Kabanata 34

5.1K 248 55
                                    

"Gising na pala si Quinn Maya! Hi birthday girl!" Agad akong napalingon nang sa aking likuran nang magsalita si Allan.

Nakita ko ang batang babae na nagkukusot pa ng kanyang mata. Halata na galing siya sa kanyang pagkatulog.

"Hi Uncle..." Nagmano ang batang babae na anak ni Hunter kay Allan at Peter.

Hindi ko alam kung bakit todo ako kung makatitig kay Quinn. Pakiramdam ko ba ay matagal ko na siyang kakilala at para bang sa oras na ito ay kay sarap niyang yakapin.

Nakita ko naman si Hunter na pumunta sa isang sulok habang kunot noong tinitignan ang cellphone niya.

Siguro ay may nagtext sa kanya.

"Hi Quinn..." Napangiti ako nang lumingon naman sa akin ang bata, agad ko siyang niyakap. "Happy birthday... How's your day?"

"Hmmm... Daddy talk alot about you. I think he likes you. You look pretty Auntie Mia."

Napatigil ako nang marinig ko ang sinabi niya sa akin.

Habang sila Allan at Peter ay abala sa pag iinuman at si Hunter na ngayon ay may kausap na sa kanyang telepono.

"He—He what?"

"Hey, hi baby!" Si Hunter na ngayon ay nakalapit na sa amin.

Napabuntong hininga ako nang makita kong kargahin ni Hunter ang anak niya.

"What do you want baby?"

Pansin ko ang paglungkot ng mukha ni Quinn. "Si Mommy po.."

Sa pagkakaalam ko base sa kwento sa akin ni Hunter ay iniwanan sila ng kanyang girlfriend noon. Hindi ko na alam ang sumunod pang detalye kung nasaan na ngayon ang ina ni Quinn. Wala naman kasi ako sa posisyon para magtanong.

"Alright... Tatawagan ko na muna si Tita Irish mo. Sabi niya sa akin kanina, may magandang gift siya sa'yo."

"Thank you, Daddy! I will wait for her!"

Pinakain na ni Hunter si Quinn at habang nasa ganoong senaryo ay dumating ang dalawang babae na sa tingin ko ay girlfriend ni Allan at Peter.

Bago pa sila makalapit sa pwesto namin ay napansin na muna nila ako at nakita ko pa ang halos paglaki ng mga mata nila sa gulat.

"What the pech??!! You're here?!"

Eh?

Pech?

"Si Mia iyan.. Hindi 'yan si Pech." Natatawang sabi ni Allan sa dalawang babae.

"Ah... Heheheh," Lumapit sa akin ang dalawa at saka bumeso sa akin, "Hi, Mia.. Ako si Charlene. Boyfriend ko si Allan."

Tumango ako sa kanya bago magsalita ang isa pang babae.

"Ako naman si Marian at boyfriend ko ai Peter." Sabi niya at pagkatapos ay tinarayan si Peter.

Mukhang magkaaway pa silang dalawa.

"Hi birthday girl.. Happy birthday!" Rinig kong sabi ni Charlene at Marian kay Quinn nang makalapit ang dalawa sa bata.

Hindi ko naman maintindihan kung bakit sa tingin ko ay hindi masyadong mapalagay si Hunter.

Kinuha ko na lamang ang cellphone ko mula sa bulsa ko at saka nag check ng newsfeed sa facebook.

Muntik pa nga akong mapatampal sa aking pisngi nang mabasa ko ang status ni Hunter ten minutes ago.

Hunter Ford is feeling inlove with slightly pain.

#Allbymyself
#ToLoveYouMore

Hindi ko alam kung anong trip ni Hunter sa buhay at masyado siyang mahilig mag status sa facebook. Well, buhay naman niya iyan at wala naman akong magagawa.

Isa pa, inlove pala siya pero kanino? Wala naman kasing nababanggit sila Allan at Peter sa akin na may girlfriend siya ngayon.

Akala ko nga dati ay asawa niya si Ma'am Irish. Iyon pala, nang ikwento sa akin nila Allan ay kapatid pala ni Hunter si Ma'an Irish.

Naging magkapatid silang dalawa dahil inampon daw ng parents ni Ma'am Irish si Hunter dati.

Habang nagbabasa ako ng mga posts sa aking newsfeed ay naramdaman kong may tumabi sa akin at nang balingan ko ng tingin ay nakita ko si Hunter na sinisilip ang screen ng phone ko. Para bang gusto niyang maki-chismis kung ano bang ginagawa ko sa cellphone ko.

"Pwede bang... Uhm," Nakita ko pa ang pagkamot niya sa kanyang ulo na tila ba nahihiya,

"Pwede bang ano?" Tanong ko pa sa kanya.

Huminga naman siya ng malalim at saka nagsalita, "Dito ka matulog?"

"Huh... Eh, may pasok kasi ako bukas." Sagot ko sa kanya, pero sa totoo lang ay off ko pala bukas sa trabaho ko.

"Kasi.... Sabi sa akin ni Quinn.. Iiyak daw siya pag hindi ka dito matutulog ngayong gabi. Eh, paano iyan? Kapag umiyak ng umiyak si Quinn, hindi ako makakatulog... Papasok ako sa trabaho na walang tulog, baka nagkasakit ako kasi puyat ako.." Sabi niya nang naka-pout. "Hayy... Hindi ko alam ang gagawin ko, malulungkot din ang bata kasi wala siyang ibang kasama bukod sa akin.. Eh, sana pagbigyan mo na.. Alam mo naman sa panahon ngayon, pag malungkot depress na agad.. Paano pag na depress ako?"

"Huh?" Inangat ko ang kamay ko saka binatukan si Hunter, "Anong depress ang pinagsasabi mo? Patutulugin mo lang ako dito sa bahay mo ang dami mo ng sinatsat diyan."

"Totoo naman eh, hay..." Muli siyang huminga ng malalim at saka niya ako tinitigan, "Hindi ko alam pero.. Gusto talaga kitang makasama, ay... Si Quinn, sabi niya gusto ka pala niyang makasama. Hindi ako, baka isipin mo masyado akong patay na patay sa'yo eh hindi pa nga kita nililigawan."

Napatawa ako sa sinabi niya, "Alam mo masyado kang halata."

"Halata saan?" Kunot noong tanong niya.

Umiling ako, "Kung gusto mo ako, sabihan mo lang ako... Hindi 'yung magpo-posts ka pa sa facebook ng napakarami." Natatawang sabi ko pa.

"Shít! Ayaw mo ba ng ganoon?"

Umiling muli ako, "Hindi ko naman iyon ila-like kung ayaw ko." Sabi ko pa.

Gusto kong matawa nang makita ko kung paano pigilan ni Hunter ang pagngiti niya, namumula rin ang kanyang tainga.

"Kilig na kilig si loverboy! Hahahahahaha!"

Napayuko ako nang magtawanan sila Allan at Peter pati ang kanilang girlfriend na nakikinig pala sa usapan namin.

Ilang sandali ay nagke-kwentuhan ulit silang lahat habang ako ay katabi ko si Quinn Maya na nanunuod ng barbie sa iPad.

Habang nagke-kwentuhan ang mga magkakaibigan ay pansin ko ang saya sa mukha ni Hunter.

Napangiti ako nang magtama ang tingin naming dalawa, ngumiti rin siya at saka ako kinindatan.

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon