Kabanata 28

5.8K 267 65
                                    

"Ang pogi talaga ng lalaking iyon." Ani Ria nang makalapit ako sa kinaroroonan niya.

Kunot-noo ko naman siyang tinignan, "Sino naman?"

"Yung ano.." Napakamot siya sa ulo niya at tila ba may pilit inaalala sa isip niya, "Yung pulis na, asawa yata ni Ma'am Irish."

"Ahh.." Napapatangong sabi ko na lang.

"Ang swerte ni Ma'am Irish sa pulis na iyon. Ang yummy naman kasi! Di 'ba?!" Ani pa ni Ria na ikinasimangot ko naman.

"Ang sungit naman niya. At saka, wala naman akong pakialam sa kanya no. Hindi dapat natin pinag-aaksayahan ng panahon ang pul-" Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin kong napatulala si Ria kasabay ng panginginig ng halos buong katawan niya.

Mukha tuloy siyang may epilepsy.

"Ria?"

Nanginginig naman siyang umiling habang ang tingin ay nasa likod ko.

"Ano bang mayroon sa likod--" Mabilis akong napatikom ng bibig ng makita ko ang pulis na seryosong nakatingin sa akin.

Narinig kaya niya ang pinag-uusapan namin ni Ria?!

"Uhm.. Friend, sige, balik na ako sa trabaho ko muna." Nagmamadaling sabi ni Ria at saka ako iniwanan sa pwesto ko.

Gusto ko sanang habulin si Ria para paulanan ng sampal dahil sa pag-iwan sa akin pero hindi ko na nagawa dahil natatakot ako sa mga titig sa akin ng pulis na kaharap ko.

Si Ford...

'Yun lang ang alam kong pangalan niya dahil iyon lang ang nabasa kong nakasulat sa uniform niya na pang-pulis.

"May problema ka ba sa'kin?" Seryosong tanong sa akin ng lalaking kaharap ko.

Nakakatakot namang titigan ang isang ito. Parang kumakain ng tao kung makatingin.

"W-Wala po..."

Hindi naman na umimik ang lalaki, kaya muli akong nagsalita kahit na kinakabahan.

"S-Sige po... B-Balik na po ako sa trabaho ko."

Unti-unti naman akong nakahinga ng malalim nang makalayo ako sa lugar kung nasaan ang pulis na iyon. Nakakakaba naman siyang kausap, para siyang may gakit sa mundo.

Sa buong oras ng trabaho ko ay hindi ko na nakita pa ang pulis na iyon sa opisina. Nakita ko na rin na lumabas si Ma'am Irish mula sa opisina niya kani-kanina lang.

Ang sabi sa akin ni Ria kanina, mag-asawa daw si Ma'am Irish at iyong pulis na iyon kanina.

Totoo kaya ang kwento sa akin ni Ria?

Pero... Bakit ko ba kasi pinag-aaksayahan ng oras at panahon ang lalaking iyon.

"Oh.. Tapos na ang oras ng trabaho. Tama na iyan! Walwalan time na! Rest day na rin natin bukas!" Energetic na sabi sa akin ni Ria.

"Saan mo naman balak pumunta?"

"Sa Heavens! Bagong bukas na night bar sa BGC! Punta tayo don! 'Wag kang mag-alala.. Ililibre kita." Ani Ria, "H'wag ka ng umangal ha! Ano?! Tara na!"

Hindi na nga ako naka-angal pa sa mga binabalak ni Ria. Dahil siya ang may pera ay sumama na rin ako sa kanya, siya rin naman ang nag-invite sa akin kaya sino ba ako para tumanggi?

"Mia.. Anong sabi sa'yo ni Sir Hunter?!" Tanong ni Ria habang siya ay nagmamaneho ng sasakyan, "Mukha kasing seryoso ang pinag-usapan niyong dalawa!"

"Uhmm.. Wala naman." Sagot ko naman.

Hunter?

"Hunter ang pangalan ng lalaking iyon?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Yes, His Name is Hunter... Ford."

Hindi ko alam pero parang pamilyar sa akin ang pangalan na iyon. Siguro nga, nabasa ko na sa internet o narinig sa balita ang pangalan na iyon. Pamilyar kasi sa akin.

Nang makarating kami sa Heavens at nagsimula na kaming uminom ng vodka. Well, ayaw ko sanang uminom ng ganoong inumin dahil hindi naman talaga ako umiinom ng kahit na anong brand ng alak.

Ewan ko ba dito kay Ria kung bakit trip na trip niyang uminom kami ngayong dalawa, hindi naman siya broken dahil sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang lovelife.

"Grabe talaga kanina.. Kinabahan talaga ako, Mia..." Patuloy lang sa pagsasalita si Ria, mahigit isang oras na pala kaming nagsasayang ng oras sa lugar na iyon.

Nararamdaman ko na ang epekto ng alak pero si Ria ay balewala lang sa kanya ang lahat ng iniinom niya.

Patuloy lang sa pagkekwento ng mga bagay-bagay sa akin si Ria, wala na nga akong naiintindihan.

Inilibot ko ang aking paningin at para bang nagising ang buong diwa ko nang may mamataan ang paningin ko.

Namumukhaan ko ang dalawang naka-sibilyan at hindi unipormado na pang pulis ang nakikita ko ngayon. Si Allan at Peter.

Bakit sila nandito?

"Mia! Let's dance! damhin natin ang saya ng dance floor! oh yeah!" May pa-rock n roll sign pa si Ria, halatang lasing na.

"Sige, nandito lang ako Ria. Umayos ka ha." Paalala ko sa kanya. Alam ko naman na matibay ang katawan niya lalo na sa inuman na ganito.

"Yes! laban na 'to!!"

PAK NA PAK!

Bored kasi ako kaya naisipan kong mag-open ng facebook gamit ang cellphone ko. PAK NA PAK, trip ko lang mag-post dahil medyo bored at dala siguro ng nainom kong alak.

"Ah... Shit!"

Napatigil ako sa pagtingin ng notifications ko sa facebook nang may umupo sa tabi ko.

Nang balingan ko siya ng tingin ay nakita ko si Hunter Ford na lasing na lasing at tila ba wala na sa sarili, hawak-hawak rin niya ang ulo niya na tila sumasakit talaga.

"S-Shit! U-Ulo ko..."

Huh? Ulo?

San?

Mukhang kailangan yata ng tulong ng lalaking ito. Hay, wala pa naman akong contact sa family niya.

"Sir.. Okay lang po ba kayo?"

Hindi na siya sumagot, sa halip ay isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko kasabay ng pagsuka niya ng..... What the hell?!

Bakit sumuka siya?!

"Sir?? Kaya nyo pa po ba? Nasukahan niyo na po ako. Gusto nyo po bang magpatulong na lang ako sa security?" Medyo naiinis na tanong ko na sa kanya.

Nakakainis!

Ang laki naman ng bar na ito pero sa akin pa talaga niya napiling sumuka ng tubig!

Lasing ba siya sa tubig?

Wala naman akong naaamoy na scent ng alak o kahit na amoy ng sigarilyo sa katawan at damit niya. In fact, amoy pabango pa nga siya.

"D-Dalhin mo ako dito..." Pautal-utal na sabi ng pulis na si Hunter sa akin nang maibigay sa akin ang I.D niya, iyon pala.. Nakasulat doon ang address ng bahay niya.

"Naku, Sir... Sorry, ang layo ng Makati dito, sa uber ka na lang magpahatid..." Sabi ko pa sa kanya.

Umiling siya, "No..."

Binigay niya sa akin ang susi, letse naman oh!

"I will pay you for this. Just... take me home."

Oh ghad! "O sige na nga, kawawa ka naman. lasing na lasing. Basta bayaran mo ako sa abala ha? Mayaman ka naman yata eh?"

"Yeah..."

OK.

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon