindihan niya iyon, saka humithit.

Ilang araw na ang nakalilipas mula nang matanggap niya ang distressed call ng Lola Dorinda niya at sinabi ang tungkol sa isang sakim na babaeng gustong akitin at manipulahin ang lolo niya. And that woman was the one who just left wearing an awful disguise.

Charie Veil. Ang baguhang novelty singer na ayon sa bad publicity tungkol dito ay sumikat lang dahil sa paggamit ng katawan nito. Ngunit ayon naman sa good publicity na ikinakalat ng kampo nito, hindi lang daw ito magaling na mang-aawit kundi isang maganda at matalinong babae rin. Iyon diumano ang tunay na dahilan kaya ito sumikat.

Subalit para sa kanya, wala siyang maramdaman ni katiting na paghanga sa hindi maikakailang sexy ngang singer. Hindi ito kundi ang obsessed dito na lolo niya na nasa dapit-hapon na ang edad ang nakikita niya habang nagkatitig dito. Sa unang pasada pa lang niya ng tingin dito nang makita niya ito sa lobby ng hotel niya nang nagdaang araw, mabilis niyang naunawaan kung ano ang kahali-halina rito kaya ganoon na lamang ang pagkaloko diumano rito ni Lolo Nemo.

Kakaiba ang ganda ni Charie Veil. Bilang lalaki, masasabi niyang sapat na ang taglay nitong pigura para ihilera ito sa klasikong magaganda at kaakit-akit na babae sa kasaysayan ng mundo. She had the face of an angel and the body of a goddess. Mahusay rin itong magdala ng damit at deretso ang tindig kaya agaw-pansin ito.

Ngunit sa isang tulad niya na sanay nang makasalamuha ng mga babaeng katulad nito, ordinaryo na lang ang dating sa kanya ng hitsura nito. Kaya nga nang unang beses niyang makilala ito tatlong taon na ang nakararaan ay hindi niya ito gaanong pinagtuunan ng pansin. Hindi niya tipo ang babaeng tila ang kalahati ng araw ay ginugugol sa pagpapaganda sa sarili, which she probably does. Kahit medyo pangahan ang mukha nito, hindi ito nagmumukhang bakla o amasona dahil sa extra time and effort na ibinibigay nito para takpan ng makeup at palambutin ang matitigas na anggulo ng mukha nito.

Malaki ang mga mata nito na kakulay ng dark chocolate. Animo mga mata ng manyika ang mga iyon, iyong tipong hindi kumukurap. Kung sa ibang babae iyon napunta, malamang nagmukha na iyong palakang luwa ang mga mata. But on her, they looked perfect. Medyo nasobrahan lang ang tangos ng ilong nito na hindi niya alam kung natural o dahil sa siyensiya. And he would bet a million bucks that her pouty red lips were not natural but collagen-enhanced.

Kompara sa simple at mayuming kagandahan ni Lola Salome noong kabataan ng namayapa nang abuela niya, walang laban si Charie Veil. She may look gorgeous and hot but he knew that most of it came out of a bottle or from a series of cosmetic procedures. Hindi tulad ni Lola Salome na likas ang taglay na ganda.

Kaya hindi niya maunawaan kung paano naakit ni Charie Veil si Lolo Nemo. Ang matanda ang huling lalaki sa mundo na pag-iisipan niyang posibleng maging "dirty old man."

He rarely saw eye to eye with his eccentric billionaire grandfather. In truth, he seldom saw the old man at all because every time he did, the bitterness and hate he felt for the old man because of how he had abandoned and neglected him for so many years rose of inside of him.

Sa kabila him niyon, batid niyang maprinsipyong tao ang lolo niya. Batid din niyang ang puso nito ay kasamang nalibing nang pumanaw si Lola Salome. Kaya hindi siya makapaniwala nang tawagan siya ng kapatid nitong si Lola Dorinda upang magsumbong tungkol sa babaeng singer na biglang sumikat three years ago dahil sa double meaning na mga kanta nito at husay sa paggiling.

ASERON WEDDINGS-IF I DON'T HAVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon