I love you too, papa

***

"Princess? Gising na po." minulat ko ang mga mata ko at nag-blink pa ako ng 3 beses para makita ko kung sino yung nagsabi.

"Princess? Alex ang pangalan ko!" nakangiti kong sabi sabay taklob ulit ng kumot

"Princess Alex, kailangan niyo na pong bumang-"

"Fine! Fine babangon na po ako manang Berna pero please wag mo akong tawagin Princess hindi... hindi bagay sakin"

"Osige na magready ka na at papasok ka na mamaya" nakangiting niyang sabi at umalis na.

Nagmadali na akong bumangon at:

Inayos ang kama.

Pinatay yung aircon.

Pumunta sa CR.

Naghubad.

Naglibag.

Nagsabon.

Nagshampoo.

Nagbanlaw.

Nagpunas ng buong katawan.

Nagbihis.

Ang bilis ko 'no? Ayokong malate eh HAHAHA. Wala pa kaming uniforn ngayon kaya nagdress nalang muna ako. Panglimang beses ko na atang tinignan yung bag ko at tinignan kung kumpleto na ba yung mga gamit ko. Bumaba na ako para mag almusal at nakita ko na nandun na din sila mama at papa.

"Good morning, Darling" sabay na sabi nila mama at papa.

"Good moring din po" nakangiti kong sabi habang nakuha ng bacon.

Saktong kakatoothbrush ko pa lang nung natapos sila mama, ang bagal talaga nila kumain.

"Tara na, Alex" sabi ni papa

***

Section 2 kami ni Pauline ilang points nalang sana at mapupunta na sana kami sa Section 1 kaso wala eh bobo kami. Charotttt

Ang laki pala talaga ng school na 'to. Ilang buildings din ang nandito at sorbrang dami ng studyante. Siguro kabisado na 'to ni Pau halos dito na siya lumaki eh grabe ang ganda. Nakita ko na si Pau sa may gate ng school sabi niya kasi dun daw kami magkita. Nagsimula na kaming maglakad.

"Siguro kabisado mo na 'tong school na 'to 'no?" nakangiti kong tanong.

"Oo naman, don't worry pag may time tayo mamaya itu-tour kita dito" napangiti ako sa sinabi niya.

"YEHEYY!" napatakip ako sa bibig ko kasi bigla kong nasabi yun. Nakakahiya para akong bata.

Pumunta na kami sa room namin. Ramdam ko naman na magkakakilala sila nila Pauline. Okay, mukhang ma-o-op ata ako dito ah.

"by the way guys, this is Alexandra Velasco. Siya yung lagi kong kinukwento sainyo, best friend ko." Ipinakilala niya ako sa mga classmates namin na kakilala niya.

"It's nice to finally see you again, Alex" sino yun? Alam kong nasa likod siya ng babae na kaharap ko ngayon kaya pilit kong sinilip kung sino siya.

Nilahad niya yung kamay niya para makipag shakehands "Clyde Angelo Clifford"

"Alexandra Velasco" inabot ko ang kamay ko. Ang tagal ng paghawak niya sa kamay ko at bago niya pa 'to bitawan bigla siyang kumindat sakin at ngumisi. F*CK WAG AKO! Ang lambot ng kamay niya at... at ang gwapo niya. hehe

Nagpakilala sila sakin. Ang awkward kasi halos pinapalibutan nila ako sa tapat ko sila Micaella at Jude. Sa left side ko si Clyde at right side ko naman si Pau. Sa likod ko naman si Bianca at Max.

WHYWhere stories live. Discover now