One

44 7 2
                                    

Nakakainis! Di ako makatulog! Bakit kaya? Grr... Dahil kaya 'to sa excitement? o sa kaba?

Hay nako!

Napaupo ako sa kama ko at binuksan ko yung lampshade na katabi ng kama ko. 12:39am na! Baka 'di ako magising ng maaga bukas. Ayokong malate sa First day of class ko! New School. New friends. New teachers. New na lahat! kinakabahan ako kasi 'di pa naman ako lumilipat ng school simula ng nag-aral ako, ngayon lang! Ngayon lang kung kailang Grade 12 na ako?!

Humiga ulit ako at nagbilang sa isip ko na mula 100 hanggang 1 sabi kasi ni Pauline na nakakaantok daw yun, sinubukan ko na yun dati gumana naman kaso ewan ko ngayon.

"100.. 99.. 98.. 97.. .96.. 95.. 94.. 93.. 92.. 91.. 90............... 5.. 4.. 3.. 2.. 1" P#!@ bakit di parin ako inaantok! Kinuha ko yung cellphone ko at nagbabakasakali pang online si Pauline... Hindi na siya online!! T-T

Buti pa yung bestfriend ko na si Pauline (Pau in short) doon na siya nag-aaral dati pa kaya 'di na siya kinakabahan. Magtitimpla na nga lang ako ng mainit na gatas. Sana makatulog na ako.

Bumaba na ako at nagpakulo pa ng tubig, pagkainom ko sakto naman na narinig kong bumukas yung pintuan namin. Pintuan namin agad? Bakit 'di ko narinig yung gate namin na bumukas sisilip na sana ako kaso may nakita lang akong anino ng isang lalaki. Hala! Papunta siya dito sa kitchen! Di ko na magalaw yung sarili ko sa kaba at takot. AS IN DI KO NA MAGALAW! Pagkita ko sa lalaki

"Papa! Tinakot mo 'ko" sabi ko sabay yakap sa kanya.

Niyakap niya ako "Bakit 'di ka pa tulog, maaga pa pasok mo bukas diba? First day of school 'di ka pwedeng malate"

"Hindi po ako makatulog ih mas lalo na po akong 'di makakatulog nito kasi nagulat ako sayo" malungkot kong sabi. Nakita kong nagpipigil ng tawa si papa kaya tinaasan ko siya ng kilay

"HAHAHHAHA! kung makikita mo lang yung reaction mo kanina nakakatawa ka! HAHAHAHAH!" Luh anong nangyari sa tatay ko? makatawa akala mo walang tulog eh

Inirapan ko siya, nakakainis!

"Sorry na. Osige na pumunta ka na sa room mo" pumunta na ako, pero di parin ako makatulog ewan ko kung bakit sa gulat kanina o sa kaba parin para bukas. Bumukas bigla yung pintuan ng room ko at nakita si papa.

"Pwede bang pumasok?" tanong ni papa

"Opo" sabi ko, Sobra kong namiss si papa T-T laging sobrang gabi niya na kung nadating at ang aga pa naalis nakakatulog pa ba siya ng maayos?

Tumabi siya saakin yumakap ako sa kanya at kinantahan niya ako

🎶🎵🎶' Wise men say only fools rush in

But I can't help falling in love with you

Shall I stay?

Would it be a sin

If I can't help falling in love with you?' 🎶🎵🎶

Nakakaantok talaga boses niya

🎶🎵🎶 'Like a river flows surely to the sea

Darling so it goes

Some things are meant to be

Inaantok na ako

Take my hand, take my whole life too

For I can't help falling in love with you' 🎶🎵🎶

Hindi ko na mamulat yung mga mata ko pero naririnig ko pa siya. Tumigil na siya siguro nakita niya na tulog na ako.

"I love you, sweetheart" Kiniss niya ako sa noo. Inayos ang pagkakakumot at pinatay ang lamp shades at lumabas.

WHYWhere stories live. Discover now