45

629 28 4
                                    

Stephanie's point of view

"Baekhyun, tama na yan."awat ko kay Baekhyun dahil nakakailang bote na siya ng alak.

Sinubukan kong kunin sa kanya yung hawak niyang bote pero nilalayo niya yung kamay niya sa akin. At nung nahawakan ko na yung bote pinagsaklop naman niya ang kamay namin para hindi ko na makuha yung iniinom niya.

"Bakit ka ba naglalasing?"tanong ko.

Kaninang umaga ayos pa 'to eh. Tapos bigla na lang nawala at hindi ko na ulit nakita simula nung sabay kaming pumasok. At hindi pa sumasagot sa mga message at tawag ko.

"A-Ayos na ko e– hik ..pero bakit tatawag-tawag p– hik pa siya."sabi niya at tinungga ng daretso yung alak na hawak niya.

"Baekhyun, tama na yan."pag-aawat ko pa ulit. At hinablot na sa kanya yung bote ng alak.

"W-Waisher!"sigaw niya at tinaas ang isang kamay.

"Waiter, wag na."sabi ko naman at inilingan yung waiter. Pero ang kulit ni Baekhyun at humihingi pa ng tatlong bote. Kaya naman binayaran ko na lahat ng ininom niya para tapos na.

"Ang KJ mo naman."rinig kong bulong niya sa may tabi ko.

"Eh kung basagin ko kaya lahat ng bote ng alak dyan sa ulo mo."sagot ko. Tumingin naman ako sa kanya at nakitang naka-pout ito. Isang irap na lang ang nagawa ko.

Dapat nagbabasa ako ng notes ko ngayon eh pero dahil sa kanya nandito ako sa amoy alak na lugar na 'to. Kung hindi lang siya mahalaga at hindi lang ako kinakabahan edi sana pinabayaan ko na 'tong malunod sa alak.

"Sorry."sabi niya at hinila niya ako papalapit sa kanya. Umusog naman ako palayo ulit dahil nga sa amoy alak siya.

"Sorry na."pangungulit niya pa at pinatong yung baba niya sa balikat ko. Nag-tsk lang ako at pinulupot naman niya ang mga braso niya sa bewang ko.

"Papatayin mo na ata sarili mo."sabi ko at inalis yung pagkakapatong ng baba niya sa balikat ko.

"Ginawa ko naman lahat eh."

Nabaling ang atensyon ko sa familiar na babae na pumasok sa may pintuan ng bar. Lumilingon-lingon siya na para bang may hinahanap. Tinawagan din kaya siya ni Baekhyun? Siya kaya ang unang tinawagan?

Nabalik ang atensyon ko kay Baekhyun nang hawakan niya ang pisngi ko at hinila ako papalapit sa kanya.

Kasabay nang pagtama ng mga mata namin ni Hyeran ang paglapat ng labi ni Baekhyun sa labi ko.

"Mahal na mahal kita.."

rebound | b.bhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon