97

710 28 11
                                    

stephanie's point of view

"baekhyun, ang aga-aga pa bakit pupunta na agad tayo don?"naiinis kong tanong sa kanya habang hinihila niya ako papunta don sa kung saan gaganapin yung gig nila yeol. tinignan niya lang ako at ngumiti nang nakakaloko. inis mo ko gago.

"bakit matangkad ka ba? mapapanood mo ba ng maayos kung nasa dulo tayo?"tinignan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya. wow, kala naman niya ang tangkad niya porket mas matangkad siya sa akin. "ikaw lang 'tong inaalala ko tapos gagalit ka sa'kin."sabi niya pa.

pagkarating namin doon ay inabot niya sa babae yung ticket namin at nagstamp pa sa may braso namin. isang malakas na hampas ang natanggap niya galing sa akin nang makita ko kung gaano kaunti pa lang yung tao don. pero hindi niya ininda at tinulak ako papunta sa mismong harapan.

"gago ka ba?!"inis kong tanong. "bakit dito tayo?!" tanong ko pa at tinuro yung bagay na nasa harapan namin sa may taas ng stage. yung drum set, nasa tapat namin for sure mamaya si yeol.

"bakit hindi?"naiinis na ako! tinanong ko siya tapos tanong din ang isasagot sa akin. "ayaw mo ba? kitang-kita mo si chanyeol."

"baekhyun, hindi nga kami okay ni chanyeol tapos dito tayo pu-pwesto!"sigaw ko sa kanya at wala na akong pakielam kung marinig nung ibang tao. sinubukan niya akong hawakan sa braso ko pero lumayo ako sa kanya.

"sabi niya okay naman kayo eh."sabi niya. "kinausap ko siya tapos sinabi niya yon."dagdag niya pa.

"stephanie.."tawag niya.

"baekhyun, hindi kasi okay sa'kin. nasaktan ko kaya yung tao."bulong ko at inalala kung paano ko tinanggihan yung mga sinabi ni yeol sa akin.

"paano mo nasabing nasaktan mo siya?"tanong niya.

"h-hindi ko kasi.. ano.. kaibigan lang naman kasi siya para sa'kin."sagot ko. baekhyun.. ikaw kasi parin talaga.

"hey, hindi naman kailangan na kapag gusto ka ng isang tao dapat gusto mo na din siya. naiintindihan niya kaya wag mo nang isipin yan ha."sabi niya at hinila ako papalapit sa kanya. isinandal niya yung ulo ko sa balikat niya.

tahimik lang kaming dalawa hanggang sa dumami na ang mga taong nagsisidatingan at may nag-announce na magsisimula na yung gig. at hanggang sa isa-isa nang tumapak sa stage ang banda nila chanyeol.

nang makita ko si yeol alam ko na agad na hindi siya okay. hindi ko na siya nakakamusta pero alam ko na hindi siya okay. mas lalo siyang pumayat ngayon. at halata na yung eyebags niya. at namumutla ang labi niya. hindi siya okay. bakit pa siya sasali kung ganito?

paghinto niya sa tapat namin agad na nagtama ang mga mata namin at siya yung unang umiwas.

"yeol.."bulong ko.

gusto kong umakyat ng stage at hilahin siya pababa para dalhin sa clinic. dapat hindi na lang muna siya sumali at sana nagpahinga na lang.

nagsimula na kumanta yung vocalist nila. at yung kanta sa 100 tula para kay stella ang tinutugtog nila, yung 241. ganda ng daloy nung kanta at lalo pang gumanda dahil sumasabay yung ibang nanonood. ang ganda nga eh pangsenti-senti mode lang. at gulat kaming lahat ng nag-iba bigla yung boses.

"but somebody owns you now."

napatingin ako kay yeol. kilala ko yung boses niya alam kong.. siya yon. napatingin na lang ako sa lapag kasabay ng mga "aww.." "hala.." "kawawa naman siya.." "may pinagdadaanan siguro." ng iba.

rebound | b.bhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon