135

510 17 4
                                    

baekhyun's point of view.

"baekhyun, ahon na tayo."sabi niya. magpapadala na sana ako sa paghila niya pero umawat yung nag-aabot ng shot at tinuro yung natitira pang alak. sa totoo lang hindi ko na kaya eh kaso malakas tayo eh kakayanin.

at yung isa naman parang nagdalawang isip kaya naman tinanguhan ko na lang. kaya ko pa naman hindi pa naman ako mamamatay sa lamig, "baekhyun, balikan kita jan ha."sabi niya at agad na umahon sabay takbo papasok.

hindi na nakayanan nung iba kaya nagsi-alisan na din sila. nagulat ako nang makita na tatlo na lang kaming lalaki sa pool at si hyeran na lang ang babae. hindi naman na siya umiinom bakit nandito pa? 

"ayoko na pre nilalamig na talaga ako."sabi ko at agad na umahon. tangina hindi ko alam na may buntot pala ako. pagkaahon ko, umahon din si hyeran. 

"baekhyun.."tawag niya at humawak pa sa may braso ko. inalis ko naman agad yun kasi hindi namin magugustuhan ang mangyayari kapag nakita yon ni stephanie. nako parang pusa lang yon pero kapag nagalit puta parang leon.

"baekhyun, usap tayo."sabi pa niya.

"sa chat na lang."sabi ko at sinubukang tumakas pero humawak ulit siya sa braso ko. aba may magnet ba yang kamay mo sa braso ko ha?!

"hyeran."awat nung nag-aabot ng shot.

"mag-uusap lang kami!"sigaw niya at hinila ako. kung hindi lang ako nahihilo. aba! tumigil siya sa kakahila sa akin nang makarating kami sa may tapat ng restrooms malapit sa may pool.

"ano ba yon?"irita kong tanong. niyakap ko din ang sarili ko sa dalawang dahilan. una, delikado lalo na desperada siyang bumalik ako sa kanya eh hindi niya ba maintindihan na hindi na ako babalik kasi hindi na siya yung mahal ko. pangalawa, malamig talaga! sa kakahila niya wala akong nakuhang towel sa gilid. lamig na lamig na ako dito.

"mahal pa kita."sabi niya.

"oh?"sagot ko.

"a-ako naman talaga yung mahal mo diba? hindi naman siya diba?"sabi niya pa at nagsimulang umiyak sa harap ko. "baekhyun, ako naman talaga ang mahal mo diba?"

"sige, kung yan ang magpapasaya sayo."sabi ko at sinubukan ulit na tumakas pero yumakap siya sa akin. kinabahan ako lalo.

"baekhyun, ako parin naman diba?"sabi niya pa. tumingin siya sa akin. may hindi ako magandang nararamdaman. teka-

"baekhyun ako naman lagi diba?"pilit niya pa.

"sige, kung yan nga ang magpapatulog sayo sa gabi."sagot ko at pilit na lumalayo sa kanya.

"baek.."

nilapit niya yung mukha niya sa akin. teka ano ba 'tong nararamdaman ko? bago pa lumapat yung labi niya sa labi ko agad ko siyang tinulak at mabilis na pumasok sa cr. napayakap ako don sa may bowl. nasusuka lang pala ako. kinabahan naman ako kala ko magkakasala ako sa poste ko at naa-attract na ako sa katawan non.

habang naghihilamos ako sa may lababo may narinig naman ako..

"uhh.. nggh.."

iba na ba talaga kapag nalalasing? dyan-dyan na lang? 

pagkalabas ko ng cr nakita ko si stephanie na nakatayo don habang nakatingin sa may gilid ng cr. nanlaki naman yung mga mata niya nang makita ako. naiiyak pa nga eh.

"baekhyun.."tawag niya. agad naman akong lumapit sa kanya at kinuha yung towel na dala niya at itinakip sa aming dalawa.

"jagi.."tawag ko at halata sa boses ang kaba. 

"baekhyun.."tawag niya ulit at saka na umiyak. teka- bakit siya naiyak? nakita niya ba na niyakap ako ni hyeran?! nakita niya ba na hahalikan dapat ako ni hyeran?! pagkatapos ba nito single na ulit ako?!

"tangina.."bulong niya at niyakap ako ng mahigit. tangina din.. yung kabog ng dibdib ko hindi na normal, ayokong hiwalayan niya ko. 

"bakit ka umiiyak?"tanong ko. kinabahan naman ako sa magiging sagot niya.

"a-akala ko.. akala ko kayo ni hyeran yung nasa gilid ng cr.. tangina akala ko masasaktan ulit ako."iyak niya at mas lalong hinigpitan yung yakap sa akin. "akala ko si hyeran ulit. akala ko maiiwan na naman akong mag-isa."

"baekhyun, akala ko masasaktan na naman ako sa parehong dahilan."iyak niya pa. "akala ko hindi na naman totoo yung mga sinasabi mo."ramdam na ramdam ko sa higpit ng yakap niya ang takot na naramdaman niya kanina. 

"hindi ko naman gagawin yon. diba sabi ko nga hindi ko na kayang saktan ka ulit. tsaka sabi ko pa na kahit hindi na ako, ikaw pa din. ikaw lang naman."sagot ko. 

"tahan na.."sabi ko pa at ni-pat yung ulo niya. "mahal na mahal kaya kita." akala ko mapapatigil ko na siya sa pag-iyak pero dahil don mas lalo siyang humagulgol.

mahal na mahal ko talaga 'to. hindi ko na papakawalan ang isang 'to. 

—  

ending na sunod awe thankyou HAHAHAHAYIE

rebound | b.bhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon