Tinitigan ko si bea pagkatapos nyang sabihin yun. "Bakit di ko magawang maniwala sayo this time?" para namang nag panic si bea ng marinig nyang yun sa kin. "Bakit parang..... kahit gusto kong maniwala sayo, eh sinasampal naman ako ng mga nakikita kong ginagawa mo?.....sa pinararamdam mo?" nag sisimula na akong maging emosyanal. "Bakit di mo na lang sabihin sa kin ng diretso ngayon na.....na nawalan ka ng amor sa kin simula ng dumating/bumalik yung ex-MU na minahal mo ng sobra dati?"

Tuluyan ng nakalapit sa kin si bea at ngayon ay magkaharapan na kame ngayon pero kahit na nagpupumilit na mahawakan ako ay tinatabig ko yun.

"Nagbakasyon lang sya---"

"Yun na nga eh." putol ko sa kanya. "Nagbabakasyon pa lang sya nyan ah, pero yung epekto nya sayo ang lake na. Ang lake ng pinag bago mo simula nung bumalik sya.....Sayo. Sa buhay mo."

"Wala na syang babalikan pa sa kin kase wala na nga di ba." si bea na matamang nakatingin sa kin. "Maniwala ka, walang balikang mangyayare kase unang una walang kame at hindi naging kame."

"Pero pwede nyong ituloy di ba?" pamimilit ko. "Kaya siguro nagpakita sya sayo ngayon kase may balak sya. May balak syang ipagpatuloy nyo ang naudlot nyong love story dati."

"Ang lawak na ng mga naiisip mo. Jhoana, nagbakasyon lang si janna and tama ka, ngayong bakasyon lang nyang ito sya nagpakita sa kin pero it doesn't mean may ganong magaganap na. Alam mo paulit ulit na lang tayo dito eh." naiinis na rin po si bea. "Kung dati nga hindi naging kame ngayon pa ba?" nakuha nya ang isa kong kamay at pinisil pisil yun. "Ngayon pa ba na meron na akong mahal....." nilambingan nya ang boses tas tinitigan ako. "Jho, mahal kita. IKaw na ang mahal ko ngayon."

Umiling ako hindi ko alam kung bakit ko yun nagawa pero para kaseng di ako kumbinsidong mahal ako ng damulag na ito. Marahan kong binawi ang kamay ko sa kanya at lumayo ng onte sa kanya, umupo ako sa bed ko.

"Hindi ka naniniwala?" si bea na di makapaniwala, napasuklay sya buhok gamit ang mga daliri nya. "Bakit?  Sige nga sabihin mo sa kin kung bakit di ka naniniwalang mahal kita?" napahawak sa batok si bea naiinis na tumingin sa kin. "Si marci no? Si marci ang dahilan kung bakit ganyan ka ngayon sa kin?"

"Bakit napasok naman si marci dito?" napakunot noo ako. "Walang kinalaman yung tao sa issue naten, beatriz."

"Talaga?" si bea na sumabog na. "Siguro madalas kayong mag hang out nung lalakeng yun kaya ganyan ka kung mag isip ngayon. Siguro pag wala ako sya yung lageng kasama mo no?" mapaghinalang tanong neto.

"Wag mo ngang baliktarin ang sitwasyon!" awat ko sa nagagalit na si beatriz. "Wag mo nga akong igaya sayo! Wag mong ipasa sa kin yung ganung ugali mo kase di ako ganon! Di ako sinungaling tulad mo!" tuluy tuloy kong sabe at di ko na naisip pa ang mga yun.


"Talaga naman ah!" si bea na nagsisimula ng sumabog ng di ko alam kung bakit. "Nagpaalam ka sa kin kanina na mag gogrocery ka pero ang sabe mo kay deanna ka magpapasama yun naman pala sa katapus tapusin ay si marci naman pala ang kasama mo at di ko pa malalaman yun kung di pa tayo nagkita sa mall."

Di ko maintindihan, ba't parang sya pa yung nagagalit ngayon? di ba dapat ako? Ako, kase sya yung nagsinungaling dito. Parang nabaliktad na nga talaga ng sitwasyon, parang ang lumalabas ay ako na ngayon ang may kasalanan, ako na yung sinungaling sa ming dalawa. Di pwede to, kelangan kong ipagtanggol ang sarili ko.

"Kay deanna nga ako nagpapasama kanina pero ayoko namang ipagdamot dun sa bata ang gumala kasama  mga teammates naten
At para sabihin ko sayo sa mall ko na rin nakita si marci at hindi yung ibinibintang mong sa kanya ako nagpasama. Nagmagandang loob yung tao na samahan ako kase marame pala yung pinamili ko at nag offer sya na ihatid ako hanggang sa eliazo na DAPAT ay IKAW  ang kasama ko kase TAYO ang magpartner sa gawaing ito for this month." counter ko sa nanggagalaiting si beatriz. "Pero sabe mo nga sa kin kanina nung magpaalam ka eh uuwi ka sa inyo kase kelangan kang makausap ni kuya loel, pumayag ako kase family mo naman yun and legit naman yung paalam mo. Maski ako hindi ko aakalaing gagamitin mong ALIBI yun para lang makasama yung first love mo."

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now