I envy him. Mabuti pa siya, nabigyan ng pagkakataong suklian ang pagmamahal ng babaeng matagal niyang sinaktan. Ganon ba talaga ako kasama at nasa akin na ata lahat ng parusa sa mundo?

"Okay lang malungkot, dude. But try to focus on positive things. Nandito pa kami. Kami bahala sayo." Tinapik niya ang balikat ko at tipid ko lang siyang nginitan.

He's right. I'm lucky I still have them. Maybe I should set aside the sadness that I am feeling. God knows that I will always love Veronica no matter what. Siya lang ang nakapag bukas sa puso ko noong akala ko wala akong kakayahang magmahal. She was my everything and she still is.

I guess I just need to focus on what's left. Our child is somewhere out there. I need to find the woman that she left our baby with. Although, hindi ko pa din maintindihan. Mas pinili niya pang ipaubaya sa ibang tao ang anak namin kaysa contact-in niya ako. I mean, ganoon ba talaga kasama ang loob niya sakin?

"Tama na muna pag lalandian at pa da drama! Dinner's ready!" Narinig kong sumigaw si Eli sa di kalayuan.

Napailing nalang ako at saka inubos ang natitirang beer sa bote bago naglakad pabalik sa veranda.

Nakakatuwa ding tingnan na may kanya kanyang kasama ang mga kolokoy na ito, maliban kay Eli at Clinton at pati na rin ako, syempre. Center of attention naman si Scorpion at yung chic niya daw na pinsan ni Clinton. Ayaw kasi nilang magtabi. Natatawa ako dahil ngayon lang yan umarte ng ganyan sa babae. Dati naman game iyan kapag mga ganyang lokohan.

The dinner was full of laughter as always. Kahit saglit lang, nakalimutan ko ang mga problema ko. Nakakabusog din ang walang katapusang seafoods lalo na ang scallops. Ang alam ko kasi ay kilala talaga sa scallops ang Gigantes. Pagkatapos mag dinner, siyempre inuman ang ganap. Nag paalam ako saglit para mag yosi at sumama na din sa akin si Eli.

"Peram lighter." Sabi niya sa akin.

"Oh." Inabot ko sa kanya ang lighter at nag sindi siya ng marlboro lights.

Napansin kong tatawa tawa siya kaya nagtaka ako at tinanong siya.

"Bakit?" Kunot noo kong sabi.

"Wala. Laugh trip kasi ako kay Scor eh. Obvious naman na gusto niya din pinsan ni Clint. Nag iinarte pa." Sinundan niya iyon ng mahinang halakhak.

Natawa nalang din ako at umiling.

"Parang close kayo nung chic ah?" I said.

"Ah oo. Kababata ko iyon. Parang kapatid ko na din." Aba, mukhang seryoso ang loko ah.

"Baka naman natitipuhan mo din ah?" I said straightforwardly.

Umatras siya at nalukot ang mukha.

"Gago ka ba? Hindi ganun tipo ko. Mas gusto ko iyong kapatid non." Sabi niya.

"Ahh. May kapatid pala siya. Ano nga ulit pangalan non?"

"Tosca."

"Bagay nga sila ni Scor." Tumango tango ako at humalakhak kasabay ni Eli.

Pagkatapos naming mag yosi ay bumalik na din kami agad sa pwesto namin. Napansin ko ngang wala doon si Scor pero nandoon si Tosca na lukot na lukot ang mukha. Tinabihan siya ni Eli at ako naman ay tumabi kay Xander na kausap si Scarlette.

The Second WomanWhere stories live. Discover now